When I was a child, I always wanted to be a superhero. I wanted to save the world and make everyone happy. But I knew that I'd need superpowers to make my dreams come true. So I used to embark on these imaginary journeys to find intergalactic objects from planet Krypton, which was a lot of fun, but didn't yield much result. When I grew up and realized that science fiction was not a good source for superpowers, I decided instead to embark on a journey of real science, to find a more useful truth.
Noong bata pa ako, nais ko nang maging "superhero" Gusto kong iligtas ang mundo at mapasaya ang lahat ng tao. Pero alam ko na kailangan ko ng "superpowers" upang maisakatuparan ang lahat ng aking mga pangarap. Kaya, dati ay naglalayag ako sa mga kunwa-kunwariang paglalakbay para maghanap ng mga intergalactic na bagay mula sa planetang Krypton, na talaga namang nakakatuwa, ngunit wala naman gaanong saysay. Noong malaki na ako, napag-isip-isip ko na ang salaysaying maka-agham ay malabong mapagkunan ng kapangyarihan, napagdesisyunan ko na simulang lakbayin ang tunay na agham, upang makahanap ng katotohanan na kapaki-pakinabang.
I started my journey in California, with a UC Berkeley 30-year longitudinal study that examined the photos of students in an old yearbook, and tried to measure their success and well-being throughout their life. By measuring the students' smiles, researchers were able to predict how fulfilling and long-lasting a subject's marriage would be,
Nagsimula ang aking paglalakbay sa California sa isang 30-taong pag-aaral mula sa UC Berkeley na sinuri ang mga larawan ng mga mag-aaral sa isang lumang yirbuk at sinubukang sukatin ang tagumpay at kagalingan ng buhay ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pagsukat ng mga ngiti ng mga mag-aaral, nalaman ng mga mananaliksik kung magiging masaya at matagal ba
(Laughter)
ang buhay may-asawa ng estudyanteng yun,
how well she would score on standardized tests of well-being, and how inspiring she would be to others. In another yearbook, I stumbled upon Barry Obama's picture. When I first saw his picture, I thought that his superpowers came from his super collar.
kung magiging mataas ang puntos niya sa mga pagsusuri ng kagalingan, at kung nakaka-enganyo ba siya sa ibang tao. Sa isa pang yirbuk, nakita ko ang larawan ni Barry Obama. Noong una kong nakita ang larawan, inisip ko na nanggaling sa kanyang super-kwelyo ang kanyang superpowers.
(Laughter)
Ngunit ngayon alam ko na, na dahil iyon sa kanyang ngiti.
But now I know it was all in his smile.
Another aha! moment came from a 2010 Wayne State University research project that looked into pre-1950s baseball cards of Major League players. The researchers found that the span of a player's smile could actually predict the span of his life. Players who didn't smile in their pictures lived an average of only 72.9 years, where players with beaming smiles lived an average of almost 80 years.
Isa pang nakamamanghang sandali ay mula sa isang pagsasaliksik noong 2010 sa Wayne State University na pinag-aralan ang mga baseball cards na mas matanda pa sa 1950 at laman ay ang mga manlalaro ng Major League. Nalaman ng mga mananaliksik na ang lawak ng isang ngiti ng manlalaro ay makakapagsabi ng itatagal ng kanyang buhay. Ang mga manlalarong hindi nakangiti sa kanilang larawan ay nabuhay lamang ng humigit-kumulang 72.9 na taon, samantalang ang mga manlalalarong may kaaya-ayang ngiti ay nabuhay ng humigit-kumulang 80 na taon.
(Laughter)
(Tawanan)
The good news is that we're actually born smiling. Using 3D ultrasound technology, we can now see that developing babies appear to smile, even in the womb. When they're born, babies continue to smile -- initially, mostly in their sleep. And even blind babies smile to the sound of the human voice. Smiling is one of the most basic, biologically uniform expressions of all humans.
Buti nalang, ipinanganak tayong nakangiti. Gamit ang teknolohiya ng 3D ultrasound, nakikita na natin kung paano ngumiti ang mga nabubuong sanggol, kahit pa ito'y nasa loob ng sinapupunan. Kapag naisilang na sila, patuloy pa ring nakangiti ang mga sanggol -- na madalas ay sa kanilang pagtulog. At kahit ang mga bulag na sanggol ay napapangiti sa tunog ng boses ng tao. Ang pagngiti ay isa sa mga pinaka-natural na uri ng pagpapahayag ng tao.
In studies conducted in Papua New Guinea, Paul Ekman, the world's most renowned researcher on facial expressions, found that even members of the Fore tribe, who were completely disconnected from Western culture, and also known for their unusual cannibalism rituals,
Sa mga pag-aaral na isinagawa sa Papua New Guinea, natuklasan ni Paul Ekman, ang pinakatanyag na mananaliksik sa buong mundo sa pagpapahayag gamit ang mukha, na kahit ang mga miyembro ng tribong Fore, na noon pa'y hiwalay na sa kulturang Kanluranin, at bantog rin sa mga kakaibang ritwal ng kanibalismo,
(Laughter)
ay na-iuugnay ang mga ngiti sa paglalarawan ng mga sitwasyon
attributed smiles to descriptions of situations the same way you and I would. So from Papua New Guinea to Hollywood all the way to modern art in Beijing, we smile often, and use smiles to express joy and satisfaction.
na gaya din natin. Kaya, mula sa Papua New Guinea hanggang sa Hollywood at pati sa modernong sining sa Beijing, napapangiti tayo madalas, at ito ay upang ipakita ang galak at kasiyahan.
How many people here in this room smile more than 20 times per day? Raise your hand if you do. Oh, wow. Outside of this room, more than a third of us smile more than 20 times per day, whereas less than 14 percent of us smile less than five. In fact, those with the most amazing superpowers are actually children, who smile as many as 400 times per day.
Iilan ba sa inyo sa bulwagang ito ang ngumingiti ng mahigit sa 20 beses sa isang araw? Maaring pakitaas lang po ng mga kamay. Oh, wow. Sa labas ng kwartong ito, mahigit sa tatlumput-tatlong bahagdan ng mga tao ang ngumingiti ng higit sa 20 beses kada araw, samantalang mas mababa sa 14 na bahagdan ang ngumingiti ng kulang sa lima. Sa katunayan, ang mga pinakanakakamanghang superpowers ay taglay ng mga bata na ngumingiti ng kasing-dami ng 400 beses sa isang araw.
Have you ever wondered why being around children, who smile so frequently, makes you smile very often? A recent study at Uppsala University in Sweden found that it's very difficult to frown when looking at someone who smiles. You ask why? Because smiling is evolutionarily contagious, and it suppresses the control we usually have on our facial muscles. Mimicking a smile and experiencing it physically helps us understand whether our smile is fake or real, so we can understand the emotional state of the smiler.
Nagtataka ka ba kung bakit kapag kasama mo ang mga bata na palaging nakangiti ay napapangiti rin kayo lagi? Sa isang bagong pag-aaral sa Uppsala University sa Sweden nalaman nila na talagang mahirap sumimangot kung nakatingin ka sa isang nakangiti. Bakit kaya? Dahil ang pagngiti ay nakakahawa, dala ng ebolusyon, at napipiligan nito ang kontrol natin sa mga kalamnan ng mukha. Ang paggaya ng isang ngiti at ang pagdanas nito ay makakatulong sa pag-unawa kung ang ating ngiti ay peke o tunay, at maiintindihan natin ang lagay ng damdamin ng mga ngumingiti.
In a recent mimicking study at the University of Clermont-Ferrand in France, subjects were asked to determine whether a smile was real or fake while holding a pencil in their mouth to repress smiling muscles. Without the pencil, subjects were excellent judges, but with the pencil in their mouth -- when they could not mimic the smile they saw -- their judgment was impaired.
Sa isang panibagong pag-aaral ukol sa panggagaya sa Clermont-Ferrand University sa France, tinanong nila ang mga tao kung ang isang ngiti ay totoo o kunwa-kunwari lang, habang hawak ang isang lapis sa kanilang mga bibig para mapigilan ang mga kalamnan ng pagngiti. Noong wala ang lapis, magaling humusga ang mga tinanong, Ngunit noong may lapis na ang kanilang mga bibig, at hindi na nila nagagaya ang ngiti dahil sa lapis, nababawasan ang kanilang kakayahang humusga.
(Laughter)
(Tawanan)
In addition to theorizing on evolution in "The Origin of Species," Charles Darwin also wrote the facial feedback response theory. His theory states that the act of smiling itself actually makes us feel better, rather than smiling being merely a result of feeling good. In his study, Darwin actually cited a French neurologist, Guillaume Duchenne, who sent electric jolts to facial muscles to induce and stimulate smiles. Please, don't try this at home.
Bukod sa ebolusyon na nakasulat sa "The Origin of Species", sinulat rin ni Charles Darwin ang teorya ng 'facial feedback response'. Nakasaad sa teorya na ang pagngiti ay nakakabuti sa pakiramdam -- taliwas sa sinasabing ang pagngiti ay resulta lamang ng mabuting pakiramdam. Sa kanyang pag-aaral, pinangalanan ni Darwin ang isang neurologist na Pranses na si Guillaume Duchenne, na gumamit ng kuryente sa mga kalamnan ng mukha upang makagawa ng pagngiti. Pakiusap, huwag niyong gawin sa bahay.
(Laughter)
(Tawanan)
In a related German study, researchers used fMRI imaging to measure brain activity before and after injecting Botox to suppress smiling muscles. The finding supported Darwin's theory, by showing that facial feedback modifies the neural processing of emotional content in the brain, in a way that helps us feel better when we smile. Smiling stimulates our brain reward mechanism in a way that even chocolate -- a well-regarded pleasure inducer -- cannot match.
Kaugnay nito, isang pag-aaral ng mga Aleman ang gumamit ng fMRI imaging upang sukatin ang mga nangyayari sa utak bago at pagkatapos turukan ng Botox upang pigilan ang mga kalamnan ng pagngiti. Ang tuklas na ito ay sumusuporta sa teorya ni Darwin na ang "facial feedback" ay nakakapagpabago sa neural processing sa bahagi ng utak na patungkol sa emosyon upang mapabuti ang ating nararamdaman sa tuwing tayo ay nakangiti. Ang pagngiti ay nakakapagsigla ng "reward mechanism" sa ating utak sa paraan na kahit pa tsokolate -- isang kilalang bagay na nagdudulot ng kaligayahan -- ay hindi makakapantay.
British researchers found that one smile can generate the same level of brain stimulation as up to 2,000 bars of chocolate.
Nalaman ng mga mananaliksik sa Britanya na ang isang ngiti ay nakakalilikha ng "stimulation" sa utak na tulad ng 2,000 bareta ng tsokolate.
(Laughter)
(Tawanan)
Wait -- The same study found that smiling is as stimulating as receiving up to 16,000 pounds sterling in cash.
Eto pa. Nalaman din ng naturang pag-aaral na ang pagngiti ay nakakapagsigla gaya ng pagtanggap ng halos 16,000 pounds Sterling na pera.
(Laughter)
Katumbas niyan ay 25,000 na dolyar bawat ngiti.
That's like 25 grand a smile. It's not bad. And think about it this way: 25,000 times 400 -- quite a few kids out there feel like Mark Zuckerberg every day.
Hindi na rin masama. At isipin nyo pa ito: 25,000 x 400 -- iilan diyan sa labas
(Laughter)
bawat araw, naniniwalang sila na susunod kay Mark Zuckerberg,
And unlike lots of chocolate, lots of smiling can actually make you healthier. Smiling can help reduce the level of stress-enhancing hormones like cortisol, adrenaline and dopamine, increase the level of mood-enhancing hormones like endorphins, and reduce overall blood pressure.
At kaysa kumain ng napakaraming tsokolate, ang madalas na pagngiti ay nakakabuti ng kalusugan. Ang pagngiti ay nakabawas rin ng dami ng mga hormones na nakakadagdag sa stress gaya ng cortisol, adrenaline at dopamine, nakakadagdag ng antas ng hormones na nagpapagaan ng kalooban gaya ng endorphin at nakakabawas ng pangkalahatang presyon ng dugo.
And if that's not enough, smiling can actually make you look good in the eyes of others. A recent study at Penn State University found that when you smile, you don't only appear to be more likable and courteous, but you actually appear to be more competent.
At, kung hindi pa yan sapat, ang pagngiti ay talagang maganda sa paningin ng iba. Isang bagong pag-aaral sa Penn State University ang nakatuklas na kapag ngumingiti ka hindi ka lang magmumukhang mas kalugud-lugod at magalang, kundi magmumukhang ka pang may higit na kakayahan.
So whenever you want to look great and competent, reduce your stress or improve your marriage, or feel as if you just had a whole stack of high-quality chocolate without incurring the caloric cost, or as if you found 25 grand in a pocket of an old jacket you hadn't worn for ages, or whenever you want to tap into a superpower that will help you and everyone around you live a longer, healthier, happier life, smile.
Kaya, kung gusto mong magmukhang magaling at kaaya-aya, bawasan ang iyong stress o pagtibayin ang iyong buhay may-asawa, o maramdam na nakakain ng isang tambak ng tsokolateng de-kalidad -- at walang dagdag sa calorie cost -- o di kaya'y nakakita ng 25,000 na dolyar sa bulsa ng isang lumang dyaket na matagal mo nang hindi naisuot, o kung gusto mo lang humugot ng superpower na makakatulong sa iyo at sa lahat ng tao sa paligid mo na mabuhay ng mas mahaba, mas malusog, at mas masaya, ngumiti ka.
(Applause)
(Palakpakan)