The things we make have one supreme quality -- they live longer than us. We perish, they survive; we have one life, they have many lives, and in each life they can mean different things. Which means that, while we all have one biography, they have many.
Ang mga bagay na ating ginawa ay may iisang katangian -- sila'y nabubuhay nang mas matagal sa atin. Tayo'y papanaw, sila'y mananatili; may iisa tayong buhay, sila ay may marami, at sa bawat buhay nila maaring iba ang kanilang pagganap. Na nangangahulugang, samantalang may isa lang tayong talambuhay, sila ay may marami.
I want this morning to talk about the story, the biography -- or rather the biographies -- of one particular object, one remarkable thing. It doesn't, I agree, look very much. It's about the size of a rugby ball. It's made of clay, and it's been fashioned into a cylinder shape, covered with close writing and then baked dry in the sun. And as you can see, it's been knocked about a bit, which is not surprising because it was made two and a half thousand years ago and was dug up in 1879. But today, this thing is, I believe, a major player in the politics of the Middle East. And it's an object with fascinating stories and stories that are by no means over yet.
Gusto kong magsalita sa umagang ito hinggil sa estorya, ang talambuhay -- o mga talambuhay -- sa iisang bagay, isang 'di karaniwang bagay. Ako'y sumasangayon na hindi sya gaanong kapansinpansin. Medyo kapareho ng laki sa bola ng rugby. Gawa sa putik, at inayon sa hugis silindro, napalibutan ng maliliit na sulat at binilad sa araw hanggang matuyo. At sa nakikita naman ninyo, ay medyo nasisira na siya, na hindi naman kataka-taka dahil noong dalawa´t kalahating libo pa siya nagawa at nahukay siya noong 1879. Pero sa ngayon, naniniwala akong ang bagay na ito ay may malaking papel sa politika ng Gitnang Silangan. At ito'y isang bagay na may mga kaaya-ayang estorya at mga estoryang hinding hindi matatapos.
The story begins in the Iran-Iraq war and that series of events that culminated in the invasion of Iraq by foreign forces, the removal of a despotic ruler and instant regime change. And I want to begin with one episode from that sequence of events that most of you would be very familiar with, Belshazzar's feast -- because we're talking about the Iran-Iraq war of 539 BC. And the parallels between the events of 539 BC and 2003 and in between are startling. What you're looking at is Rembrandt's painting, now in the National Gallery in London, illustrating the text from the prophet Daniel in the Hebrew scriptures. And you all know roughly the story.
Ang estorya ay nagbungad sa kasagsagan ng gyera sa pagitan ng Iran at Iraq at ang mga sumunod na mga kaganapan na umipon sa pagsakop sa Iraq ng pwersang dayuhan, sa pagkaalis sa despotikadong pangulo at saglit na pagbabago sa rehimen. Gusto kung magumpisa sa isang yugto sa mga magkakasunod na kaganapan na karamihan sa inyo ay pamilyar, ang pyesta ni Belshazzar -- dahil tayo ay nagtatalakay hinggil sa gyera ng Iran at Iraq noong 539 BC. At ang hindi pagkakasalungat sa kaganapan noong 539 BC at 2003 at sa pagitan ay kagulat-gulat. Ang nakikita nyo ngayon ay pinta ni Rembrandt na nasa National Gallery sa London na ngayon, na nagpapakita sa sulat mula ni propetang Daniel sa sulat ng mga Hudyo. At medyo alam niyo na ang estorya.
Belshazzar, the son of Nebuchadnezzar, Nebuchadnezzar who'd conquered Israel, sacked Jerusalem and captured the people and taken the Jews back to Babylon. Not only the Jews, he'd taken the temple vessels. He'd ransacked, desecrated the temple. And the great gold vessels of the temple in Jerusalem had been taken to Babylon. Belshazzar, his son, decides to have a feast. And in order to make it even more exciting, he added a bit of sacrilege to the rest of the fun, and he brings out the temple vessels. He's already at war with the Iranians, with the king of Persia.
Si Belshazzar, anak ni Nebuchadnezzar, si Nebuchadnezzar ang nagsakop sa Israel, pinagdarambungan and Herusalem at hinuli ang mga tao at binalik ang mga Hudyo sa Babelonya. Hindi lang mga Hudyo, kinuha niya pati ang mga lalagyan sa templo. Sinugod niya at nilapastangan ang templo. At yung mga malalaking gintong lalagyan sa templo ng Herusalem ay dinala papuntang Babelonya. Si Belshazzar, ang kanyang anak, ay naisipang magpyesta. At para mas magalak pa siya, ginawan pa nya ng kalapasatangan at kinuha ang mga lalagyan mula sa templo. Nakikipagyera na siya sa mga taga-Iran, sa hari ng Persya.
And that night, Daniel tells us, at the height of the festivities a hand appeared and wrote on the wall, "You are weighed in the balance and found wanting, and your kingdom is handed over to the Medes and the Persians." And that very night Cyrus, king of the Persians, entered Babylon and the whole regime of Belshazzar fell. It is, of course, a great moment in the history of the Jewish people. It's a great story. It's story we all know. "The writing on the wall" is part of our everyday language. What happened next was remarkable, and it's where our cylinder enters the story.
At sa gabing iyon, sabi ni Daniel, sa kalagitnaan ng kasiyahan isang kamay ang lumitaw at nagsulat sa dingding, "Ikaw ay tinimbang at napag-alamang wala, at ang iyong kaharian ay maipasa sa taga-Medes at mga Persyano." At sa gabing iyon si Cyrus, hari ng Persya, ay dumating sa Babelonya at ang buong kaharian ni Belshazzar ay bumagsak. Isa itong malaking kaganapan sa kasaysayan ng mga Hudyo. Isang malaking estorya. Ito'y estorya na alam nating lahat. "Ang mga sulat sa dingding" ay bahagi ng ating araw-araw na lengwahe. Ang sumunod ay napakapambihira, at dito ang silindro papasok sa estorya.
Cyrus, king of the Persians, has entered Babylon without a fight -- the great empire of Babylon, which ran from central southern Iraq to the Mediterranean, falls to Cyrus. And Cyrus makes a declaration. And that is what this cylinder is, the declaration made by the ruler guided by God who had toppled the Iraqi despot and was going to bring freedom to the people. In ringing Babylonian -- it was written in Babylonian -- he says, "I am Cyrus, king of all the universe, the great king, the powerful king, king of Babylon, king of the four quarters of the world." They're not shy of hyperbole as you can see. This is probably the first real press release by a victorious army that we've got. And it's written, as we'll see in due course, by very skilled P.R. consultants. So the hyperbole is not actually surprising.
Si Cyrus, na hari ng Persya, ay pumasok sa Babelonya na walang pakikipagdigma -- ang malaking kaharian ng Babelonya, na sumasaklaw mula sa gitnang timog ng Iraq hanggang sa Mediterranean, bumagsak mula kay Cyrus. At si Cyrus ay gumawa ng deklarasyon at yun ang kung ano ang silindro na ito, and deklerasyong ginawa sa lider na ginabayan ng Diyos na nagpabagsak sa despotadong pinuno ng Iraq at nagpalaya sa mga mamamayan. Sa pakipag-usap sa Babelonya -- ito ay isinulat sa wika ng taga-Babelonya -- sabi niya, "Ako si Cyrus, hari sa buong kalawakan, ang dakilang hari, ang makapangyarihang hari, hari ng Babelonya, hari sa apat na sulok ng daigdig." Sa nakikita nyo, nindi pinagkakahiyang ang pag-eksherasyon nito. Meron siguro yung una talagang pagsisiwalat sa isang nananalong hukbo na nakuha natin. At ito'y isinulat, na makikita natin sa tamang panahon, sa mga dalubhasang P.R. consultant. Kaya ang eksharehasyon ay hindi nakakapagtaka.
And what is the great king, the powerful king, the king of the four quarters of the world going to do? He goes on to say that, having conquered Babylon, he will at once let all the peoples that the Babylonians -- Nebuchadnezzar and Belshazzar -- have captured and enslaved go free. He'll let them return to their countries. And more important, he will let them all recover the gods, the statues, the temple vessels that had been confiscated. All the peoples that the Babylonians had repressed and removed will go home, and they'll take with them their gods. And they'll be able to restore their altars and to worship their gods in their own way, in their own place. This is the decree, this object is the evidence for the fact that the Jews, after the exile in Babylon, the years they'd spent sitting by the waters of Babylon, weeping when they remembered Jerusalem, those Jews were allowed to go home. They were allowed to return to Jerusalem and to rebuild the temple.
At kung ano ang dakilang hari, ang makapangyarihang hari, ang hari sa apat na sulok ng daigdig na gagawin? Nagpatuloy siya sa pagsabi na bilang pagsakop sa Babelonya ay papakawalan niya ang mga taong ang mga taga Babelonya -- Nebuchadnezzar at Belshazzar -- na nadakip at inalipin at palayain. Hahayain nya silang bumalik sa kanilang mga bansa. At mas importante, hahayaan niya silang bawiin ang mga diyos, mga estatuwa, mga lalagyan sa templo na nakumpiska. Ang lahat na mga tao na nasupil at napaalis ng mga taga-Babelonya ay uuwi, at dadalhin nila ang kanilang mga diyos. At sila'y maibangon uli ang kanilang mga altar at magpuri sa kanilang mga diyos sa kanilang paraan, sa kanilang lugar. Ito ang kautusan, ang bagay na ito ang ebedinsya para sa katutuhan na ang mga Hudyo matapos ang paglisan sa Babelonya, ang mga taon na kanilang nagugol sa Babelonya, na nagluksa habang naalala ang Herusalem, ang mga Hudyo na iyon ay pinauwi sa kanilang mga tahanan. Napahintulutan silang umuwi sa Herusalem at itayong muli ang temple.
It's a central document in Jewish history. And the Book of Chronicles, the Book of Ezra in the Hebrew scriptures reported in ringing terms. This is the Jewish version of the same story. "Thus said Cyrus, king of Persia, 'All the kingdoms of the earth have the Lord God of heaven given thee, and he has charged me to build him a house in Jerusalem. Who is there among you of his people? The Lord God be with him, and let him go up.'" "Go up" -- aaleh. The central element, still, of the notion of return, a central part of the life of Judaism. As you all know, that return from exile, the second temple, reshaped Judaism. And that change, that great historic moment, was made possible by Cyrus, the king of Persia, reported for us in Hebrew in scripture and in Babylonian in clay.
Ito ang pangunahing dokumento sa kasaysayan ng Hudyo. At ang Aklat ng mga Salaysay, ang Aklat ni Ezra sa mga kasulatan ng mga Hudyo ay nagulat ng kaparihong tugon. Ito ang bersyon ng mga Hudyo sa parehong estorya. "Kaya sabi ni Cyrus, hari ng Persya, 'Lahat ng kaharian sa lupa na bingay ng Panginoong Diyos sa inyo, at inutusan niya ako para gawan ng bahay sa Herusalem. Sino sa inyo ang kanyang mga tao? Ang Panginoong Diyos ay mapasakanya, at haayan siyang pumarito.'" "Pumarito" -- aaleh. Ang pinakamahalagang elemento sa paniwala ng kanilang pagbalik, ang pinakamahalang parte sa buhay ng Hudianismo. Sa napag-alaman ninyo, ang pagbalik mula sa pagkatapon, ang pangalawang temple, ang nagbagong anyo sa Hudianismo. At ang pagbabagong yaon, yaong makasaysayang sandali, ay dahil kay Cyrus, ang hari ng Persya, naiulat sa atin sa kasulatan ng mga Hudyo at sa putik ng Babelonya.
Two great texts, what about the politics? What was going on was the fundamental shift in Middle Eastern history. The empire of Iran, the Medes and the Persians, united under Cyrus, became the first great world empire. Cyrus begins in the 530s BC. And by the time of his son Darius, the whole of the eastern Mediterranean is under Persian control. This empire is, in fact, the Middle East as we now know it, and it's what shapes the Middle East as we now know it. It was the largest empire the world had known until then. Much more important, it was the first multicultural, multifaith state on a huge scale. And it had to be run in a quite new way. It had to be run in different languages. The fact that this decree is in Babylonian says one thing. And it had to recognize their different habits, different peoples, different religions, different faiths. All of those are respected by Cyrus.
Dalawang dakilang kasulatan, ano kaya ang tungkol sa pulitika? Kung ano ang nangyari ay nagdulot sa pangunahing pagbabago sa kasaysayan sa Gitnang Silangan. Ang empiryo ng Iran, ng Medes at ng mga Persyano, ay napagkaisa sa ilalim ni Cyrus, ang kauna-unahang dakilang emperyo sa daigdig. Nagsimula si Cyrus sa 530 BC. At panahon ng kanyang anak na si Darius, ang kabuuan ng silangang Mediterranean ay napapasailalim sa kontrol ng Persya. Sa katunayan, ang emperyong ito ay ang Gitnang Silangan na sa ngayon, at yun ang nahugis sa Gitnang Silangan ngayon. Yun ang pinakamalaking emperyo na nakilala sa daigdig noon. At ang importante, yun ang unang saring-kultura, saring-panininiwala na estado sa malawakan. At kailangan niyang mapatakbo sa panibagong paraan. Pinapatakbo siya sa iba't ibang lengwahe. Ang katunayang ang kautusan na ito sa Babelonya ay nangangahulugan ng isang bagay. Kinikilala nito ang iba't ibang ugali, iba't ibang tao, iba't ibang relihiyon, iba't ibang paniniwala. Lahat ng mga iyon ay nirerespeto ni Cyrus.
Cyrus sets up a model of how you run a great multinational, multifaith, multicultural society. And the result of that was an empire that included the areas you see on the screen, and which survived for 200 years of stability until it was shattered by Alexander. It left a dream of the Middle East as a unit, and a unit where people of different faiths could live together. The Greek invasions ended that. And of course, Alexander couldn't sustain a government and it fragmented. But what Cyrus represented remained absolutely central.
Itinakda ni Cyrus ang isang modelo kung paano magtaguyod ng isang dakilang saring-bayan, saring-paniniwala, saring-kultura na komunidad. At ang resulta ay isang emperyo na sumasaklaw sa mga pook na nakikita nyo sa screen, at tumagal nang 200 taon ng katatagan hanggang sinira ito ni Alexander. Nagiwan iyon ng panaginip ng Gitnang Silangan bilang isang yunit, at ito ang yunit na kung saan ang mga tao sa iba't ibang paniniwala ay nagkakaisang namumuhay. Ang pananakop ng mga Griyego ang nagtapos nito. At hindi na panitili ni Alexander ang gobyernong iyon at ito'y naghiwahiwalay. Pero kung ano ang nirerepresenta ni Cyrus ay nanatiling mahalaga.
The Greek historian Xenophon wrote his book "Cyropaedia" promoting Cyrus as the great ruler. And throughout European culture afterward, Cyrus remained the model. This is a 16th century image to show you how widespread his veneration actually was. And Xenophon's book on Cyrus on how you ran a diverse society was one of the great textbooks that inspired the Founding Fathers of the American Revolution. Jefferson was a great admirer -- the ideals of Cyrus obviously speaking to those 18th century ideals of how you create religious tolerance in a new state.
Ang Griyegong mananalaysay na si Xenophon ay nagsulat ng kanyang aklat na "Cyropaedia" na isinulong si Cyrus bilang isang dakilang pinuno. At sa kabuuan ng Kanlurang kultura pagkatapos, si Cyrus ay nanatiling modelo. Ito ay isang imahe sa ika-16 na siglo para mapakita kung gaano ka laganap ang pagpugay nito. At ang aklat no Xenophon hinggil ni Cyrus kung gaano kasari-sari ang lipunan ay isa sa mga dakilang aklat-aralin na pumukaw sa ating mga ama sa Rebolusyong Amerikano. Si Jefferson ay isang dakilang tagahanga -- ang mga uliran ni Cyrus ay malinaw na nagpahiwatig sa mga uliran sa ika-18 siglo kung paano magpaubaya sa relihiyon sa bagong estado.
Meanwhile, back in Babylon, things had not been going well. After Alexander, the other empires, Babylon declines, falls into ruins, and all the traces of the great Babylonian empire are lost -- until 1879 when the cylinder is discovered by a British Museum exhibition digging in Babylon. And it enters now another story. It enters that great debate in the middle of the 19th century: Are the scriptures reliable? Can we trust them? We only knew about the return of the Jews and the decree of Cyrus from the Hebrew scriptures. No other evidence. Suddenly, this appeared. And great excitement to a world where those who believed in the scriptures had had their faith in creation shaken by evolution, by geology, here was evidence that the scriptures were historically true. It's a great 19th century moment.
Samantala, sa Babelonya, ang mga bagay ay hindi naging kanaisnais. Pagkatapos ni Alexander, ang ibang emperyo, ang Babelonya ay bumagsak, naging lugar ng pagkasira, at ang mga bakas sa dakilang emperyo ng Babelonya ay naglaho -- hanggang noong 1879 nang ang silindro ay nadiskobre sa isang paghuhukay sa Babelonya ng British Museum. At dito magsimula ang panibagong estorya. Nagsimula ang malaking debate sa gitna noong ika-19 na siglo: Kapanipaniwala ba ang mga kasulatan? Mapagkatiwalaan ba natin sila? Ang alam lang natin ay hinggil sa pagbabalik ng mga Hudyo at ang kautusan ni Cyrus galing sa kasulatan ng mga Hudyo. Walang ibang ebedinsya. Biglang lumabas ito. At malaking kagalakan sa daigdig sa mga lugar na naniniwala sa mga kasulatan na inalog ang kanilang pananampalataya hinggil sa paglikha sa ebolusyon, sa heyolohiya, ito ang ebedinsya na ang mga kasulatan ay totoo sa kasaysayan. Isa itong malaking sandali sa ika-19 na siglo.
But -- and this, of course, is where it becomes complicated -- the facts were true, hurrah for archeology, but the interpretation was rather more complicated. Because the cylinder account and the Hebrew Bible account differ in one key respect. The Babylonian cylinder is written by the priests of the great god of Bablyon, Marduk. And, not surprisingly, they tell you that all this was done by Marduk. "Marduk, we hold, called Cyrus by his name." Marduk takes Cyrus by the hand, calls him to shepherd his people and gives him the rule of Babylon. Marduk tells Cyrus that he will do these great, generous things of setting the people free. And this is why we should all be grateful to and worship Marduk.
Pero -- at dito naging komplikado -- ang katotohanang ito ay totoo, hurrah para sa arkiyoloheyo, pero ang pagsalin ay mas komplikado. Dahil ang silindro at ang Bibliya ng mga Hudyo ay may pinagkaiba. Ang silindro ng Babelonya ay sinulat ng mga pari ng dakilang dyos ng Babelonya, si Marduk. At hindi nakakapagtaka kung ang sinasabi nila ay gawa ni Marduk. "Marduk, hawak namin, ang nagngangalang Cyrus." Hawak ni Marduk sa kamay si Cyrus, para panguluhan ang kanyang tao at binigay sa kanya ang kaharian ng Babelonya. Sinabihan ni Marduk si Cyrus upang gumawa ng mga dakila at mapagbigay na bagay upang mapalaya ang mga tao. At dahil dito mapasalamatin ako at ipinagbunyi ko si Marduk.
The Hebrew writers in the Old Testament, you will not be surprised to learn, take a rather different view of this. For them, of course, it can't possibly by Marduk that made all this happen. It can only be Jehovah. And so in Isaiah, we have the wonderful texts giving all the credit of this, not to Marduk but to the Lord God of Israel -- the Lord God of Israel who also called Cyrus by name, also takes Cyrus by the hand and talks of him shepherding his people. It's a remarkable example of two different priestly appropriations of the same event, two different religious takeovers of a political fact.
At ang mga manunulat na Hudyo sa Lumang Tipan, hindi nakakapagtataka mong malaman, na iba ang kanilang pananaw nito. Sa kanila, imposibleng si Marduk ang gumawa ng lahat. Tanging si Heyoba lamang. At sa Isaiah, ay may magagandang teksto na binigay ang karangalan, hindi ni Marduk ngunit sa Panginoong Diyos ng Israel -- ang Panginoong Diyos ng Israel ay tinawag rin si Cyrus sa kanyang pangalan, at inakay din si Cyrus at sinabihan din siya sa pagpastol ng kanyang mga tao. Ito'y isang ehemplo ng dalawang magkaibang makaparing gugulin sa parehong pangyayari, dalawang magkaibang relihiyosong pag-takeover ng isang katotohanang pulitikal.
God, we know, is usually on the side of the big battalions. The question is, which god was it? And the debate unsettles everybody in the 19th century to realize that the Hebrew scriptures are part of a much wider world of religion. And it's quite clear the cylinder is older than the text of Isaiah, and yet, Jehovah is speaking in words very similar to those used by Marduk. And there's a slight sense that Isaiah knows this, because he says, this is God speaking, of course, "I have called thee by thy name though thou hast not known me." I think it's recognized that Cyrus doesn't realize that he's acting under orders from Jehovah. And equally, he'd have been surprised that he was acting under orders from Marduk. Because interestingly, of course, Cyrus is a good Iranian with a totally different set of gods who are not mentioned in any of these texts.
Ang Diyos ay alam nating dumadapig sa mga malalaking batalyon. Ang tanong ay kung sinong dyos yun? At ang debate ay nagpagalaw sa lahat noong ika-19 na siglo para maunawa na ang mga kasulatan ng mga Hudyo ay parte sa mas malawak na daigdig ng relihiyon. At klarong klaro na ang silindro ay mas luma na teksto kaysa sa Isaiah, gayunpaman, si Heyoba ay nagsalita ng pareho kay Marduk. At ako'y may kunting pakiramdam na alam ito ni Isaiah, dahil sabi niya, may Diyos na nagsabi, "Tinawag kita sa iyong pangalan pero hindi mo ako kilala." Sa tingin ko'y kinilala ni Cyrus na hindi niya napag-alaman na gumaganap siya sa utos ni Heyoba. At pare-pareho, nasurpresa din siya na gumaganap din siya sa utos ni Marduk. Dahil napaka-interesado na si Cyrus ay isang mabuting Persyano na may ibang mga dyos na hindi nakasaad sa mga teksto.
(Laughter)
(Tawanan)
That's 1879. 40 years on and we're in 1917, and the cylinder enters a different world. This time, the real politics of the contemporary world -- the year of the Balfour Declaration, the year when the new imperial power in the Middle East, Britain, decides that it will declare a Jewish national home, it will allow the Jews to return. And the response to this by the Jewish population in Eastern Europe is rhapsodic. And across Eastern Europe, Jews display pictures of Cyrus and of George V side by side -- the two great rulers who have allowed the return to Jerusalem. And the Cyrus cylinder comes back into public view and the text of this as a demonstration of why what is going to happen after the war is over in 1918 is part of a divine plan. You all know what happened. The state of Israel is setup, and 50 years later, in the late 60s, it's clear that Britain's role as the imperial power is over. And another story of the cylinder begins.
Yun ay sa 1879. 40 na taon ang nakalipas at tayo'y nasa 1917, at ang silindro ay pumasok sa kakaibang daigdig. Ngayon, sa tunay na pulitika ng kontemporaryong mundo -- ang taon ng Deklarasyong Balfour, ang taon nung ang bagong emperyo sa Gitnang Silangan, ang Britanya, ay nagdeklarar ng pambansang tirahan ng mga Hudyo, pinahihintulotan ang mga Hudyo na bumalik. At ang tugon nito sa populasyon ng mga Hudyo sa Silangang Europa ay rabsodik. At sa buong Silangang Europa, itinanghal ng mga Hudyo ang larawan ni Cyrus at ni George V na magkatabi -- dalawang dakilang pinuno na naghintulot pabalikin sa Herusalem. At ang silindro ni Cyrus ay ipinakita muli sa madla at ang mga teksto nito bilang demonstrasyon kung bakit ano ang nangyari pagkatapos sa gyera noong 1918 ay parte ng plano ng Diyos. Alam nyo lahat ang nangyari. Ang estado ng Israel ay i-sinet-up, at 50 taon ang nakalipas, noong 60s, naging klaro na na ang pagiging imperyo ng Britanya ay wakas na. At isa pang estorya ng silindro ang nag-umpisa.
The region, the U.K. and the U.S. decide, has to be kept safe from communism, and the superpower that will be created to do this would be Iran, the Shah. And so the Shah invents an Iranian history, or a return to Iranian history, that puts him in the center of a great tradition and produces coins showing himself with the Cyrus cylinder. When he has his great celebrations in Persepolis, he summons the cylinder and the cylinder is lent by the British Museum, goes to Tehran, and is part of those great celebrations of the Pahlavi dynasty. Cyrus cylinder: guarantor of the Shah.
Sa rehiyon, ang U.K. at ang U.S. ay nagpasiya, na ilayo sa komunismo, at ang may-kapangyarihan na gagawa nito ay ang Iran, ang Shah. At ang Shah ay nagimbento ng kasaysayan ng Persya, o pagbalik sa kasaysayan ng Persya, na nagluklok sa kanya sa sentro ng dakilang tradisyon at gumawa ng mga barya na may mukha niya at ang silindro ni Cyrus. Nung siya ay nagkaroon ng malaking pagdiriwanng sa Persepolis, binuhay niya ang silindro at ang sinlindro ay inarkila ng Museo ng Britanya, napunta sa Tehran, at parte ng yung malaking selebrasyon ng dinastiyang Pahlavi. Ang sinlindro ni Cyrus: taga-paggrantiya ng Shah.
10 years later, another story: Iranian Revolution, 1979. Islamic revolution, no more Cyrus; we're not interested in that history, we're interested in Islamic Iran -- until Iraq, the new superpower that we've all decided should be in the region, attacks. Then another Iran-Iraq war. And it becomes critical for the Iranians to remember their great past, their great past when they fought Iraq and won. It becomes critical to find a symbol that will pull together all Iranians -- Muslims and non-Muslims, Christians, Zoroastrians, Jews living in Iran, people who are devout, not devout. And the obvious emblem is Cyrus.
10 taon ang nakalipas, ay isang panibagong estorya: Rebolusyong Iran, 1979. Islamikong rebolusyon, walang Cyrus; hindi na tayo interesado sa kasaysayan na iyun, interesadon na tayo sa Islamikong Iran -- hanggang sa Iraq, isang bagong superpower tayo'y nagdesisyong panatilihin sa rehiyon, umatake. Pagkatapos ay isa pang gyera ng Iran at Iraq. Naging kritikal ito para sa mga taga-Iran para isa-ala-ala ang nakaraan, kanilang dakilang nakaraan nung lumaban sila sa Iraq at nanalo. Ito'y naging isang mahalagang simbolo na natipon ng lahat ng taga-Iran -- Muslim at hindi Muslim, Kristiyano, Zoroastriyano, Hudyo na naninirahan sa Iran, mga deboto, at hindi deboto. At ang halatang simbolo ay si Cyrus.
So when the British Museum and Tehran National Musuem cooperate and work together, as we've been doing, the Iranians ask for one thing only as a loan. It's the only object they want. They want to borrow the Cyrus cylinder. And last year, the Cyrus cylinder went to Tehran for the second time. It's shown being presented here, put into its case by the director of the National Museum of Tehran, one of the many women in Iran in very senior positions, Mrs. Ardakani. It was a huge event. This is the other side of that same picture. It's seen in Tehran by between one and two million people in the space of a few months. This is beyond any blockbuster exhibition in the West. And it's the subject of a huge debate about what this cylinder means, what Cyrus means, but above all, Cyrus as articulated through this cylinder -- Cyrus as the defender of the homeland, the champion, of course, of Iranian identity and of the Iranian peoples, tolerant of all faiths. And in the current Iran, Zoroastrians and Christians have guaranteed places in the Iranian parliament, something to be very, very proud of.
Kaya nung ang Museo ng Britanya at Pambansang Museo ng Tehran ay nagtulungan at nagtrabahong magkasama, gaya ng ginagawa natin, ang mga Iranian ay humiling lamang ng isang bagay bilang utang. At iyon ang gusto nilang bagay. Gusto nilang hiramin ang silindro ni Cyrus. At nung nakaraang taon, ang silindro ni Cyrus ay nagbalik sa Tehran sa pangalawang pagkakataon. Ipinakikita rito ang pagbigay na nakasilid sa isang lalagyan ng direkto ng Pambansang Museo ng Tehran, isa sa maraming babae sa Iran sa mataas na posisyon, Gng. Ardakani. Ito'y isang malaking kaganapan. Ito ang kabilang sulok ng parehong litrato. Ito ay sa Tehran sa pagitan ng isa at dalawang milyon katao sa loob ng ilang buwan. Ito ay higit pa sa blockbuster na pelikula sa Kanluran. Isang paksa sa malaking debate ang tungkol sa kung ano ang kahulugan ng silindro, ano ang ibig sabihin ni Cyrus, pero higit pa, si Cyrus na naihayag sa silindron ito -- si Cyrus bilang tagapagligtas ng kanyang bayan, ang kampeyon ng pagkakilanlang Persyano at ng mga taga-Iran, pagparaya sa pananampalataya. Sa sa kasalukuyang Iran, ang mga Zoroastriyano at Kristiyano ay may tiyak na puwang sa parlamento ng Iran, isang bagay na maipagmayabang.
To see this object in Tehran, thousands of Jews living in Iran came to Tehran to see it. It became a great emblem, a great subject of debate about what Iran is at home and abroad. Is Iran still to be the defender of the oppressed? Will Iran set free the people that the tyrants have enslaved and expropriated? This is heady national rhetoric, and it was all put together in a great pageant launching the return. Here you see this out-sized Cyrus cylinder on the stage with great figures from Iranian history gathering to take their place in the heritage of Iran. It was a narrative presented by the president himself.
Ang makita itong bagay na ito saTehran, libo-libong Hudyo na naninirahan sa Iran ay pumunta sa Tehran para tingnan ito. ito'y naging isang dakilang simbolo, isang malaking paksa ng debate tungkol kung ano ang Iran sa kanyan tahanan at sa labas. Ang Iran ba ay mananatiling tagapagtanggol ng naaapi? Papalayain ba ng Iran ang mga tao na inalipin at inalipusta ng mga malupit na pinuno? Ito ay isang malaking pambansang retorika, at inipon itong lahat sa maayos na pagtanghal paglunsad sa pagbabalik. Dito ay nakikita ninyo ang pinalaking silindro ni Cyrus sa entablado na may dakilang tao sa kasaysayan ng Iran na nagtipon-tipon sa pamana ng Iran. Ang salaysay ay inilahad mismo ng pangulo.
And for me, to take this object to Iran, to be allowed to take this object to Iran was to be allowed to be part of an extraordinary debate led at the highest levels about what Iran is, what different Irans there are and how the different histories of Iran might shape the world today. It's a debate that's still continuing, and it will continue to rumble, because this object is one of the great declarations of a human aspiration. It stands with the American constitution. It certainly says far more about real freedoms than Magna Carta. It is a document that can mean so many things, for Iran and for the region.
At para sa akin, para iwan ang bagay na ito sa Iran, para pahintulutan ang bagay na ito sa Iran ay inihintulot na maging parte sa isang ekstraordinaryong debate na aabot sa pinakamataas na level sa kung anuman ang Iran, anong pinagkaiba ng Iran at paano ang pagkaiba ng kasaysayan ng Iran ay huhugis ng mundo ngayon. Ang debate ay patuloy pa rin, at patuloy pa rin iyan mamamayagpag, dahil ang bagay ay isa sa dakilang deklarasyon ng hangarin ng tao. Ito ay sumangayonsa constitusyon ng Amerika. Higit pa sa tunay na kalayaan ang sinasabi nito maging sa Magna Carta. Ito ay isang dokumento na maaaring nangangahulugan ng maraming bagay, para sa Iran at sa rehiyon.
A replica of this is at the United Nations. In New York this autumn, it will be present when the great debates about the future of the Middle East take place. And I want to finish by asking you what the next story will be in which this object figures. It will appear, certainly, in many more Middle Eastern stories. And what story of the Middle East, what story of the world, do you want to see reflecting what is said, what is expressed in this cylinder? The right of peoples to live together in the same state, worshiping differently, freely -- a Middle East, a world, in which religion is not the subject of division or of debate.
Isang replica nito ay nasa United Nations. Sa New York nitong tag-lagas, ay naroon ito kung kelan ang malaking debate tungkol sa kinabukasan ng Gitnang Silangan. At gusto kong magtapos sa tanong na ano ang maging sunod na estorya na itong bagay na ito ay naaanyo. Lalabas ito sa marami pang Gitnang Silangang estorya. At kung ano ang mga estorya sa Gitnang Silangan, kung ano ang estorya ng daigdig, gusto mp bang makita ito na sumasalamin kung ano ang sinabi, kung ano ang pinahayag ng silindro? Ang karapatan ng mga tao para mamuhay na magkasama sa parehong estado, nagsasamba ng magka-iba, malaya -- isang Gitnang Silangan, isang daigdig, kung saan ang relihiyon ay hindi paksa ng debisyon o ng debate.
In the world of the Middle East at the moment, the debates are, as you know, shrill. But I think it's possible that the most powerful and the wisest voice of all of them may well be the voice of this mute thing, the Cyrus cylinder.
Sa mundo ng Gitnang Silangan ngayon, ang debate ay nakakatulilig. Pero sa tingin ko ay possible na ang pinakamakapangyarihan at pinakamatalino sa kanilang lahat ay maging tinig nitong tahimik na bagay, ang silindro ni Cyrus.
Thank you.
Salamat po.
(Applause)
(Palakpakan)