My travels to Afghanistan began many, many years ago on the eastern border of my country, my homeland, Poland. I was walking through the forests of my grandmother's tales. A land where every field hides a grave, where millions of people have been deported or killed in the 20th century.
Ang aking mga paglalakbay sa Afghanistan ay nagsimula ilang taon na ang nakalipas mula sa silangang bahagi ng aking bansa, ang aking bayang sinilangan, ang Poland. Nilalakad ko noon ang mga gubat na laman ng mga kwento ni lola. Isang lupain na itinatago ang puntod sa bawat sulok, kung saan milyun-milyon katao ang ipinatapon o ipinapatay noong ika-20 siglo.
Behind the destruction, I found a soul of places. I met humble people. I heard their prayer and ate their bread. Then I have been walking East for 20 years -- from Eastern Europe to Central Asia -- through the Caucasus Mountains, Middle East, North Africa, Russia. And I ever met more humble people. And I shared their bread and their prayer. This is why I went to Afghanistan.
Sa kabila ng pagkawasak, natagpuan ko ang diwa ng lugar na iyon. Nakatagpo ako ng mga mapagkumbabang tao. Narinig ko ang kanilang dasal at kumain ng kanilang tinapay. Sumunod kong nilakbay ang Silangan sa loob ng 20 taon -- mula Silangang Europa hanggang Gitnang Asya -- sa mga bundok ng Caucasus, Gitnang Silangan, Hilagang Aprika, Rusya. At nakatagpo ako ng mas maraming taong may payak na pamumuhay. Ibinahagi nila ang kanilang tinapay at mga panalangin. Kung kaya naisip kong magtungo ng Afghanistan.
One day, I crossed the bridge over the Oxus River. I was alone on foot. And the Afghan soldier was so surprised to see me that he forgot to stamp my passport. But he gave me a cup of tea. And I understood that his surprise was my protection.
May isang araw, tinahak ko ang tulay na tumatawid sa Ilog Oxus. Ako ay nakapaa at mag-isa noon. At nabigla ang sundalong Afghan nang makita niya ako na nakalimutan pa niyang tatakan ang aking pasaporte. Bagamat binigyan naman niya ako ng tsaa. At naisip ko na ang kanyang pagkabigla ay ang aking kaligtasan.
So I have been walking and traveling, by horses, by yak, by truck, by hitchhiking, from Iran's border to the bottom, to the edge of the Wakhan Corridor. And in this way I could find noor, the hidden light of Afghanistan. My only weapon was my notebook and my Leica. I heard prayers of the Sufi -- humble Muslims, hated by the Taliban. Hidden river, interconnected with the mysticism from Gibraltar to India. The mosque where the respectful foreigner is showered with blessings and with tears, and welcomed as a gift.
Kaya nagpatuloy akong naglakad at naglakbay, sa kabayo, sa yak, sa trak, at nakikisakay, mula sa dulo ng Iran sa bandang ilalim, hanggang sa Wakhan Corridor. Sa ganitong paraan masisilayan ko ang noor, ang natatagong liwanag ng Afghanistan. Ang tanging tangan ko ay ang aking kwaderno at kamera. Napakinggan ko ang panalangin ng mga Sufi -- mga mapagkumbabang Muslim, kinamumuhian ng mga Taliban. Nakatagong ilog, pinagdudugtong ng mistisismo mula Gibraltar hanggang India. Ang moske kung saan ang dayuhang ginagalang ay napapaulanan ng mga biyaya at mga luha, at tinuturing bilang isang regalo.
What do we know about the country and the people that we pretend to protect, about the villages where the only one medicine to kill the pain and to stop the hunger is opium? These are opium-addicted people on the roofs of Kabul 10 years after the beginning of our war. These are the nomad girls who became prostitutes for Afghan businessmen.
Ano ba ang alam natin tungkol sa bansa at sa mamamayan na kunwari'y pinagtatanggol natin, tungkol sa mga kanayunan kung saan ang tanging gamot sa hapdi at ang sagot sa gutom ay opium? Ito ang mga mamamayang nalulong sa opium sa mga bubong ng Kabul 10 taon matapos magsimula ang ating digmaan. Ito ang mga kababaihang nomad na naging bayaran ng mga negosyanteng Afghan.
What do we know about the women 10 years after the war? Clothed in this nylon bag, made in China, with the name of burqa. I saw one day, the largest school in Afghanistan, a girls' school. 13,000 girls studying here in the rooms underground, full of scorpions. And their love [for studying] was so big that I cried.
Ano nga ba ang alam natin sa mga babaeng ito 10 taon matapos ang giyera? Hawak ang nylong bag, gawa sa Tsina, at tinatawag na burka. Isang araw nasaksihan ko, ang pinakamalaking eskuwelahan sa Afghanistan, isang paaralang pambabae. 13,000 kababaihan ang nag-aaral dito sa mga silid-aralan sa ilalim ng lupa, kasama ang mga alakdan. At ang kanilang pagsisikap [mag-aral] ay napakalaki, na napaiyak ako.
What do we know about the death threats by the Taliban nailed on the doors of the people who dare to send their daughters to school as in Balkh? The region is not secure, but full of the Taliban, and they did it.
Ano nga ba ang alam natin tungkol sa mga banta ng Taliban na nakapinid sa mga pinto ng mga mamamayang pinapag-aral ang kanilang mga anak na babae tulad ng sa Balkh? Hindi ligtas ang rehiyon, dahil sa mga Taliban, subalit pinagpatuloy nila.
My aim is to give a voice to the silent people, to show the hidden lights behind the curtain of the great game, the small worlds ignored by the media and the prophets of a global conflict.
Layon ko na bigyang boses ang mga taong hindi umiimik, upang ilahad ang nakatagong liwanag sa likod ng kurtina ng isang malaking laro, ang maliliit na buhay na hindi pinapansin ng media at ng mga propeta ng hindi pagkakasundo ng mundo.
Thanks.
Salamat.
(Applause)
(Palakpakan)