I've been intrigued by this question of whether we could evolve or develop a sixth sense -- a sense that would give us seamless access and easy access to meta-information or information that may exist somewhere that may be relevant to help us make the right decision about whatever it is that we're coming across. And some of you may argue, "Well, don't today's cell phones do that already?" But I would say no. When you meet someone here at TED -- and this is the top networking place, of course, of the year -- you don't shake somebody's hand and then say, "Can you hold on for a moment while I take out my phone and Google you?" Or when you go to the supermarket and you're standing there in that huge aisle of different types of toilet papers, you don't take out your cell phone, and open a browser, and go to a website to try to decide which of these different toilet papers is the most ecologically responsible purchase to make.
Na-intriga ako sa tanong na kung sakali maari tayong magkaroon o makalikha ng ikaanim na sentido -- isang sentido na makapagbibigay ng walang hanggang access at madaliaang access sa impormasyon, o di kaya'y impormasyon kahit saanman na tutulong sa pagpili natin ng tamang desisyon sa kung anumang bagay. Maaaring ilan sa inyo ang magtataka, hindi ba nagagawa na 'yan ngayon sa cellphone? Pero sa palagay ko hindi pa. Kunwari, may nakilala ka dito sa TED -- ang pinag-uusapang lugar ngayon para makipagnetwork -- hindi mo naman kakamayan ang isang tao tapos sasabihing, "Hintay lang saglit ilalabas ko muna ang phone ko at igo-Google kita?" O kaya naman kunwari sa pamilihan at nakatayo ka sa isang malaking pasilyo na may iba't-ibang uri ng mga toilet paper, hindi mo ilalabas ang cell phone, bubuksan ang browser, at pupunta sa website para makapagpasya kung aling uri ng toilet paper ang pinaka-makakalikasan?
So we don't really have easy access to all this relevant information that can just help us make optimal decisions about what to do next and what actions to take. And so my research group at the Media Lab has been developing a series of inventions to give us access to this information in a sort of easy way, without requiring that the user changes any of their behavior. And I'm here to unveil our latest effort, and most successful effort so far, which is still very much a work in process. I'm actually wearing the device right now and we've sort of cobbled it together with components that are off the shelf -- and that, by the way, only cost 350 dollars at this point in time.
Wala talagang madaling paraan sa ngayon upang kumuha ng kaukulang impormasyon, na tutulong sa atin na gumawa ng tamang desisyon sa anong gagawin at sa susunod na mga hakbang. Kaya, nagsasaliksik kami ng aking grupo sa Media Lab ng ilang mga imbensyon upang ang daloy ng impormasyon ay mapabilis at mapadali, na hindi kailangang ibahin ang paraan ng paggamit nito. Nandito ako upang ibahagi ang bagong bunga ng aming pagsisikap, at ang pinakamatagumpay sa lahat, bagaman ito ay work in progress pa rin. Suot ko ngayon ang isang aparato na pinagsama-sama ang ilang simpleng kasangkapan na madaling bilhin -- at nagkakahalaga ito ng 350 dolyares lamang sa ngayon.
I'm wearing a camera, just a simple web cam, a portable, battery-powered projection system with a little mirror. These components communicate to my cell phone in my pocket which acts as the communication and computation device. And in the video here we see my student Pranav Mistry, who's really the genius who's been implementing and designing this whole system. And we see how this system lets him walk up to any surface and start using his hands to interact with the information that is projected in front of him. The system tracks the four significant fingers. In this case, he's wearing simple marker caps that you may recognize. But if you want a more stylish version, you could also paint your nails in different colors.
Suot ko ang isang kamera, simpleng webcam, isang portable at de-bateryang projector na may maliit na salamin. Nakakonekta ito sa cell phone sa bulsa ko na nagsisilbing kasangkapan para sa komunikasyon at komputasyon. Sa bidyong ito, mapapanood niyo ang aking estudyante na si Pranav Mistry, ang henyo na kasalukuyang bumubuo at nagdidisenyo ng buong sistema. Sa sistemang ito maaari siyang gumamit ng anumang surface at papaganahin niya lang ang kanyang kamay upang kumuha ng impormasyon at ipo-project na ito sa harapan niya. Sinusubaybayan nito ang apat na mahahalagang daliri. Dito, suot niya ang simpleng takip ng marker na pamilyar sa inyo. Kung gusto mo namang maiba maaari mong pinturahan ng iba't ibang kulay ang inyong mga kuko.
And the camera basically tracks these four fingers and recognizes any gestures that he's making so he can just go to, for example, a map of Long Beach, zoom in and out, etc. The system also recognizes iconic gestures such as the "take a picture" gesture, and then takes a picture of whatever is in front of you. And when he then walks back to the Media Lab, he can just go up to any wall and project all the pictures that he's taken, sort through them and organize them, and re-size them, etc., again using all natural gestures.
Sinusundan ng kamera ang naturang mga daliri at sinusuri nito ang bawat kilos kaya, halimbawa, gamit ang mapa ng Long Beach, maaaring palakihin o paliitin ang larawan, at iba pa. Alam din ng sistema ang ilang sikat na simbolismo gaya ng "pagkuha ng litrato", kukunan nito ng litrato ang anumang nasa harap mo. Pagbalik niya sa Media Lab, maaari siyang gumamit ng kahit anong uri ng pader at i-project ang lahat ng litratong nakuha niya, ayusin, gawan ng pagkasunod-sunod, palakihin, at iba pa, gamit ang natural na pagkilos ng kamay.
So, some of you most likely were here two years ago and saw the demo by Jeff Han, or some of you may think, "Well, doesn't this look like the Microsoft Surface Table?" And yes, you also interact using natural gestures, both hands, etc. But the difference here is that you can use any surface, you can walk up to any surface, including your hand, if nothing else is available, and interact with this projected data. The device is completely portable, and can be --
Marahil 2 taon na ang nakalipas, nandito ang iba sa inyo at pinakita ni Jeff Han ang kanyang demo at napapa-isip kayo, "' 'Di ba kamukha ito nung Microsoft Surface Table?" Tama, gumagamit din 'yon ng natural na pagkilos, dalawang kamay, at iba pa. Ngunit iba ito sapagkat maari itong gamitin sa anumang uri ng surface, maaari kang magtrabaho sa kahit anumang surface, at pwedeng sa kamay mismo, bakit hindi, at dito mo paglalaruan ang mga datos. Inimbento ang aparato para maging ganap na portable,
(Applause)
gaya nito ...
(Applause ends)
(Palakpakan)
So, one important difference is that it's totally mobile. Another even more important difference is that in mass production, this would not cost more tomorrow than today's cell phones and would actually not sort of be a bigger packaging -- could look a lot more stylish than this version that I'm wearing around my neck. But other than letting some of you live out your fantasy of looking as cool as Tom Cruise in "Minority Report," the reason why we're really excited about this device is that it really can act as one of these sixth-sense devices that gives you relevant information about whatever is in front of you. So we see Pranav here going into the supermarket and he's shopping for some paper towels. And, as he picks up a product, the system can recognize the product that he's picking up, using either image recognition or marker technology, and give him the green light or an orange light. He can ask for additional information. So this particular choice here is a particularly good choice, given his personal criteria. Some of you may want the toilet paper with the most bleach in it rather than the most ecologically responsible choice.
Isang mahalagang pagkakaiba nito ay ang pagiging tunay na mobile. Isa pang pagkakaiba ay kung matutuloy ang pangmaramihang produksyon nito hindi lalagpas ang gastos nito sa pangkaraniwang cell phone ngayon at maaring gawing maliit ang imbensyong ito -- halimbawa, mas magandang tingnan kaysa sa suot ko sa leeg ngayon. Maliban sa kakayahang isabuhay ang inyong pangarap na gayahin si Tom Cruise sa "Minority Report," ang tunay na dahilan kung bakit kami nagagalak sa aparatong ito ay dahil maaari itong gamitin bilang ikaanim na sentido na makakapagbigay ng kaukulang impormasyon tungkol sa bagay na nasa harap mo. Mapapanood niyo si Pranav dito na pumunta sa pamilihan upang bumili ng mga paper towel. Dito, agad na susuriin ng sistema ang produktong kanyang dinampot, gamit ang alinmang marker o paghahambing ng mga imahe, at magbibigay ito ng ilaw na kulay berde o kulay kahel. Maaari rin siyang humingi ng karagdagang detalye. Dito, masasabing mahusay ang pagpili ng nagsusuot nito dahil sariling pamantayan ang ginagamit ng sistema. Marahil, pipiliin ng ilan sa inyo dito ang pinakamaputing toilet paper sa halip na piliin ang pinakamakakalikasan.
(Laughter)
(Tawanan)
If he picks up a book in the bookstore, he can get an Amazon rating -- it gets projected right on the cover of the book. This is Juan's book, our previous speaker, which gets a great rating, by the way, at Amazon. And so, Pranav turns the page of the book and can then see additional information about the book -- reader comments, maybe sort of information by his favorite critic, etc. If he turns to a particular page, he finds an annotation by maybe an expert or a friend of ours that gives him a little bit of additional information about whatever is on that particular page. Reading the newspaper -- it never has to be outdated.
Kung pipili naman siya ng aklat sa tindahan ng mga libro, makukuha niya ang rating sa Amazon -- na naka-project sa mismong pabalat ng aklat. Aklat ito ni Juan, ang naunang ispiker kanina, na may magandang marka sa Amazon. Sa paglipat naman ni Pranav sa mga pahina ng aklat may dagdag impormasyon siyang makukuha -- komento ng ilang mambabasa, mula sa paboritong kritiko, atbp. Kung ililipat niya sa isang partikular na pahina makikita niya ang komentaryo mula sa mga eksperto at dagdag impormasyon tungkol sa anumang mayroon sa pahinang iyon. Sa pagbabasa ng diyaryo -- kailanman hindi na ito maluluma.
(Laughter)
(Tawanan)
You can get video annotations of the events that you're reading about. You can get the latest sports scores, etc. This is a more controversial one.
Maaari mong mapanood ang ilang bidyo-komentaryo sa inyong binabasa Pati ang pinakabagong iskor sa nagaganap na laro, at iba pa. Pinagtatalunan naman namin ang isang 'to.
(Laughter)
(Tawanan)
As you interact with someone at TED, maybe you can see a word cloud of the tags, the words that are associated with that person in their blog and personal web pages. In this case, the student is interested in cameras, etc. On your way to the airport, if you pick up your boarding pass, it can tell you that your flight is delayed, that the gate has changed, etc. And, if you need to know what the current time is, it's as simple as drawing a watch --
Habang may kausap ka sa TED, may ilang salita na susulpot sa harap mo, gaya ng word cloud, mga salitang may kaugnayan sa taong kausap mo mula sa kanilang mga blog at web page. Halimbawa, dito, malalaman nating mahilig sa kamera, atbp, ang estudyanteng 'to. Habang papunta naman sa paliparan, maari mong malaman sa inyong boarding pass kung na-delay ang flight mo, kung pinalitan ang boarding gate, at iba pa. Kung kailangan mo naman ang oras ngayon guguhit ka lang ng relo --
(Laughter)
(Tawanan)
(Applause)
(Palakpakan)
on your arm.
sa inyong kamay.
So that's where we're at so far in developing this sixth sense that would give us seamless access to all this relevant information about the things that we may come across. My student Pranav, who's really, like I said, the genius behind this.
'Yun po ang mga nagagawa namin sa ngayon tungo sa paglikha ng pang-anim na sentido na magbibigay-access sa lahat ng kaukulang impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid natin. Pinapakilala ko si Pranav, na tulad ng sinabi ko, ang henyo sa likod ng lahat ng 'to.
(Applause and cheering)
(Palakpakan) (Nagsipagtayo ang lahat sa gitna ng malakas na palakpakan)
(Applause ends)
He does deserve a lot of applause, because I don't think he's slept much in the last three months, actually. And his girlfriend is probably not very happy about him either. But it's not perfect yet, it's very much a work in progress. And who knows, maybe in another 10 years we'll be here with the ultimate sixth sense brain implant.
Karapat-dapat siyang bigyan ng maraming palakpak dahil sa tingin ko, hindi siya gaanong nakakatulog sa nakalipas na tatlong buwan. Marahil hindi rin masaya ang kanyang kasintahan dahil doon. Pero hindi pa ito tapos, napakarami pa ng mga dapat gawin. Malay natin, pagkatapos ng 10 taon, masasaksihan natin dito ang ikaanim na sentido na nilalagay sa loob ng utak.
Thank you.
Salamat.
(Applause)
(Palakpakan)