I'm going to speak today about the relationship between science and human values. Now, it's generally understood that questions of morality -- questions of good and evil and right and wrong -- are questions about which science officially has no opinion. It's thought that science can help us get what we value, but it can never tell us what we ought to value. And, consequently, most people -- I think most people probably here -- think that science will never answer the most important questions in human life: questions like, "What is worth living for?" "What is worth dying for?" "What constitutes a good life?"
Aking tatalakayin ang relasyon sa pagitan ng siyensya and moralidad. Karaniwan nang umiiral ang mga katanungan ukol sa moralidad -mga katanungan tungkol sa kabutihan at kasamaan, tama at mali- ay mga katanungan kung saan ang siyensya ay walang opinyon. Isang pagkakaunawa na ang siyensya ay nakatutulong upang makamtan ang mga bagay na mahalaga subalit hindi nito kayang patunayan ang nararapat nating pahalagahan. Sa gayon, karamihan ng mga tao –- sa aking palagay maaring karamihan dito – ay nagiisip na ang siyensya ay hindi kailanman masasagot ang pinakamahalagang mga katanungan sa buhay ng tao. mga katanugan tulad ng, “Ano ang ikahahalaga ng buhay? “Ano ang ikabubuwis ng isang buhay?” “Ano ang bumubuo sa isang mabuting na pamumuhay?”
So, I'm going to argue that this is an illusion -- that the separation between science and human values is an illusion -- and actually quite a dangerous one at this point in human history. Now, it's often said that science cannot give us a foundation for morality and human values, because science deals with facts, and facts and values seem to belong to different spheres. It's often thought that there's no description of the way the world is that can tell us how the world ought to be. But I think this is quite clearly untrue. Values are a certain kind of fact. They are facts about the well-being of conscious creatures.
Kung sa gayon, aking patutunayan na isa itong ilusyon -- ang pagitan ng siyensya ang pagpapahalaga ay isang ilusyon -- at sa katunayan ay tila mapanganib na ilusyon sa ating panahon ngayon. Kalimitang binabanggit na ang siyensya ay kailanman hindi maaaring magbigay ng pundasyon para sa moralidad at pagkataong pagpapahalaga, dahil ang siyensya ay paukol sa mga naitatag na katotohanan, at ang katotohanan at pagpapahalaga ay kabilang sa magkaibang kategorya. Madalas maisip na walang deskripsiyon ang daigdig kung saan, ito ay maaaring makapagsabi kung paano ang daigdig ay nararapat maging. Ngunit, sa aking palagay, ito ay malinaw na kabulaanan. Ang pagpapahalaga ay isang tiyak na uri ng katotohanan. Ito ay ang mga katotohan ukol sa kapakanan ng bawat nilalang.
Why is it that we don't have ethical obligations toward rocks? Why don't we feel compassion for rocks? It's because we don't think rocks can suffer. And if we're more concerned about our fellow primates than we are about insects, as indeed we are, it's because we think they're exposed to a greater range of potential happiness and suffering. Now, the crucial thing to notice here is that this is a factual claim: This is something that we could be right or wrong about. And if we have misconstrued the relationship between biological complexity and the possibilities of experience well then we could be wrong about the inner lives of insects.
Bakit wala tayong etikal na obligasyon tungo sa mga bato? Bakit wala tayong nararamdamang pagkahabag para sa mga bato? Ito ay sa kadahilanang alam natin na hindi nakararanas ng pagdurusa ang mga bato. At kung higit tayong nagmamalasakit sa ating kapwa nilalang kumpara sa mga insekto, at gayun nga ito ay dahil alam natin na sila ay nakararanas ng mas malawak na potenyal para sa ligaya at pagdurusa. Ngayon, ang napakaimportanteng pansin dito ay ito nababatay sa katotohanan. Ito ay isang bagay na maari tayong maging tama o mali. At kung tayo ay may maling konsepto ukol sa relasyon sa pagitan ng biyolohikal na kompleksidad at ang posibilidad ng karanasan maaring magkamali nga tayo ukol sa detalye ng buhay ng mga insekto.
And there's no notion, no version of human morality and human values that I've ever come across that is not at some point reducible to a concern about conscious experience and its possible changes. Even if you get your values from religion, even if you think that good and evil ultimately relate to conditions after death -- either to an eternity of happiness with God or an eternity of suffering in hell -- you are still concerned about consciousness and its changes. And to say that such changes can persist after death is itself a factual claim, which, of course, may or may not be true.
At walang paniwala walang bersyon ng makataong moralidad at pagpapahalaga na kailanman ay aking nabatid na sa isang banda ay hindi maaring isimplika sa pagintindi ukol sa magkamalay na karanasan at ang posibleng pagbabago ng mga ito. Kahit na ang iyong pagpapahalaga ay mula sa relihiyon, kahit na iyong iniisip na ang kabutihan at kasamaam ay sa huli maiuugnay sa kalagayan pagkatapos ng kamatayan -- alinman sa walang-hanggang kaligayahan sa piling ng Diyos o ang walang-hanggang pagdurusa sa impyerno -- ikaw ay sadyang may malasakit sa diwa at sa mga pagbabago nito. At kung masasabi na ang mga pagbabagong ito ay mananatili kahit matapos ang kamatayan ay isang batid na katotohanan na tiyak na maaring mali o tama.
Now, to speak about the conditions of well-being in this life, for human beings, we know that there is a continuum of such facts. We know that it's possible to live in a failed state, where everything that can go wrong does go wrong -- where mothers cannot feed their children, where strangers cannot find the basis for peaceful collaboration, where people are murdered indiscriminately. And we know that it's possible to move along this continuum towards something quite a bit more idyllic, to a place where a conference like this is even conceivable.
Ngayon, patungkol sa kondisyon ng kapakanan ng katauhan sa buhay na ito, alam natin na mayroong mga batid na katotohanan. Alam natin na posibleng mamuhay sa isang bigong kalagayan kung saan ang lahat na maaring magkamali ay sadyang nagkakamali -- kung saan ang mga ina ay hindi kayang pakainin ang kayang mga anak kung saan ang mga estranghero ay walang makitang basehan para sa mapayapang pakikitungo kung saan ang mga tao ay walang-awang napapaslang At alam nating posibleng kumilos pasulong sa ganitong palakad patungo sa payapa't maligayang kondisyon sa lugar kung saan ang mga pagtitipon gaya nito ay maaaring maganap
And we know -- we know -- that there are right and wrong answers to how to move in this space. Would adding cholera to the water be a good idea? Probably not. Would it be a good idea for everyone to believe in the evil eye, so that when bad things happened to them they immediately blame their neighbors? Probably not. There are truths to be known about how human communities flourish, whether or not we understand these truths. And morality relates to these truths.
At alam natin -- alam natin -- na mayroong wasto at maling kasagutan at kung paano kumilos sa ating kinalalagyan. Ang pagdaragdag ng cholera sa tubig ay isa bang mabuting ideya? Marahil ay hindi. Mahusay na ideya ba kung ang lahat ay maniniwala sa demonyong mata at kung sakaling may masamang mangyari sa kanila ay agad-agad nilang ibibintang sa kalapit-bahay? Marahil ay hindi. May mga katotohanan na maaaring malaman patungkol sa kung paano ang komunidad ay posibleng umunlad, maintindihan man natin o hindiang ganitong uri ng katotohanan. At ang moralidad ay may kaugnayan sa mga katotohanan na ito.
So, in talking about values we are talking about facts. Now, of course our situation in the world can be understood at many levels -- from the level of the genome on up to the level of economic systems and political arrangements. But if we're going to talk about human well-being we are, of necessity, talking about the human brain. Because we know that our experience of the world and of ourselves within it is realized in the brain --
Kung gayon, sa pagtatalakay ukol sa pagpapahalaga, tayo ay nagididskusyon ukol sa katotohanan. Ngayon, marapat lamang na ang ating sitwasyon ay maaring maintindihan sa ibat-ibang antas -- mula sa antas ng 'genome' hanggang sa lebel ng sistemang ekonomikal at politikal na usapin. Ngunit kung tayo ay magtatalakay ukol sa kapakanan ng bawat nilalang tayo ay, dahil sa pangagailangan, tumutukoy sa utak ng tao. Dahil alam natin na ang ating karanasan sa mundo and ang ating persepsiyon ng ating sarili mula dito ay mauunawaan sa pagsasaliksik sa utak --
whatever happens after death. Even if the suicide bomber does get 72 virgins in the afterlife, in this life, his personality -- his rather unfortunate personality -- is the product of his brain. So the contributions of culture -- if culture changes us, as indeed it does, it changes us by changing our brains. And so therefore whatever cultural variation there is in how human beings flourish can, at least in principle, be understood in the context of a maturing science of the mind -- neuroscience, psychology, etc.
kung ano man ang mangyari pagkatapos ng kamatayan. Kahit pa ang isang suicide bomber ay makakuha ng 72 na birhen sa pangalawang buhay sa buhay na ito, ang kanyang personalidad -- marahil ang kanyang masaklap na personalidad -- ay produkto ng kanyang utak. Kung gayon, ang mga kontribusyon ng kultura -- kung ang kultura ay nakapagbabago sa atin, ay siya nga, ito ay nakapagbabago habang naiiba ang ating utak. Kung gayon, anumang pagkakaiba ng kultura mayroon sa kung paano napauunlad ang sangkatauhan ay maari, kahit sa prinsipyo, lubusang maintindihan sa konteksto ng masulong na pananaliksik sa siyensya -- neuroscience,sikolohiya, etc.
So, what I'm arguing is that value's reduced to facts -- to facts about the conscious experience of conscious beings. And we can therefore visualize a space of possible changes in the experience of these beings. And I think of this as kind of a moral landscape, with peaks and valleys that correspond to differences in the well-being of conscious creatures, both personal and collective. And one thing to notice is that perhaps there are states of human well-being that we rarely access, that few people access. And these await our discovery. Perhaps some of these states can be appropriately called mystical or spiritual. Perhaps there are other states that we can't access because of how our minds are structured but other minds possibly could access them.
Ang aking argumento ay mabago ang konsepto ng pagpapahalaga tungo sa katotohanan -- katotohanan ukol sa mapangmalay na karanasan ng sangkatauhan. At kung gayon ay kaya nating masaisip ang lugar ng mga posibleng pagbabago sa karanasan ng mga tao. At marahil isa itong uri ng 'moral landscape', na may mga rurok at lambak na ummayon sa mga pagkakaiba ng bawat kapakanan ng mga nilalang, kapwa personal at panlahat At isang bagay ang mapupuna, marahil mayroong mga estado ng kagalingan o kapakanan na wala tayong kaalaman, na kaunti lamang ang nakaaalam At ito ay naghihintay ng ating pagdiskubre. Maaring ang ibang kalagayan ay marapat lamang matawag na mistikal o ispiritual Marahil may mga ibang kalagayan na hindi natin kayang tugunan dahil sa kung paano ang ating pag-iisip ay naka istruktura subalit may mga ibang pag-iisip na maaring makapag-alam nito.
Now, let me be clear about what I'm not saying. I'm not saying that science is guaranteed to map this space, or that we will have scientific answers to every conceivable moral question. I don't think, for instance, that you will one day consult a supercomputer to learn whether you should have a second child, or whether we should bomb Iran's nuclear facilities, or whether you can deduct the full cost of TED as a business expense. (Laughter) But if questions affect human well-being then they do have answers, whether or not we can find them. And just admitting this -- just admitting that there are right and wrong answers to the question of how humans flourish -- will change the way we talk about morality, and will change our expectations of human cooperation in the future.
Ngayon, nais kong bigyang linaw ang mga bagay na hindi ko ibig sabihin. Hindi ko sinasabi na ang siyensya ay may garantiyang mabalangkas ang espasyong ito, o marahil ay may mga siyentipikong kasagutan sa bawat malikhang tanong ukol sa moralidad Hindi ko lubos maisip, halimbawa, na isang araw ay maaaring makonsulta ang isang 'supercomputer' upang malaman kung ikaw ay magkakaroon ng pangalawang anak, o kaya naman ay kung nararapat na mabomba ang kagamitang nuklear ng Iran, o kaya naman ay kung maibabawas ang buong halaga ng TED sa negosyong ito (tawanan) Ngunit kung ang mga katanungan ay nauukol sa kapakanan ng mga nilalang samakatuwid ay mayroon itong mga kasagutan, mahanap man natin ito o hindi. At kung tanggapin lamang natin nang buong loob -- tanggapin lamang natin na mayroong wasto at maling kasagutan sa mga katanungan ukol sa pagpupunyagi ng katauhan maiiba ang ating persepsyon tungkol sa moralidad. at tuluyang mababago ang ating inaasahan patungkol sa pagkakaisa ng sangkatauhan sa hinaharap.
For instance, there are 21 states in our country where corporal punishment in the classroom is legal, where it is legal for a teacher to beat a child with a wooden board, hard, and raising large bruises and blisters and even breaking the skin. And hundreds of thousands of children, incidentally, are subjected to this every year. The locations of these enlightened districts, I think, will fail to surprise you. We're not talking about Connecticut.
Halimbawa, mayroong 21 na estado sa ating bansa kung saan ang kaparusahan sa silid-aralan ay itinuturing na legal, kung saan legal para sa isang guro ang saktan ang bata gamit ang kahoy na tabla, at magdulot ng malalaking pasa at sugat, lalo pa at sugatan ito nang malalim and libo-libong kabataan ang nakararanas nito bawat taon. Ang lokasyon ng mga distritong ito ay marahil makakapag-gulat sa inyo Hindi ito sa Connecticut.
And the rationale for this behavior is explicitly religious. The creator of the universe himself has told us not to spare the rod, lest we spoil the child -- this is in Proverbs 13 and 20, and I believe, 23. But we can ask the obvious question: Is it a good idea, generally speaking, to subject children to pain and violence and public humiliation as a way of encouraging healthy emotional development and good behavior? (Laughter) Is there any doubt that this question has an answer, and that it matters?
At ang makatwirang paliwanag dito ay tahasang nagmumula sa relihiyon Siya na naglikha sa daigdig ang nagsabi sa atin na maging mahigpit o palakhin sa layaw ang bata -- ito ay nasa Proverbs 13 at 20, at sa aking paniniwala sa 23 Ngunit kaya nating magtanong ng mga katanungang humihingi ng kasagutan: Isa bang mabuting ideya, sa pangkalahatan na padanasin ng sakit ang bata gayundin ng karahasan at kahihiyan upang himukin ang emosyonal na kalusugan at pag-unlad at magkaroon ng mabuting pag-asal? (tawanan) Mayroon bang alinlangan na ang huwstiyon na ito ay may kasagutan, at may kahalagahan?
Now, many of you might worry that the notion of well-being is truly undefined, and seemingly perpetually open to be re-construed. And so, how therefore can there be an objective notion of well-being? Well, consider by analogy, the concept of physical health. The concept of physical health is undefined. As we just heard from Michael Specter, it has changed over the years. When this statue was carved the average life expectancy was probably 30. It's now around 80 in the developed world. There may come a time when we meddle with our genomes in such a way that not being able to run a marathon at age 200 will be considered a profound disability. People will send you donations when you're in that condition. (Laughter)
Ngayon, maaring marami sa inyo ang nababahala na ang pagkahiwatig sa kabutihan/kapakanan ng sangkatauhan ay walang sapat na kahulugan at maaring lubos na nangangailangan ng pagsasa-ayos Kung sa gayon, paano maaaring magkaroon ng tiyak na layon ang kabutihan o kapakanan ng sangkatauhan? Buweno, nilay-nilayin sa pamamagitan ng analohiya, ang konsepto ng pisikal na kalusugan. Ang konsepto ng pisikal na kalusugan ay walang karampatang kahulugan. Ating narining mula kay Michael Specter, na itoy tuluyang nagbago sa paglipas ng mga taon. Nang ang bantayog na ito ay inukit ang pamantayan ng haba ng buhay ay marahil nasa 30 Ngayon ito ay nasa 80 sa maunlad na mga bansa. Maaring dumating ang panahon na tayo ay magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa ating 'genomes' sa paraang ang mga taong hindi na kayang tumakbo sa maraton sa edad na 200 ay masasabing malubhang kapansanan Ang mga tao ay magbibigay ng donasyon sa mga taong may ganoong kondisyon. (tawanan)
Notice that the fact that the concept of health is open, genuinely open for revision, does not make it vacuous. The distinction between a healthy person and a dead one is about as clear and consequential as any we make in science. Another thing to notice is there may be many peaks on the moral landscape: There may be equivalent ways to thrive; there may be equivalent ways to organize a human society so as to maximize human flourishing.
Bigyang pansin ang katotohanan sa konsepto ng kalusugan ay bukas sa diskusyon at rebisyon ay nangangahulugan lamang na ito ay may katutunan Ang pagkakaiba sa pagitang ng malusog na tao at ng patay ay sobang linaw at may katugurang resulta tulad ng anumang adhikain sa siyensya. Isa pang bagay na dapat bigyang pansin ay ang mga rurok sa 'moral landscape' Maaaring may mga katumbas na paraan upang magtagumpay; maaring may mga katumbas na paraan upang maayos ang lipunan upang ating lubos na mapakinabangan ang pagunlad ng sangkatauhan.
Now, why wouldn't this undermine an objective morality? Well think of how we talk about food: I would never be tempted to argue to you that there must be one right food to eat. There is clearly a range of materials that constitute healthy food. But there's nevertheless a clear distinction between food and poison. The fact that there are many right answers to the question, "What is food?" does not tempt us to say that there are no truths to be known about human nutrition. Many people worry that a universal morality would require moral precepts that admit of no exceptions.
Ngayon, bakit maaari nitong itaguyod ang layon tungo sa moralidad? Bueno, isipin na lamang ang usapin sa pagkain: Marahil ay wala nang dahilan upang isiwalat ang argumentong may iisang klase ng pagkain ang nararapat lamang kainin. Na mayroong malinaw na klase ng komposisiyon na nagbubuo sa nakapagpapalusog na pagkain Ngunit, mayroong malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng pagkain at lason. Sa katotohanan na mayroong mga tamang kasagutan sa tanong na, "Ano ang pagkain?" hindi na ito nakapagdudulot ng iba pang usapin upang masabi na walang katotohanan na dapat maisawalat ukol sa nutrisyon. Maraming tao ang nababahala na ang isang unibersal na moralidad ay mangangailangan ng moral na mga kautusan na walang katiwalisan.
So, for instance, if it's really wrong to lie, it must always be wrong to lie, and if you can find an exception, well then there's no such thing as moral truth. Why would we think this? Consider, by analogy, the game of chess. Now, if you're going to play good chess, a principle like, "Don't lose your Queen," is very good to follow. But it clearly admits some exceptions. There are moments when losing your Queen is a brilliant thing to do. There are moments when it is the only good thing you can do. And yet, chess is a domain of perfect objectivity. The fact that there are exceptions here does not change that at all.
Halimbawa, kung talagang mali ang magsinugaling, dapat lamang na palaging maging mali ang magsinugaling, at kung makahanap man ng katiwalisan marahil wala ngang bagay na tulad ng moral na katotohanan. Bakit naman natin ito maiisip? Pagisipan natin sa pamamagitan ng analohiya, ang larong 'chess' Ngayon, kung ikaw ay maglalaro ng chess ang tuntunin na, "Huwag mong iwala ng Reyna," ay isang mabuting tuntunin, Ngunit, malinaw na ito ay may mga katiwalisan May mga pagkakataon na ang pagakawala sa iyong Queen ay mabuting galaw. May mga pagkakataon na ito lamang ang mabuting gawin. At ang chess ay may iisa lamang perpektong layunin. Ang katotohanan na may eksepsyon dito ay hindi sapat upang mabago ito.
Now, this brings us to the sorts of moves that people are apt to make in the moral sphere. Consider the great problem of women's bodies: What to do about them? Well this is one thing you can do about them: You can cover them up. Now, it is the position, generally speaking, of our intellectual community that while we may not like this, we might think of this as "wrong" in Boston or Palo Alto, who are we to say that the proud denizens of an ancient culture are wrong to force their wives and daughters to live in cloth bags? And who are we to say, even, that they're wrong to beat them with lengths of steel cable, or throw battery acid in their faces if they decline the privilege of being smothered in this way?
Kung gayon, ating maiisip ang ibat-ibang gawain na nararapat lamang gawin ng mga tao alang-ala sa moralidad. Bilang halimbawa ang isyu tungkol sa katawan ng mga kababaihan Ano ang nararapat gawin sa mga ito? Bueno, ito ang isa sa mga maaring gawin tungkol dito: Takpan ang mga ito. Ang pangkalahatang posisyon ng intelektuwal na komunidadad na kahit hindi man natin ito magustuhan, maaring maisip natin na ito ay "mali" sa Boston o sa Palo Alto, sino ba tayo upang magsabi na ang mga dakilang mamamayan ng sinaunang kultura ay nagkamali sa pagpupursigi na ipilit ang kanilang mga asawa't anak na ibalot sa tela ang buo nilang katawan? At sino tayo upang magsabi, na kahit sila man ay nagkamali upang manakit gamit ang bakal na kable, o buhusan ng asido ang mukha ng kanilang mga biktima kung iiwasan ng mga kababaihan ang tila isang pribilehiyo upang matrato ng gayon?
Well, who are we not to say this? Who are we to pretend that we know so little about human well-being that we have to be non-judgmental about a practice like this? I'm not talking about voluntary wearing of a veil -- women should be able to wear whatever they want, as far as I'm concerned. But what does voluntary mean in a community where, when a girl gets raped, her father's first impulse, rather often, is to murder her out of shame?
Bueno, sino nga ba tayo upang hindi ito banggitin? Sino tayo upang magsi-walang bahala na kaunti lamang ang ating nalalaman ukol sa kabutihan o kapakanan ng sangkatauhan na hindi tayo dapat maging mapanghusga sa mga gawaing tulad nito? Hindi ko tinutukoy ang boluntaryong pagsuot ng belo -- ang mga kababaihan ay may karapatang isuot ang anumang gusto nilang isuot, sa aking palagay. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng boluntaryo sa isang komunidad kung saan, ang mga kababaihan ay nagagahasa, at ang unang udyok ng kanyang ama kadalasan ay ang paslayin ang anak nito dahil sa kahihiyan?
Just let that fact detonate in your brain for a minute: Your daughter gets raped, and what you want to do is kill her. What are the chances that represents a peak of human flourishing?
Mangyaring sumuwalat ang katotohanang ito sa inyong utak kahit isang minuto lamang: Ang iyong anak ay nagahasa, at ang tanging nilalayon mong gawin ay ang patayin siya. Sa anong pagkakataong mailalarawan nito ang matagumpay na pagunlad ng sangkatauhan?
Now, to say this is not to say that we have got the perfect solution in our own society. For instance, this is what it's like to go to a newsstand almost anywhere in the civilized world. Now, granted, for many men it may require a degree in philosophy to see something wrong with these images. (Laughter) But if we are in a reflective mood, we can ask, "Is this the perfect expression of psychological balance with respect to variables like youth and beauty and women's bodies?" I mean, is this the optimal environment in which to raise our children? Probably not. OK, so perhaps there's some place on the spectrum between these two extremes that represents a place of better balance. (Applause) Perhaps there are many such places --
Bueno, ang pagbanggit sa katotohanang ito ay hindi nangangahulugang mayroon tayong perpektong solusyon sa ating lipunan. Halimbawa, ito ang kalimitang makikita natin sa mga tindahan ng pahayagan sa sibilisadong lipunan Ngayon, maaring para sa karamihan ng mga kalalakihan na marahil ay kinakailangang magkaroon ng mataas na antas ng edukasyon sa Pilosopiya upang malaman na mayroon ngang mali sa mga imaheng ito. (tawanan) Subalit kung tayo naman any mag muni-muni maaari tayong magtanong, "Ito ba ang wasto at perpektong paraan upang ipahayag ang konsepto ng balanseng sikolohiya na may konsiderasyon sa mga bagay tulad ng kabataan, kagandahan at katawan ng mga kababaihan?" Ang ibig kong sabihin ay ito ba ang pinakamainam na kapaligiran upang palakihin natin ang ating mga anak? Marahil ay hindi. Maaari ngang may mga parte ng ekspektro sa pagitan ng dalawang sukdulan na naglalarawan ng isang lugar para sa mas wastong balanse. (palakpakan) Maaaring mayroon ngang gayong mga lugar --
again, given other changes in human culture there may be many peaks on the moral landscape. But the thing to notice is that there will be many more ways not to be on a peak. Now the irony, from my perspective, is that the only people who seem to generally agree with me and who think that there are right and wrong answers to moral questions are religious demagogues of one form or another.
muli, isaisip nag ibang mga pagbabago sa ating kultura maaring marami ngang mga rurok sa moral na espasyo Ngunit, ating mapapansin na mayroon pang mas maraming paraan upang hindi maging kabilang sa rurok. Ngunit ang kabalintunaan, sa aking palagay ay pangkalahatan, ang tanging mga taong sumasang-ayon sa akin at sila na nagiisip na mayroon ngang wasto at maling kasagutan sa mga katanungang moral sila pa ang mga uri ng anumang relihiyosong demagogo.
And of course they think they have right answers to moral questions because they got these answers from a voice in a whirlwind, not because they made an intelligent analysis of the causes and condition of human and animal well-being. In fact, the endurance of religion as a lens through which most people view moral questions has separated most moral talk from real questions of human and animal suffering. This is why we spend our time talking about things like gay marriage and not about genocide or nuclear proliferation or poverty or any other hugely consequential issue. But the demagogues are right about one thing: We need a universal conception of human values.
At malamang, iniisip nila na mayroon ngang wastong kasagutan sa mga moral na tanong. dahil nakuha nila ang mga kasagutang ito mula sa tinig ng ipoipo hindi dahil silay ay lumikha ng isang intelihenteng pagsusuri sa mga sanhi at ang kondisyon ng sangkautahan maging ang mga kapakanan ng mga hayop. Sa katunayan, ang katatagan ng relihiyon bilang lente sa pagtanaw ng karamihan ng mga tao sa tanong ukol sa moralidad ay nagdulot ng paghihiwalay ng karamihan ng mga isyu ukol sa moralidad mula sa tunay na mga katanungan ukol sa sangkatauhan at pagdurusa ng mga hayop. Ito ang dahilan kung bakit natin ginamit ang ating oras upang pag-usapan ang mga isyu tulad ng pagkpapakasal ng mga homoseksuwal at hindi patungkol sa pagpaslang sa mga lahi o paglaganap ng nuklear o kahirapan o anumang higit na importanteng pagdudulot ng mga isyu. Ngunit ang mga relihiyosong demigogo ay tunay na may iisang wastong ideya: Kailangan natin ng pangkalahatang pang-unawa ukol sa pagpapahalaga ng sangkatauhan.
Now, what stands in the way of this? Well, one thing to notice is that we do something different when talking about morality -- especially secular, academic, scientist types. When talking about morality we value differences of opinion in a way that we don't in any other area of our lives. So, for instance the Dalai Lama gets up every morning meditating on compassion, and he thinks that helping other human beings is an integral component of human happiness. On the other hand, we have someone like Ted Bundy; Ted Bundy was very fond of abducting and raping and torturing and killing young women.
Ngayon,ano ang nagsisilbing hadlang dito? Bueno, mapapansin natin na tayo ay may ibang paggawi sa tuwing naguusap tayo tungkol sa moralidad -- higit pa sa sekular, akademiko at siyentipong perspektibo Sa tuwing naguusap tayo ukol sa moralidad, ating pinahahalagahan ang mga pagkakaiba ng opinyon sa paraang hindi tulad sa ibang aspeto ng ating buhay. Halimbawa, ang Dalai Lama ay gumigising sa bawat umaga ang nagninilay ukol sa pagkahabag sa sangkatauhan, at iniisip niya na ang pagtulong sa kapwa tao ay isang napakahalang sangkap upang makamit ang tunay na kaligayahan. Sa kabilang banda, may mga taong tulad ni Ted Bundy; Si Ted Bundy ay hibang sa pagdukot at pang-gagahasa at pag papahirap at pagpaslang sa mga biktima nitong batang babae.
So, we appear to have a genuine difference of opinion about how to profitably use one's time. (Laughter) Most Western intellectuals look at this situation and say, "Well, there's nothing for the Dalai Lama to be really right about -- really right about -- or for Ted Bundy to be really wrong about that admits of a real argument that potentially falls within the purview of science. He likes chocolate, he likes vanilla. There's nothing that one should be able to say to the other that should persuade the other." Notice that we don't do this in science.
Kung sa gayon, lumalabas na mayroon nga tayong tunay na pagkakaiba ng opinyon kung paano natin magamit nang wasto ang ating oras. (tawanan) Karamihan sa mga intelektuwal mula sa kanluraning bansa. ay may pagkaunawa sa sitwasyong ito at may kalimitang opinyon "Bueno, hindi masasabing lubos na kawastuhan ang gawain ng Dalai Lama -- o kay Ted Bundy upang masabi na tunay ngang kasamaan at ito'y patunay lamang sa inihaing argumento na may potensyal masaklaw ng siyensya. Gusto niya ng tsokolate, ang isa naman ay gusto ang banila. Walang masasabi ang isa sa kanyang kapwa na may layong ma-himok ang isa. Mapapansin ding hindi natin gawain ito sa siyensya.
On the left you have Edward Witten. He's a string theorist. If you ask the smartest physicists around who is the smartest physicist around, in my experience half of them will say Ed Witten. The other half will tell you they don't like the question. (Laughter) So, what would happen if I showed up at a physics conference and said,"String theory is bogus. It doesn't resonate with me. It's not how I chose to view the universe at a small scale. I'm not a fan." (Laughter) Well, nothing would happen because I'm not a physicist; I don't understand string theory. I'm the Ted Bundy of string theory. (Laughter) I wouldn't want to belong to any string theory club that would have me as a member.
Sa kaliwa, ay si Edward Witten. Siya ay isang 'string theorist'. Kung tatanungin ang pinakamatatalinong pisisista kung sino nga ang pinakamatalino sa kanila, sa aking karanasan, kalahati sa kanila ay magsasabi na si Ed Witten. Samantalang, ang kalahati ay magsasabing hindi nila gusto ang tanong. (tawanan) Bueno, ano ang mangyayari kung dumalo ako sa isang pagtitipon ng mga pisisista at aking sinabi, "Walang kabuluhan ang 'String Theory' " Hindi ito sumasalamin sa aking paniniwala. Hindi ito ang aking pipiliin upang tingnan ang sandaigdig. Hindi ako tagasunod ng paniniwalang ito." (tawanan) Bueno, walang mangyayari dahil hindi naman ako isang pisisista; Wala akong sapat na pag-unawa sa 'string theory' Ako ay ang Ted Bundy ng 'string theory' (tawanan) Hindi ko nanaising mapabilang sa anumang grupo na naniniwala dito.
But this is just the point. Whenever we are talking about facts certain opinions must be excluded. That is what it is to have a domain of expertise. That is what it is for knowledge to count. How have we convinced ourselves that in the moral sphere there is no such thing as moral expertise, or moral talent, or moral genius even? How have we convinced ourselves that every opinion has to count? How have we convinced ourselves that every culture has a point of view on these subjects worth considering? Does the Taliban have a point of view on physics that is worth considering? No. (Laughter) How is their ignorance any less obvious on the subject of human well-being? (Applause)
Ngunit hindi ito ang punto. Sa tuwing tayo ay may diskusyon ukol sa katotohanan, may mga tiyak na uri ng opinyon na dapat itanggi. Ito ang kahulugan nga pagkakaroon ng kadalubhasaan. Ito ang patakaran upang ang karunungan ay mapabilang. Paano natin natanggap sa ating mga sarili na sa moral na usapin ay walang anuman patungkol sa moral na pagkadalubhasa o moral na talento o marahil, moral na kabihasaan? Paano natin natanggap sa ating mga sarili na ang bawat opinyon ay nararapat lamang na mapabilang? Paano natin natanggap sa ating mga sarili na ang bawat kultura ay may kanya-kanyang perspektibo sa mga usaping kailangang bigyang tugon o halaga? Ang Taliban ba ay may palagay ukol sa pisika na nararapat pag-sangayunan? Hindi. (tawanan) Paanong ang kanilang pagka-ignorante ay labis ngang kapansin-pansin sa mga isyu ukol sa kabutihan at kapakanan ng sangkatauhan? (palakpakan)
So, this, I think, is what the world needs now. It needs people like ourselves to admit that there are right and wrong answers to questions of human flourishing, and morality relates to that domain of facts. It is possible for individuals, and even for whole cultures, to care about the wrong things, which is to say that it's possible for them to have beliefs and desires that reliably lead to needless human suffering. Just admitting this will transform our discourse about morality. We live in a world in which the boundaries between nations mean less and less, and they will one day mean nothing.
Bueno, ito ang higit kailangan ng ating daigdig sa ngayon. Kailangan nito ang mga taong tulad natin na tanggapin na mayroon ngang wasto at maling kasagutan ukol sa mga huewstiyon tungkol sa pagunlad ng sangkatauhan, at ang moralidad ang nauugnay sa kabuuan ng katotohanan. Ito ay posible para sa mga indibidual, pati na sa kabuuan ng mga kultura, upang magmalasakit patungkol sa mga bagay na mali at gayun nga isang posibilidad upang tayo ay magkaroon ng paniniwala at paghahangad upang sa huli ay mawakasan na ang walang-katuturang pagdurusa ng sangkatauhan. Ang pagtanggap lamang sa katotohanang ito ang maaring mapagpabago sa takbo ng diskusyon ukol sa moralidad. Tayo ay namumuhay sa isang mundo kung saan ang pagitan sa bawat bansa ay unti-unting nababawasan, and darating ang araw na mawawalan ito ng kahulugan.
We live in a world filled with destructive technology, and this technology cannot be uninvented; it will always be easier to break things than to fix them. It seems to me, therefore, patently obvious that we can no more respect and tolerate vast differences in notions of human well-being than we can respect or tolerate vast differences in the notions about how disease spreads, or in the safety standards of buildings and airplanes. We simply must converge on the answers we give to the most important questions in human life. And to do that, we have to admit that these questions have answers. Thank you very much. (Applause)
Tayo ay namumuhay sa mundo puno ng mapaminsalang teknolohiya at ang teknolohiyang ito ay hindi kailanman maibabalik sa una nitong porma; higit na mas mainam at madali ang pagsira sa mga bagay kaysa sa pag-ayos ng mga ito. At kapansin-pansin nga, para sa akin na hindi na natin kailangan pang irespeto at hayaan na lamang ang mga pagkaka-iba ng pag-unawa ukol sa kabutihan o kapakanan ng sangkatauhan higit sa ating pagrespeto o pag-ubaya sa malawak na pag-kakaiba sa mga pag-unawa ukol sa kung paano lumalaganap ang sakit, o sa pamantayang kaligtasan ng mga gusali at eroplano. Kailangan nating makialam sa mga kasagutang nagdudulot ng pinakamahahalagang katanungan sa ating buhay. At para maisagawa ito, kailangan nating tanggapin na ang mga katanungang ito ay may wastong kasagutan, Maraming salamat. (palakpakan)
Chris Anderson: So, some combustible material there. Whether in this audience or people elsewhere in the world, hearing some of this, may well be doing the screaming-with-rage thing, after as well, some of them.
Chris Anderson: Bueno, tunay ngang isang nakagugulat na diskurso. Maging sa ating tagapanood o sinuman sa daigdig, ang mga nakikinig nito ay marahil namumuhi, maari nga ang ilan sa kanila.
Language seems to be really important here. When you're talking about the veil, you're talking about women dressed in cloth bags. I've lived in the Muslim world, spoken with a lot of Muslim women. And some of them would say something else. They would say, "No, you know, this is a celebration of female specialness, it helps build that and it's a result of the fact that" -- and this is arguably a sophisticated psychological view -- "that male lust is not to be trusted." I mean, can you engage in a conversation with that kind of woman without seeming kind of cultural imperialist?
Ang lengguwahe ay nagsisilbing mahalagang punto rito. Kapag ikaw ay nag-uulat ukol sa belo, ikaw ay tumutukoy sa mga kababaihang nakabalot ng tela. Ako ay nanirahan sa lugar ng mga Muslim, nakipag-usap sa maraming kababaihan doon. At ilan sa kanila ay magsasabi "Hindi, alam mo ba na ito ay isang uri ng pagpupunyagi ng kahalagahan ng mga kababaihan, ito ay nakakatulong sa pagbuo nito at isa ngang resulta ng gayong katotohanan na" -- at ito marahil ay isang sopistikadong sikolohikal na pagpuna -- "na ang kalibugan ng mga lalaki ay hindi dapat pagkatiwalaan" Ang ibig kong sabihin ay, ang pagkakaroon ng ganoong klaseng pag-uusap sa isang babae na katulad noon kahit pa iwasan ang posibilidad ng pagiging imperyalista sa kultural na konteksto.
Sam Harris: Yeah, well I think I tried to broach this in a sentence, watching the clock ticking, but the question is: What is voluntary in a context where men have certain expectations, and you're guaranteed to be treated in a certain way if you don't veil yourself? And so, if anyone in this room wanted to wear a veil, or a very funny hat, or tattoo their face -- I think we should be free to voluntarily do whatever we want, but we have to be honest about the constraints that these women are placed under. And so I think we shouldn't be so eager to always take their word for it, especially when it's 120 degrees out and you're wearing a full burqa.
Sam Harris: Gayun na nga, sinubukan kong ipahiwatig ito sa isang pangungusap, habang nagaalala sa oras, ngunit ang tanong ay: Ano ang boluntaryo sa isang konteksto kung saan ang mga kalalakihan ay may tiyak na ekspektasyon, at ang tanging garantiya upang matrato sa malubhang paraan kung hindi ka magsuot ng belo? Bueno, kung sino man ang naririto na gustong magsuot ng belo o ng isang kakatwang sumbrelo, o kaya naman ay tato sa kanilang mukha -- Sa aking palagay ay nararapat lamang na maging malaya tayong gawin ang anumang naisin natin, ngunit kailangan nating maging totoo patungkol sa mga hadlang kung saan ang mga kababaihang ito ay nakararanas. At, naniniwala akong kailangan nating maging masigasig upang unawain ang anumang sabihin nila, lalo na at ganoon na lamang kainit sa lugar na iyon at ikaw ay nakasuot ng burqa.
CA: A lot of people want to believe in this concept of moral progress. But can you reconcile that? I think I understood you to say that you could reconcile that with a world that doesn't become one dimensional, where we all have to think the same. Paint your picture of what rolling the clock 50 years forward, 100 years forward, how you would like to think of the world, balancing moral progress with richness.
CA: Karamihan ay nagnanais na maniwala dito sa konsepto ng pag-unlad ng moralidad Ngunit kaya mo bang pagtugmain ang mga ito? Sa aking palagay ay naiintindihan kita sa iyong adhikaing itugma ito sa daigdig na hindi maaaring maging isang dimensiyon, kung saan lahat tayo ay nararapat na magkaroon ng magkatulad na pang-unawa Ilarawan kung paano ang sitwasyon 50 taon sa hinaharap 100 taon sa hinaharap, pano mo maisasaisip ang daigdig, at ang pagbalanse ng pag-unlad ng moralidad nang may taglay na kapunyagian.
SH: Well, I think once you admit that we are on the path toward understanding our minds at the level of the brain in some important detail, then you have to admit that we are going to understand all of the positive and negative qualities of ourselves in much greater detail. So, we're going to understand positive social emotion like empathy and compassion, and we're going to understand the factors that encourage it -- whether they're genetic, whether they're how people talk to one another, whether they're economic systems, and insofar as we begin to shine light on that we are inevitably going to converge on that fact space.
SH: Bueno, sa aking palagay, sa pagkakataong iyong matanggap na tayo ay patungo sa landas ng pag-unawa sa ating pag-iisip sa lebel ng ating pagkaintindi sa utak kasabay ng mga importanteng detalye nito gayon ay iyong matatanggap na ating mauunawaan ang lahat ng positibo at negatibong mga kalidad ng ating mga sarili, higit sa mas malalim na detalye. Kung gayon, ating matatamo ang pag-unawa sa positibong sosyal na emosyon tulad ng pagdamay at pagkahabag at ating mauunawaaan ang mga sanhi na naguusad ng mga damdaming ito -- ito man ay maging genetiko maging ito man ay kung paano makipag-usap ang bawat isa maging ito man ay dulot ng sistemang ekonomikal at sa ating paglilinaw nito at sadyang tayo ay makikialam sa paglayon sa katotohanang ito.
So, everything is not going to be up for grabs. It's not going to be like veiling my daughter from birth is just as good as teaching her to be confident and well-educated in the context of men who do desire women. I mean I don't think we need an NSF grant to know that compulsory veiling is a bad idea -- but at a certain point we're going to be able to scan the brains of everyone involved and actually interrogate them. Do people love their daughters just as much in these systems? And I think there are clearly right answers to that.
Kung gayon, hindi lahat ay kaayunan. Hindi mangyayari na kagaya ng pag-susuot ng belo ng aking anak mula pagkabata ay kasing-buti ng pagtuturo sa kanya upang magkaroon ng tiwala sa sarili at maging edukada sa konteksto ng mga kalalakihan na naghahangad ng gayong klase ng mga kababaihan. Ang nais kong ipahayag ay hindi nararapat na magkaroon pa ng NSF grant upang malaman ito na ang sapilitang pagsusuot ng belo ay isang di kaaya-ayang ideya -- ngunit sa ibang aspeto ating sisikayatin at susuriin ang utak ng mga kalahok sa paga-aaral na ito gamit ang scanner at layuning tanungin ang bawat isa sa kanila. Mahal ba ng mga mgaulang ang kanilang mga anak na babae at patuloy na gayon kahit napapaligiran ng ganitong sistema? Sa aking palagay ay mayroong malinaw na mga kasagutan sa mga tanong na ito.
CA: And if the results come out that actually they do, are you prepared to shift your instinctive current judgment on some of these issues?
CA: At kung lumabas nga sa mga resulta na gayon, handa ka bang baguhin ang iyong kasalukuyang paghusga sa mga isyu na ito?
SH: Well yeah, modulo one obvious fact, that you can love someone in the context of a truly delusional belief system. So, you can say like, "Because I knew my gay son was going to go to hell if he found a boyfriend, I chopped his head off. And that was the most compassionate thing I could do." If you get all those parts aligned, yes I think you could probably be feeling the emotion of love. But again, then we have to talk about well-being in a larger context. It's all of us in this together, not one man feeling ecstasy and then blowing himself up on a bus.
SH: Bueno, marahil humigit-kumulang na maari mong mahalin ang isang tao na may kaugnay na kahulugan sa pagiging delusional. Kung gayon, maaaring masabi ng isa na, "Dahil alam kong ang aking homoseksuwal na anak, na siya ay mapupunta sa impyerno sa oras na makatagpo niya ang kanyang nobyo, marapat lamang na pugutan ko siya ng ulo. Ang pinaka-wasto na gawain upang ipakita ang aking pagkahabag. Kung makukuha nating iwasto ang mga bagay na ganon marahil ay oo, kaya ngang maramdaman ang emosyon ng pagmamahal. Subalit, sa muling paglilnaw sa usapin tungkol sa kapakanan ng nakararami sa mas malawak na konteksto. Tayo ay magkakasama sa layuning ito hindi lamang ang isang tao na nakararanas ng lubos na kagalakan at pagtitiwakal gamit ang bomba sa isang bus.
CA: Sam, this is a conversation I would actually love to continue for hours. We don't have that, but maybe another time. Thank you for coming to TED.
CA: Sam, isa itong usaping ninanais kong mapagpatuloy ng maraming oras. Ngunit hindi sapat ang ating oras, maaring sa susunod na pagkakataon. Maraming salamat sa inyong pagpunta sa TED.
SH: Really an honor. Thank you. (Applause)
SH: Isang karangalan. Maraming salamat (Palakpakan)