So the type of magic I like, and I'm a magician, is magic that uses technology to create illusions. So I would like to show you something I've been working on. It's an application that I think will be useful for artists -- multimedia artists in particular. It synchronizes videos across multiple screens of mobile devices. I borrowed these three iPods from people here in the audience to show you what I mean. And I'm going to use them to tell you a little bit about my favorite subject: deception.
Ang uri ng salamangka na gusto ko, dahil ako ay isang salamangkero, ay ang salamangkang gumagamit ng teknolohiya upang makalikha ng mga ilusyon. Kaya gusto ko sanang ipakita sa inyo itong pinagkakaabalahan ko sa ngayon. Ito ay isang application na magiging kapaki-pakinabang para sa mga alagad ng sining -- lalo na sa mga multimedia artists. Pinagsasabay nito ang mga bidyo mula sa iba't ibang screen ng mga mobile devices. At hiniram ko itong tatlong iPods mula sa mga taong andito ngayon upang patunayan ang sinasabi ko. At gagamitin ko sila upang ikwento ang paborito kong paksa: ang panlilinlang.
(Music)
(Musika)
One of my favorite magicians is Karl Germain. He had this wonderful trick where a rosebush would bloom right in front of your eyes. But it was his production of a butterfly that was the most beautiful.
Isa sa mga paborito kong salamangkero ay si Karl Germain. Isa sa kanyang kahanga-hangang magic trick ay ang pamumukadkad ng mga rosas sa harap ng maraming tao. Ngunit ang kanyang paglikha ng isang paruparo ang siyang pinakamaganda sa lahat.
(Recording) Announcer: Ladies and gentlemen, the creation of life.
(Boses) Tagapag-anunsyo: Mga binibini at ginoo, ang paglikha ng buhay.
(Applause)
(Palakpakan)
(Music)
(Musika)
Marco Tempest: When asked about deception, he said this:
Marco Tempest: Nang tinanong tungkol sa panlilinlang, ito ang kanyang sinabi:
Announcer: Magic is the only honest profession. A magician promises to deceive you -- and he does.
Tagapag-anunsyo: Ang salamangka ang katangi-tanging matapat ng propesyon. Pinapangako ng isang salamangkero ang lokohin ka -- at iyon nga ang gagawin niya.
MT: I like to think of myself as an honest magician. I use a lot of tricks, which means that sometimes I have to lie to you. Now I feel bad about that. But people lie every day.
MT: Gusto kong sabihin na ako ay isang matapat na salamangkero. Gumagamit ako ng maraming tricks, na ibig sabihin ay minsan nagsisinungaling ako. Pakiramdam ko tuloy ang sama ko. Ngunit nagsisinungaling naman ang lahat ng tao kada-araw.
(Ringing)
(Tunog) Teka lang.
Hold on.
Babae sa Telepono: Uy, saan ka na?
Phone: Hey, where are you?
MT: Stuck in traffic. I'll be there soon. You've all done it.
MT: Heto natrapik. Andyan na 'ko, saglit lang. Nagawa niyo na rin 'yun.
(Laughter)
(Tawanan)
(Music)
Babae: Isang minuto na lang, darling, patapos na ako.
Right: I'll be ready in just a minute, darling.
Lalaki: Ito mismo ang gusto ko.
Center: It's just what I've always wanted.
Babae: Ang galing mo.
Left: You were great.
MT: Deception, it's a fundamental part of life. Now polls show that men tell twice as many lies as women -- assuming the women they asked told the truth.
MT: Ang panlilinlang, sadyang bahagi ng buhay. Ayon sa mga survey, mas madalas nang makalawang beses na nagsisinungaling ang mga lalaki kaysa sa mga babae -- kung ang mga babaeng tinanong nila ay nagsasabi ng totoo.
(Laughing)
(Nagsipagtawanan)
We deceive to gain advantage and to hide our weaknesses. The Chinese general Sun Tzu said that all war was based on deception. Oscar Wilde said the same thing of romance.
Nanloloko tayo upang makalamang at maitago ang ating kahinaan. Sinabi ni Sun Tzu, isang Tsinong heneral na ang bawat digmaan ay nakaugat sa panlilinlang. Sinabi din ni Oscar Wilde
Some people deceive
ang ganoong bagay tungkol sa pag-ibig.
for money. Let's play a game. Three cards, three chances.
Nanloloko ang ilang tao para sa pera. Halika maglaro tayo. Tatlong baraha, tatlong pagkakataon.
Announcer: One five will get you 10, 10 will get you 20. Now, where's the lady? Where is the queen?
Tagapag-anunsyo: Isang libo limang daan magiging sampu,sampu magiging dalawampu. Ngayon saan na ang binibini? Saan na ang reyna?
MT: This one? Sorry. You lose. Well, I didn't deceive you. You deceived yourself. Self-deception. That's when we convince ourselves that a lie is the truth. Sometimes it's hard to tell the two apart. Compulsive gamblers are experts at self-deception.
MT: Eto? Pasensya. Talo ka. Naku hindi ko kayo niloko. Niloloko niyo lang ang sarili niyo. Panlilinlang sa sarili. Nangyayari 'yun kapag nakumbinsi natin ang sarili na ang isang kasinungalingan ay katotohanan. Minsan mahirap sabihin kung ang isang bagay ay totoo o kasinungalingan. Ang mga madalas magsugal ay dalubhasa sa panloloko sa sarili.
(Slot machine)
(Ingay ng slot machine)
They believe they can win. They forget the times they lose.
Paniwala nila, maaari silang manalo. Nakakalimutan nila ang mga pagkakataong natalo sila.
The brain is very good at forgetting. Bad experiences are quickly forgotten. Bad experiences quickly disappear. Which is why in this vast and lonely cosmos, we are so wonderfully optimistic. Our self-deception becomes a positive illusion -- why movies are able to take us onto extraordinary adventures; why we believe Romeo when he says he loves Juliet; and why single notes of music, when played together, become a sonata and conjure up meaning.
Napakadaling makalimot ng utak. Mabilis nating nakakalimutan ang mga masasamang pangyayari. Ang mga masasamang karanasan mabilis nawawala. Kung kaya't dito sa malawak at malungkot na parte ng kalawakan, napakapositibo ng ating pananaw. Nagiging positibong ilusyon ang ating panloloko sa sarili -- kaya nagagawa ng mga pelikula na dalhin tayo sa mga kamangha-manghang paglalakbay; kaya naniniwala tayo kay Romeo kapag sinabi niyang mahal niya si Juliet; at kaya ang bawat tala sa isang piyesa, kapag tinugtog ng sama-sama, ay nagiging sonata at nagakakaroon ng kahulugan.
That's "Clair De lune." Its composer, called Debussy, said that art was the greatest deception of all. Art is a deception that creates real emotions -- a lie that creates a truth. And when you give yourself over to that deception, it becomes magic.
'Yan ay "Clair de Lune." Ang kompositor nito na si Debussy ang nagsabi na ang sining ay ang pinakamalaking panloloko sa lahat. Ang sining ay isang panlilinlang na lumilikha ng tunay na emosyon -- isang kasinungalingan na lumilikha ng katotohanan. At kapag nagpadala tayo sa panlolokong iyon, ito'y nagiging salamangka.
[MAGIC]
(Music fades slowly)
(Applause)
(Palakpakan)
Thank you. Thank you very much.
Salamat. Maraming salamat.
(Applause)
(Palakpakan)