Well, I'm involved in other things, besides physics. In fact, mostly now in other things.
May iba akong pinagkakaabahalan, bukod sa pisika. Sa katunayan, ngayon mas madalas sa ibang bagay.
One thing is distant relationships among human languages. And the professional, historical linguists in the U.S. and in Western Europe mostly try to stay away from any long-distance relationships, big groupings, groupings that go back a long time, longer than the familiar families. They don't like that. They think it's crank. I don't think it's crank. And there are some brilliant linguists, mostly Russians, who are working on that, at Santa Fe Institute and in Moscow, and I would love to see where that leads.
Isa dito ang malawak na ugnayan ng iba't ibang wika ng mga tao. At lumalayo sa mga malayuang relasyon ang halos lahat ng mga propesyonal at ng mga pangkasaysayang dalubwika sa Estados Unidos at sa Kanlurang Europa; malaking pagpangkat, mga pagpapangkat na matagal nang namamalagi, mas matagal pa sa mga kilalang pamilya. Ayaw nila yun; sa tingin nila himaling ito. Sa tingin ko, hindi. At may mga napakatalinong mga dalubwika, karamihang mga Ruso, na nagtatrabaho sa Santa Fe Institute at sa Moscow, at gusto kong makita kung saan makararating ito.
Does it really lead to a single ancestor some 20, 25,000 years ago? And what if we go back beyond that single ancestor, when there was presumably a competition among many languages? How far back does that go? How far back does modern language go? How many tens of thousands of years does it go back?
Makararating ba talaga ito sa isang ninuno ilang mga 20, 25,000 na taong nakaraan? At paano kung bumalik tayo sa nakaraan na higit pa sa ninuno na ito, noong siguro mayroong kompetisyon sa gitna ng mga wika? Gaano kalayo pa sa nakaraan ba yun? Gaano kalayo ang pinanggalingan ng makabagong wika? Ilang nakaraang libu-libong taon?
Chris Anderson: Do you have a hunch or a hope for what the answer to that is?
Chris Anderson: Mayroon ka bang kutob o di kaya inaasahang sagot dito?
Murray Gell-Mann: Well, I would guess that modern language must be older than the cave paintings and cave engravings and cave sculptures and dance steps in the soft clay in the caves in Western Europe, in the Aurignacian Period some 35,000 years ago, or earlier. I can't believe they did all those things and didn't also have a modern language. So, I would guess that the actual origin goes back at least that far and maybe further.
Murray Gell-Mann: Sa palagay ko dapat mas nakatatanda ang makabagong wika kaysa sa mga larawan, mga ukit at mga lilok sa kuweba at mga yapak ng sayaw sa malambot na luwad sa mga kuweba ng Kanlurang Europa noong panahong Aurignacian mga 35,000 na taong nakaraan, or mas maaga. Di ko mapaniwalaan na ginawa nila yun lahat tapos wala ring makabagong wika. Ang hula ko, ang tunay na simula ay mga ganun nga o mas maaga pa.
But that doesn't mean that all, or many, or most of today's attested languages couldn't descend perhaps from one that's much younger than that, like say 20,000 years, or something of that kind. It's what we call a bottleneck.
Ngunit hindi nito ibig sabihin na di puwedeng manggaling ang lahat, o karamihan ng mga napatunayan na mga wika mula sa isang mas bago, ng siguro mga 20,000 na taong nakaraan, o parang ganun. Ang tawag natin dito ay ang pagbo-bottleneck (biglang pagsikip ng daloy).
CA: Well, Philip Anderson may have been right. You may just know more about everything than anyone. So, it's been an honor. Thank you Murray Gell-Mann. (Applause)
CA: Maaaring tama si Philip Anderson. Maaaring mas maraming kang alam sa lahat kaysa kanino. Naging isang karangalan ito. Maraming salamat Ginoong Murray Gell-Mann. (Palakpakan)