We're here to celebrate compassion. But compassion, from my vantage point, has a problem. As essential as it is across our traditions, as real as so many of us know it to be in particular lives, the word "compassion" is hollowed out in our culture, and it is suspect in my field of journalism. It's seen as a squishy kumbaya thing, or it's seen as potentially depressing. Karen Armstrong has told what I think is an iconic story of giving a speech in Holland and, after the fact, the word "compassion" was translated as "pity."
Narito tayo upang itanghal ang pakikiramay. Subalit ang pakikiramay, sa aking pakiwari, ay may problema. Mahalaga man ito sa ating mga tradisyon, at walang dudang nararamdaman natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay, gaya nang alam ng marami sa atin, naging mali ang kahulugan ng katagang "pakikiramay" sa ating kultura, lalo sa larangan ng pamamahayag. Madalas ito'y pinupuri kahit hindi naman angkop, at minsa'y tinitingnan ito ng may kasamang lungkot. Si Karen Armstrong ay may sinabi na sa pakiwari ko'y isang napakabuluhang istorya nang siya'y nagbigay ng talumpati sa Holland at ang katagang "pakikiramay" ay isinalin na "pagkaawa".
Now compassion, when it enters the news, too often comes in the form of feel-good feature pieces or sidebars about heroic people you could never be like or happy endings or examples of self-sacrifice that would seem to be too good to be true most of the time. Our cultural imagination about compassion has been deadened by idealistic images. And so what I'd like to do this morning for the next few minutes is perform a linguistic resurrection. And I hope you'll come with me on my basic premise that words matter, that they shape the way we understand ourselves, the way we interpret the world and the way we treat others.
Ngayon, sa mga balita, ang pakikiramay ay kadalasa'y mababasa sa mga tampok na lathala na hatid ay pampalubag-loob o hindi kaya'y ukol sa mga bayaning hindi kailanman mapaparisan o sa mga magagandang katapusan o mga halimbawa ng pagsasakripisyo na sana nga'y nagkakatotoo nang madalas. Ang likhang-isip ng ating kultura hinggil sa pakikiramay ay pinawalang-buhay ng mga idiyalistikong pag-iisip. Kaya, sa umagang ito, sa susunod na ilang mga sandali, ay gusto kong magsagawa ng isang muling pagbagon sa linguwistika. At inaasahan kong aayon kayo sa aking pangunahing batayan na ang mga salita ay mahalaga, na hinuhubog nito kung papaano natin inuunawa ang ating mga sarili, kung papaano natin nakikita ang kamunduhan at kung paano natin pinakikitunguhan ang ating kapwa.
When this country first encountered genuine diversity in the 1960s, we adopted tolerance as the core civic virtue with which we would approach that. Now the word "tolerance," if you look at it in the dictionary, connotes "allowing," "indulging" and "enduring." In the medical context that it comes from, it is about testing the limits of thriving in an unfavorable environment. Tolerance is not really a lived virtue; it's more of a cerebral ascent. And it's too cerebral to animate guts and hearts and behavior when the going gets rough. And the going is pretty rough right now. I think that without perhaps being able to name it, we are collectively experiencing that we've come as far as we can with tolerance as our only guiding virtue.
Ang bayang ito, noong taong 1960, sa unang pagkakataon ay dumanas ng tunay na pagkakaiba, at ang pagtanggap sa iba ay naging ugat na kaugalian na ating titingnan ngayon. Ang salitang "pagtanggap", kung titingnan mo sa diksiyunaryo, ay katumbas ng "pagpayag", "pagbibigay" at "pagtitiis". Sa konteksto medikal na pinaghanguan nito, ito'y patungkol sa kung gaano katagal maaring mabuhay sa isang nakapipinsalang kapaligiran. Sa katunayan, ang pagtanggap ay hindi isang tunay na birtud. Sa halip, ito ay nasa utak lang. At dahil nasa utak ito napapagalaw nito ang ating kalamnan, ang puso, at asal kahit pa dumating ang maraming gulo. At totoong mas magulo na tayo ngayon. Sa aking pakiwari, kahit marahil hindi tuwirang matutukoy ito, nararanasan nating lahat na nandito ngayon dahil sa pagtanggap sa iba bilang tanging gabay-asal.
Compassion is a worthy successor. It is organic, across our religious, spiritual and ethical traditions, and yet it transcends them. Compassion is a piece of vocabulary that could change us if we truly let it sink into the standards to which we hold ourselves and others, both in our private and in our civic spaces. So what is it, three-dimensionally? What are its kindred and component parts? What's in its universe of attendant virtues? To start simply, I want to say that compassion is kind. Now "kindness" might sound like a very mild word, and it's prone to its own abundant cliche. But kindness is an everyday byproduct of all the great virtues. And it is a most edifying form of instant gratification.
Ang pakikiramay ay isang karapat-dapat na kapalit. Nilalaman nito ang ating mga pananampalataya, ispiritwal, at etikal na paniniwala, at lalong higit pa sa mga ito. Ang pakikiramay ay isang salita sa bukabularyo na makapagpapabago sa atin kung hahayaan natin itong maging bahagi ng mga sukatan na ating pinanghahawakan para ating sarili at sa iba, sa ating pamumuhay maging pribado o sibiko. Papaano natin ito susukatin? Ano ang mga magkakaugnay at bumubuong bahagi nito? Ano ito sa kalawakan ng magkakaugnay na mga kagandahang-asal? Una, ang pakikiramay ay kabaitan. Ngayon, sa pandinig, tila baga ang kabaitan ay isang napakalumanay na kataga, at madali itong isipin na cliche. Subalit ang kabaitan ay pang-araw-araw na kakambal ng lahat ng kagandahang-asal. At ito'y isang matayog na uri na nagbibigay ng agad na kaluguran.
Compassion is also curious. Compassion cultivates and practices curiosity. I love a phrase that was offered me by two young women who are interfaith innovators in Los Angeles, Aziza Hasan and Malka Fenyvesi. They are working to create a new imagination about shared life among young Jews and Muslims, and as they do that, they cultivate what they call "curiosity without assumptions." Well that's going to be a breeding ground for compassion.
Ang pakikiramay ay ang pagiging curious. Linilinang at inuugali ng pakikiramay ang kuriosidad. Gusto ko ang kataga na binanggit sa akin ng dalawang kabataang babaeng "interfaith innovators" sa Los Angeles, sina Aziza Hasan at Malka Fenyvesi. Nagsusumikap silang lumikha ng bagong imahenasyon hinggil sa sama-samang pamumuhay ng mga Jews at mga Muslim, at tinawag nila itong "kuriosidad na walang pagpapalagay." Tunay ngang magiging punlaan ito ng pakikiramay.
Compassion can be synonymous with empathy. It can be joined with the harder work of forgiveness and reconciliation, but it can also express itself in the simple act of presence. It's linked to practical virtues like generosity and hospitality and just being there, just showing up. I think that compassion also is often linked to beauty -- and by that I mean a willingness to see beauty in the other, not just what it is about them that might need helping. I love it that my Muslim conversation partners often speak of beauty as a core moral value. And in that light, for the religious, compassion also brings us into the territory of mystery -- encouraging us not just to see beauty, but perhaps also to look for the face of God in the moment of suffering, in the face of a stranger, in the face of the vibrant religious other.
Kaisa-ng-damdamin ay isa pang maaaring kahulugan ng pakikiramay. May mas mahirap na gawin na maisasama dito: ang pagpapatawad at pakikipagkasundo, ngunit maari din na ang ibig sabihin ay ang pagdalo at pakikipagkita ng personal. kaugnay rin mga praktikal na magagandang-asal tulad ng pagkabukas-palad at mabuting pakikitungo at sa simpleng pakikiharap lamang, at sa pagpapakita sa ating mga kaibigan. Pakiwari ko'y ang pakikiramay ay iniuugnay din sa kagandahan -- at ang ibig kong sabihin ay ang pagkukusang pagpansin sa kagandahan ng iba, dahil higit pa ito sa pagbibigay tulong lang. Natutuwa ako na ang aking mga nakakadiskurso na mga Muslim ay madalas banggitin ang kagandahan-asal bilang isang moral na birtud. Sa ganitong pagkaunawa, para sa mga relihiyoso, inaakay tayo ng pakikiramay sa lugar ng misteryo -- hinihimok tayong masdan hindi lamang ang kagandahan, ngunit pati na rin ang mukha ng Diyos sa sandali ng pighati, sa mukha ng di-kakilala, sa mukha ng mga maka-relihiyoso.
I'm not sure if I can show you what tolerance looks like, but I can show you what compassion looks like -- because it is visible. When we see it, we recognize it and it changes the way we think about what is doable, what is possible. It is so important when we're communicating big ideas -- but especially a big spiritual idea like compassion -- to root it as we present it to others in space and time and flesh and blood -- the color and complexity of life.
Hindi ko tiyak na maipakikita ko sa inyo kung ano ang kamukha ng pakikibagay subalit maipakikita ko sa inyo kung ano ang kamukha ng pakikiramay -- sapagka't ito ay nakikita. Kapag nakikita natin ito, makikilala natin ito at binabago nito ang ating pagtingin sa bagay na maaring gawin, mga bagay na posible. Lubhang mahalaga na kapag nagsasabi tayo ng mga mga malalaking ideya -- lalo na ba't ang malaking espiritwal na ideya tulad ng pakikiramay -- na habang inuulat natin ito sa iba'y inuugat natin ito sa lugar, panahon at sa katawa't dugo -- ang kulay at gusot ng buhay.
And compassion does seek physicality. I first started to learn this most vividly from Matthew Sanford. And I don't imagine that you will realize this when you look at this photograph of him, but he's paraplegic. He's been paralyzed from the waist down since he was 13, in a car crash that killed his father and his sister. Matthew's legs don't work, and he'll never walk again, and -- and he does experience this as an "and" rather than a "but" -- and he experiences himself to be healed and whole. And as a teacher of yoga, he brings that experience to others across the spectrum of ability and disability, health, illness and aging. He says that he's just at an extreme end of the spectrum we're all on. He's doing some amazing work now with veterans coming back from Iraq and Afghanistan. And Matthew has made this remarkable observation that I'm just going to offer you and let it sit. I can't quite explain it, and he can't either. But he says that he has yet to experience someone who became more aware of their body, in all its frailty and its grace, without, at the same time, becoming more compassionate towards all of life.
Layon ng pakikiramay ang gawaing pisikal. Natutunan ko ito mula kay Matthew Sanford. Palagay ko'y hindi ninyo maiisip ito kung basta titingnan ninyo lamang itong litrato niya sapagkat hindi na siya nakakagalaw. Hindi na siya maaring gumalaw mula sa baywang pababa mula noong siya'y 13 gulang dahil sa isang banggaan ng kotse na ikinamatay ng kanyang ama at kapatid na babae. Hindi na mailakad ni Matthew ang kanyang mga paa, at hindi na siya muling makalalakad kailan man, at -- lagi niyang pinapamalas ang salitang "at" sa halip na "ngunit" -- at nararanasan niya ang kanyang sarili na pinagagaling at buong-buo. At bilang guro sa yoga, inilalahad niya ang karanasang iyon sa kaninuman: may kapansanan man o wala, sa malulusog, sa may sakit, at sa matatanda. Sinasabi niya na nagkataon lang na siya'y nasa dulo ng ating depinisyon tungkol sa buhay. Gumagawa siya ng mga kamangha-manghang bagay para sa mga beteranong galing Iraq at Afghanistan. Si Matthew ay may pambihirang obserbasyon na ikukuwento ko sa inyo. Hindi ko lubos na maipaliwanag ito, at maski na rin siya. Subalit sinasabi niya na hindi pa siya nakakakita ng tao na matapos matanto ang kahinaan ng kanyang katawa'y hindi rin naramdaman ang higit na pakikiramay sa iba.
Compassion also looks like this. This is Jean Vanier. Jean Vanier helped found the L'Arche communities, which you can now find all over the world, communities centered around life with people with mental disabilities -- mostly Down syndrome. The communities that Jean Vanier founded, like Jean Vanier himself, exude tenderness. "Tender" is another word I would love to spend some time resurrecting. We spend so much time in this culture being driven and aggressive, and I spend a lot of time being those things too. And compassion can also have those qualities. But again and again, lived compassion brings us back to the wisdom of tenderness. Jean Vanier says that his work, like the work of other people -- his great, beloved, late friend Mother Teresa -- is never in the first instance about changing the world; it's in the first instance about changing ourselves. He's says that what they do with L'Arche is not a solution, but a sign. Compassion is rarely a solution, but it is always a sign of a deeper reality, of deeper human possibilities.
Ito pa ang isang larawan ng pakikiramay: Siya si Jean Vanier. Itinatag ni Jean Vanier and L'Arche Communities, na matatagpuan niyo sa buong mundo, mga komunidad na binubuo ng mga taong may kapansanan sa utak -- at karamiha'y may Down syndrome. Ang komunidad na itinatag ni Jean Vanier, ay tulad niya, may lubos ang pagkamagiliw. "Magiliw" ay isang salita na nais kong bigyan pagpapahalaga. Sa kultura ngayon, maraming panahon ang ating ginugugol sa pagigiing agresibo at mapusok, at madalas ko rin ugali ito. Minsan ang pakikiramay ay nagiging agresibo din. Ngunit lagi tayong pinapaalalahanan na ang pakikiramay ay nakaugat sa pagiging magiliw. Sinasabi ni Jean Vanier na ang kanyang gawain, tulad ng gawain ng iba -- kanyang dakila't minamahal na kaibigan, na si Mother Teresa -- kailanman hindi hangad na baguhin ang mundo; sa katunayan, ito'y tungkol sa pagbabago ng ating mga sarili. Sinasabi niya na ang ginagawa nila sa L'Arche ay hindi isang solusyon, kundi isang palatandaan. Ang pakikiramay ay bihirang maging solusyon; ito'y paalala ng mas malalim na katotohanan, ng mas malalim na posibilidad para sa tao.
And compassion is unleashed in wider and wider circles by signs and stories, never by statistics and strategies. We need those things too, but we're also bumping up against their limits. And at the same time that we are doing that, I think we are rediscovering the power of story -- that as human beings, we need stories to survive, to flourish, to change. Our traditions have always known this, and that is why they have always cultivated stories at their heart and carried them forward in time for us. There is, of course, a story behind the key moral longing and commandment of Judaism to repair the world -- tikkun olam.
Naisisiwalat ang pakikiramay sa mas maraming tao sa pamamagitan ng mga paalala at kwento, at hindi sa statistika at estratehiya. Kailangan din natin ang mga bagay na iyon, ngunit madalas tayong nagkukulang. At samantalang ginagawa natin ito, sa tingin ko ay muli nating natutuklasan ang bisa ng istorya -- na bilang mga tao, kinakailangan natin ang mga kwento upang manatiling buhay, upang lumusog, upang magbago. Laman ito ng ating mga tradisyon, at dahil dito, nakaugat na ang mga kwento sa ating lahi at nakarating sa panahon ngayon. Sa katuna'y may isang istorya hinggil sa pangunahing mithiin at batas ng Judaism na gawing tuwid ang kamunduhan -- ang tikkun olam.
And I'll never forget hearing that story from Dr. Rachel Naomi Remen, who told it to me as her grandfather told it to her, that in the beginning of the Creation something happened and the original light of the universe was shattered into countless pieces. It lodged as shards inside every aspect of the Creation. And that the highest human calling is to look for this light, to point at it when we see it, to gather it up, and in so doing, to repair the world. Now this might sound like a fanciful tale. Some of my fellow journalists might interpret it that way. Rachel Naomi Remen says this is an important and empowering story for our time, because this story insists that each and every one of us, frail and flawed as we may be, inadequate as we may feel, has exactly what's needed to help repair the part of the world that we can see and touch.
Hindi ko malilimutan ang istoryang ito na narinig ko mula kay Dr. Rachel Naomi Remen, na nagmula pa sa kanyang lolo, tungkol sa mga pangyayari noong unang araw ng Paglikha: ang pinakaunang liwanag ng santinakpan ay nadurog sa di mabilang na mga piraso. Iyon ay bumaon na animo'y mga bubog sa bawat anyo ng Nilikha. At ang pinakamataas na layunin ng tao ay hanapin ang liwanag na ito, at matapos matuklasa'y ituro ito, pulutin ito, at sa ganoong paraa'y maisasayos ang mundo. Maari mong isiping isa itong napakamalikhaing kuwento. Marahil ganito rin ang pananaw ng ilan sa aking kapwa-mamahayag. Sinasabi ni Rachel Naomi Remen na ito ay isang kwento na mahalaga at mabisa para sa ating panahon, sapagka't ang kwentong ito'y may binibigyan-diin: na ganoon ma't bawat isa sa atin ay maaaring may kahinaan at kapintasan, at maaring sa pakiwari'y may kakulangan, ito mismo ang kailangan upang makatulong tayo sa maliit na bahagi ng mundo na ating nakikita at nadadama.
Stories like this, signs like this, are practical tools in a world longing to bring compassion to abundant images of suffering that can otherwise overwhelm us. Rachel Naomi Remen is actually bringing compassion back to its rightful place alongside science in her field of medicine in the training of new doctors. And this trend of what Rachel Naomi Remen is doing, how these kinds of virtues are finding a place in the vocabulary of medicine -- the work Fred Luskin is doing -- I think this is one of the most fascinating developments of the 21st century -- that science, in fact, is taking a virtue like compassion definitively out of the realm of idealism. This is going to change science, I believe, and it will change religion.
Ang mga kwentong tulad nito, ang mga paalala tulad nito ay mga praktikal na paraaan sa mundong nagmimithing maghatid ng pakikiramay sa napakaraming paghihirap na maaring gumupo sa atin. Sa katunayan, ibinabalik ni Rachel Naomi Remen ang pakikiramay sa dati nitong lugar kaagapay ng agham sa kanyang larangan ng medisina sa paghubog ng mga bagong doktor. Itong kalakaran ng mga ginagawa ni Rachel Naomi, itong paglalagay ng iba't-ibang kagandahang-asal sa bokabularyo ng medisina -- ang mga ginagawa ni Fred Luskin -- sa aking palagay, ay isa sa mga bukod-tanging pag-unlad ng ika-21 siglo -- na hinugot ng siyensa ang isang birtud tulad ng pakikiramay mula sa larangan ng idiyalismo. Sa aking paniniwala, babaguhin nito ang agham, at babaguhin nito ang relihiyon.
But here's a face from 20th century science that might surprise you in a discussion about compassion. We all know about the Albert Einstein who came up with E = mc2. We don't hear so much about the Einstein who invited the African American opera singer, Marian Anderson, to stay in his home when she came to sing in Princeton because the best hotel there was segregated and wouldn't have her. We don't hear about the Einstein who used his celebrity to advocate for political prisoners in Europe or the Scottsboro boys in the American South.
Subalit may isang tao mula sa siyensa ng ika-20 siglo na maaaring ikagulat niyo ukol sa ating diskuyson hinggil sa pakikiramay. Alam nating lahat ang tungkol kay Albert Eistein na binuo ang E=mc2. Marahil hindi natin alam ang tungkol sa pag-iimbita ni Einstein kay Marian Anderson, isang African-American na opera singer, na tumira sa kanyang bahay nang siya'y dumating upang kumanta sa Princeton dahil ang pinakamagandang hotel noon ay segregated at bawal siya doon. Marahil hindi natin alam na ginamit ni Einstein ang kanyang pagiging sikat upang ipagtanggol ang mga nabilanggo sa Europe dahil sa pulitika o ang mga kabataang Scottsboro sa Katimugan.
Einstein believed deeply that science should transcend national and ethnic divisions. But he watched physicists and chemists become the purveyors of weapons of mass destruction in the early 20th century. He once said that science in his generation had become like a razor blade in the hands of a three-year-old. And Einstein foresaw that as we grow more modern and technologically advanced, we need the virtues our traditions carry forward in time more, not less. He liked to talk about the spiritual geniuses of the ages. Some of his favorites were Moses, Jesus, Buddha, St. Francis of Assisi, Gandhi -- he adored his contemporary, Gandhi. And Einstein said -- and I think this is a quote, again, that has not been passed down in his legacy -- that "these kinds of people are geniuses in the art of living, more necessary to the dignity, security and joy of humanity than the discoverers of objective knowledge."
Matindi ang paniniwala ni Einstein na higit pa sa pagkakaibang nasiyonal at etnikal ang layunin ng agham. Subalit kasama din niya ang mga physicists at chemists na naging susi ng paggawa ng armas ng mass destruction sa pagpasok ng ika-20 siglo. Minsa'y sinabi niya na ang agham noon ay tulad ng isang labaha sa kamay ng tatlong taong gulang. At nakinita ni Einstein na habang tayo'y nagiging mas moderno at umuunlad sa teknolohiya, kakailanganin natin ang kagandahaang-asal na hatid ng ating mga tradisyon ng mas madalas pa. Lagi din niyang nababanggit ang mga genius na pang-ispiritwal. Ilan sa kanyang mga paborito'y sina Moses, Hesus, Buddha, St. Francis of Assisi, Gandhi -- gustong-gusto niya si Gandhi, na kapanahunan niya. At sinabi ni Einstein -- sa tingin ko ito ay isang kataga, na hindi madalas iugnay sa kanya -- na "ang mga taong ito ay genius sa paraan ng pamumuhay, sila'y mas kailangan sa ikararangal, ikatitiwasay at ikaliligaya ng tao higit sa mga manunuklas ng karunungan."
Now invoking Einstein might not seem the best way to bring compassion down to earth and make it seem accessible to all the rest of us, but actually it is. I want to show you the rest of this photograph, because this photograph is analogous to what we do to the word "compassion" in our culture -- we clean it up and we diminish its depths and its grounding in life, which is messy. So in this photograph you see a mind looking out a window at what might be a cathedral -- it's not. This is the full photograph, and you see a middle-aged man wearing a leather jacket, smoking a cigar. And by the look of that paunch, he hasn't been doing enough yoga. We put these two photographs side-by-side on our website, and someone said, "When I look at the first photo, I ask myself, what was he thinking? And when I look at the second, I ask, what kind of person was he? What kind of man is this?"
Marahil, ang pagbanggit kay Einsten ay hindi ang pinakamainam na paraan upang ibalik sa mundo ang pakikiramay at gawin itong kaugalian bawat isa sa atin, ngunit, sa katunayan, ay pwede din naman. Nais kong ipakita sa inyo ang litratong ito, sapagkat ang litratong ito ay kawangis ng katagang "pakikiramay" sa ating kultura -- nililinis natin ito binabawasan natin ang mga lalim at sandigan nito sa buhay na magusot. Kaya, sa litratong ito makikita ninyo na mula sa bintana ay may minamasdan na tila baga isang katedral -- mali. Ito ang buong litrato, isang lalaking nakasuot ng leather jacket, hawak ang isang tabako. Sa hugis lamang ng malaking tiyang iyan, ay hindi sapat ang kanyang pag-yoyoga. Pinagtabi namin ang dalawang litratong ito sa aming website, at may nagsabi, "Kapag tinitingnan ko ang unang litrato, tinatanong ko ang aking sarili: Ano kaya ang iniisip niya? At kapag tinitingnan ko naman ang ikalawang litrato, tinatanong ko: Anong klaseng tao siya? Anong klaseng lalaki ito?"
Well, he was complicated. He was incredibly compassionate in some of his relationships and terribly inadequate in others. And it is much harder, often, to be compassionate towards those closest to us, which is another quality in the universe of compassion, on its dark side, that also deserves our serious attention and illumination. Gandhi, too, was a real flawed human being. So was Martin Luther King, Jr. So was Dorothy Day. So was Mother Teresa. So are we all. And I want to say that it is a liberating thing to realize that that is no obstacle to compassion -- following on what Fred Luskin says -- that these flaws just make us human.
Sa katunayan, komplikado siya: Labis ang kanyang pakikiramay sa ilan niyang mga kasamahan, ngunit kulang na kulang naman sa iba. Madalas nga naman na madamayin tayo sa mga taong pinakamalapit sa atin, dahil ganito ang isang mukha ng pakikiramay, na hindi kanais-nais, na marapat bigyan ng ating atensiyon at liwanag. Si Gandhi man ay isang taong may kapintasan. Gayon din si Martin Luther King Jr. Gayon din si Dorothy Day. Gayon din si Mother Teresa. Gayon din tayong lahat. At ang gusto kong sabihi'y nakakaluwag ng damdamin na matanto na ang kapintasan ay hindi hadlang sa pakikiramay -- ayon nga sa sinabi ni Fred Luskin -- ang mga kapintasang ito ang bumubuo sa ating pagkatao.
Our culture is obsessed with perfection and with hiding problems. But what a liberating thing to realize that our problems, in fact, are probably our richest sources for rising to this ultimate virtue of compassion, towards bringing compassion towards the suffering and joys of others. Rachel Naomi Remen is a better doctor because of her life-long struggle with Crohn's disease. Einstein became a humanitarian, not because of his exquisite knowledge of space and time and matter, but because he was a Jew as Germany grew fascist. And Karen Armstrong, I think you would also say that it was some of your very wounding experiences in a religious life that, with a zigzag, have led to the Charter for Compassion. Compassion can't be reduced to sainthood any more than it can be reduced to pity.
Walang inaatupag ang ating lahi kundi ang pagiging perpekto at ang pagtatago ng mga suliranin. Subalit, nakakaluwag sa damdaming malaman na sa katunayan, ang mga problemang ito ang magsisilbing pinakamasaganang bukal ng pagdadamayan at pakikiramay: ang pagdulot ng kagandahang-asal sa mga bawat nagdurusa at nagsasaya. Si Rachel Naomi Remen ay naging mas mabuting doktor dahil sa kanyang dinadalang Crohn's disease. Naging makatao si Einstein, hindi dahil sa kaniyang pambihirang karunungan sa aspetong materyal, panahon, at lugar, ngunit dahil siya ay isang Hudyo sa panahong naging malupit ang Alemanya. At kay Karen Armstrong, sa tingin ko na ilan sa iyong mapapait na karanasan sa buhay pananampalataya, na wari'y palihis, ang nag-akay sa iyo tungo sa Charter for Compassion. Ang pakikiramay ay hindi tulad ng kabanalan at lalong hindi katumbas ng pagkamaawain.
So I want to propose a final definition of compassion -- this is Einstein with Paul Robeson by the way -- and that would be for us to call compassion a spiritual technology. Now our traditions contain vast wisdom about this, and we need them to mine it for us now. But compassion is also equally at home in the secular as in the religious.
Kaya, nais kong imungkahi ang huling kahulugan ng pakikiramay -- na hango kay Einstein at Paul Robeson -- na ang pakikiramay ay isang "teknolohiyang ispiritwal". Ngayon, ang ating mga tradisyon ay naglalaman ng malawig na karunungan hinggil dito, at marapat lamang na hukayin natin ito ngayon. Ang pakikiramay ay magkatulad sa aspetong sekular o relihisoyo man.
So I will paraphrase Einstein in closing and say that humanity, the future of humanity, needs this technology as much as it needs all the others that have now connected us and set before us the terrifying and wondrous possibility of actually becoming one human race.
Kaya't isasalin ko ang sinabi ni Einstein na kailangan ng sangkatauhan, at ng kinabukasan ng sangkatauhan, ang ganitong teknolohiya gaya ng pangangailan natin sa ibang mga bagay na nag-uugnay sa ating lahat at nagpapaalala sa atin ang nakatatakot subalit kahanga-hangang posibilidad na tayo ay iisang lahi ng sangkatauhan.
Thank you.
Salamat.
(Applause)
(Palakpakan)