Marco Tempest: What I'd like to show you today is something in the way of an experiment. Today's its debut. It's a demonstration of augmented reality. And the visuals you're about to see are not prerecorded. They are live and reacting to me in real time. I like to think of it as a kind of technological magic. So fingers crossed. And keep your eyes on the big screen.
Marco Tempest: Gusto kong ipakita ngayon ang produkto ng isang eksperimento. Ngayon ang magsisilbing debut nito. Ipapakita nito ang tinatawag na augmented reality (pinagyamang realidad). Ang mga mapapanood niyo ngayon ay hindi prerecorded. Live itong nagaganap at magpapakitang-gilas sa real time. Itinuturing ko itong isang uri ng mahika ng teknolohiya. Kaya sana gumana ito. At itutok ang mga mata sa malaking screen.
Augmented reality is the melding of the real world with computer-generated imagery. It seems the perfect medium to investigate magic and ask, why, in a technological age, we continue to have this magical sense of wonder. Magic is deception, but it is a deception we enjoy. To enjoy being deceived, an audience must first suspend its disbelief. It was the poet Samuel Taylor Coleridge who first suggested this receptive state of mind.
Pinagyamang realidad ay ang pagsasanib ng totoong mundo at ng imaheng likha ng kompyuter. Marahil ito na ang tamang paraan upang siyasatin ang salamangka at tanungin, kung bakit sa panahon ng teknolohiya, patuloy tayong namamangha. Ang salamangka ay isang panlilinlang, isang panloloko na kinawiwilihan natin. Upang mangyari ang panloloko, ang unang gagawin ng manonood ay isantabi ang kanilang paniniwala. Ayon sa makatang si Samuel Taylor Coleridge ito ang pagkakataong nagiging bukas ang isipan.
Samuel Taylor Coleridge: I try to convey a semblance of truth in my writing to produce for these shadows of the imagination a willing suspension of disbelief that, for a moment, constitutes poetic faith.
Samuel Taylor Coleridge: Sinusubukan kong iwangis ang aking sinusulat sa katotohanan nang upang sa imahinasyon, mabilis maisasantabi ang sariling paniniwala, at upang masasabi, kahit saglit lang, na nabuo ang paniniwala sa tula.
MT: This faith in the fictional is essential for any kind of theatrical experience. Without it, a script is just words. Augmented reality is just the latest technology. And sleight of hand is just an artful demonstration of dexterity. We are all very good at suspending our disbelief. We do it every day, while reading novels, watching television or going to the movies. We willingly enter fictional worlds where we cheer our heroes and cry for friends we never had. Without this ability there is no magic.
MT: Itong paniniwala sa kathang-isip ay napakahalaga upang mabuo ang damdamin ng anumang palabas. Kung wala ito, ang script ay mga salita lamang. Ang pinagyamang realidad ay makabagong teknolohiya lamang. At ang bilis ng kamay ay isang pagpapamalas lamang ng galing ng ating isipan. Magaling tayo sa pagsasantabi ng sariling paniniwala. Ginagawa natin 'to araw-araw, habang nagbabasa ng nobela, nanonood ng telebisyon o sa pagpunta sa sinehan. Maluwag sa kalooban nating pinapasok ang ibang mundo kung saan ipinagbubunyi natin ang mga bayani at umiiyak para sa mga taong hindi natin kilala. Kung wala ang kakayahang ito walang salamangka.
It was Jean Robert-Houdin, France's greatest illusionist, who first recognized the role of the magician as a storyteller. He said something that I've posted on the wall of my studio.
Si Jean Robert-Houdin, ang pinakamahusay na illusionist ng Pransya, ang unang nagtukoy sa papel ng salamangkero bilang mananalaysay. Nakapaskil sa aking studio ang mga sinabi niya.
Jean Robert-Houdin: A conjurer is not a juggler. He is an actor playing the part of a magician.
Jean Robert-Houdin: Ang isang salamangkero ay hindi sirkero. Siya ay isang artista na gumaganap bilang salamangkero.
MT: Which means magic is theater and every trick is a story. The tricks of magic follow the archetypes of narrative fiction. There are tales of creation and loss, death and resurrection, and obstacles that must be overcome. Now many of them are intensely dramatic. Magicians play with fire and steel, defy the fury of the buzzsaw, dare to catch a bullet or attempt a deadly escape. But audiences don't come to see the magician die, they come to see him live. Because the best stories always have a happy ending.
MT: Ibig sabihin, ang mahika ay teatro at bawat trick ay isang twist. Ang mga trick ng salamangka ay may sinusundan na halimbawa ng kathang-isip na salaysay. May mga kwento ng paglikha at pagkawala, kamatayan at pagkabuhay muli, at mga balakid na pagtatagumpayan. Marami nito ay puno ng drama. Ang mga salamangkero ay naglalaro ng apoy at bakal, umiiwas sa nangangalit na lagari, lakas-loob na hinuhuli ang mabilis na bala o tangkaing takasan ang tiyak na kamatayan. Subalit hindi nais ng manonood na mamatay ang salamangkero, dahil nais nila itong makita na buhay. Dahil ang mga pinakamagagandang kwento ay may masayang pagtatapos.
The tricks of magic have one special element. They are stories with a twist. Now Edward de Bono argued that our brains are pattern matching machines. He said that magicians deliberately exploit the way their audiences think.
Bawat magic trick, may iisang espesyal na sangkap. Lahat sila ay kuwentong may twist. Inimungkahi ni Edward de Bono na ang utak ay makinang sanay sa magkakatugmang hugis. Ika niya, sinasamantala ng mga salamangkero ang ang paraang ito sa utak ng manonood.
Edward de Bono: Stage magic relies almost wholly on the momentum error. The audience is led to make assumptions or elaborations that are perfectly reasonable, but do not, in fact, match what is being done in front of them.
Edward de Bono: Ang pagtatanghal ng mahika ay nakasalalay sa tinatawag na momentum error. Pinapaniwala ang manonood ng ilang bagay na sadyang kapanipaniwala, ngunit, sa katunayan, ay hindi tugma sa totoong nasasaksihan niya.
MT: In that respect, magic tricks are like jokes. Jokes lead us down a path to an expected destination. But when the scenario we have imagined suddenly flips into something entirely unexpected, we laugh. The same thing happens when people watch magic tricks. The finale defies logic, gives new insight into the problem, and audiences express their amazement with laughter. It's fun to be fooled.
MT: Sa aspetong 'yan, ang magic trick ay tulad ng mga biro. Dinadala tayo ng mga biro sa sa isang inaasahang direksyon. Ngunit kapag biglang liko ang isip natin tungo sa hindi inaasahang bagay, tayo ay napapatawa. Katulad ito sa nangyayari sa mga nanonoood ng magic trick. Ang kinalabasan ay hindi tugma sa lohika, isang bagong pananaw sa problema, at ipinapakita ng manonood ang pagkamangha sa pagtawa. Nakakatuwa ang karanasang maloko.
One of the key qualities of all stories is that they're made to be shared. We feel compelled to tell them. When I do a trick at a party -- (Laughter) that person will immediately pull their friend over and ask me to do it again. They want to share the experience. That makes my job more difficult, because, if I want to surprise them, I need to tell a story that starts the same, but ends differently -- a trick with a twist on a twist. It keeps me busy.
Ginawa ang mga kwento upang sila ay maibahagi. Gusto natin itong ibahagi sa iba. Matapos kong gawin ang isang trick sa isang kasayahan -- (Taong tumatawa) agad na hihilahin ng taong iyon ang kaibigan niya at hihiling na gawin ko ulit ang trick. Nais nilang ibahagi ang karanasan. Pinapahirap nito ang aking trabaho, sapagkat kung gusto ko silang masorpresa, kailangang pareho ang simula ng kwento ngunit iba ang pagtatapos -- isang panloloko na may twist sa isa pang twist. Ito ang aking pinagkakaabalahan.
Now experts believe that stories go beyond our capacity for keeping us entertained. We think in narrative structures. We connect events and emotions and instinctively transform them into a sequence that can be easily understood. It's a uniquely human achievement. We all want to share our stories, whether it is the trick we saw at the party, the bad day at the office or the beautiful sunset we saw on vacation.
Naniniwala ang mga eksperto na ang silbi ng mga kwento ay higit sa pagbibigay-aliw. Nag-iisip tayo ayon sa anyo ng salaysay. Inuugnay natin ang mga kaganapan sa mga emosyon at nalilikha ang pagkakasunod-sunod na madaling maunawaan. Ito ay espesyal na katangian ng tao. Gusto nating magkuwento, ito man ay ang trick na nakita natin sa isang kasayahan, masamang araw sa loob ng opisina o ang magandang paglubog ng araw mula sa bakasyon.
Today, thanks to technology, we can share those stories as never before, by email, Facebook, blogs, tweets, on TED.com. The tools of social networking, these are the digital campfires around which the audience gathers to hear our story. We turn facts into similes and metaphors, and even fantasies. We polish the rough edges of our lives so that they feel whole. Our stories make us the people we are and, sometimes, the people we want to be. They give us our identity and a sense of community. And if the story is a good one, it might even make us smile.
Sa panahon ngayon, salamat sa teknolohiya, mas madali nating naibabahagi ang mga kuwentong ito, sa pamamagitan ng email, Facebook, blog, tweet, sa TED.com. Ang mga kagamitan sa social networking, nagsisilbing silang makabagong campfire kung saan nakapalibot ang mga taong nais marinig ang ating mga kwento. Ang katotohanan ay nagiging pagtutulad at talinghaga, at paminsan-minsan, mala-pantasya. Pinapaganda natin ang gaspang sa ating mga buhay upang magmukha itong kaaya-aya at buo. Binubuo ng mga kwento natin kung sino tayo at, kung minsan, ang mga tao na nais nating maging. Sila ang nagbibigay sa'tin ng pagkakakilanlan at pagkakabuklod. At kung maganda ang isang kwento, maari itong magbigay sa'tin ng ngiti.
Thank you.
Salamat.
(Applause)
(Palakpakan)
Thank you.
Salamat.
(Applause)
(Palakpakan)