This is the exact moment that I started creating something called Tinkering School.
Ito ang mismong pangyayari nang naisip kong lumikha ng tinatawag na Tinkering School.
Tinkering School is a place where kids can pick up sticks and hammers and other dangerous objects, and be trusted. Trusted not to hurt themselves, and trusted not to hurt others. Tinkering School doesn't follow a set curriculum, and there are no tests. We're not trying to teach anybody any specific thing.
Ang Tinkering School ay isang lugar kung saan ang mga bata ay maaaring gumamit ng tingting na kahoy at martilyo at iba pang mapanganib na bagay, at mapagkatiwalaan. Pinagkakatiwalaan na hindi sasaktan ang sarili, at pinagkakatiwalaang hindi makakasakit ng iba. Walang sinusundang curriculum ang Tinkering School, at walang mga pagsusulit. Wala kaming sinusubukang ituro na anumang partikular na bagay.
When the kids arrive they're confronted with lots of stuff: wood and nails and rope and wheels, and lots of tools, real tools. It's a six-day immersive experience for the kids. And within that context, we can offer the kids time -- something that seems in short supply in their over-scheduled lives. Our goal is to ensure that they leave with a better sense of how to make things than when they arrived, and the deep internal realization that you can figure things out by fooling around.
Pagdating ng mga bata nakatambad ang iba't ibang klase ng kagamitan: mga kahoy at pako at lubid at gulong, at maraming kasangkapan, mga totoong kagamitan. Ito ay isang karanasan para sa mga bata sa loob ng anim na araw. Sa ganitong paraan, nabibigyan namin ang mga bata ng panahon -- isang bagay na tila kulang na ngayon dahil sa dami ng kanilang gawain. Layunin namin na sa pag-alis nila lumawak ang kanilang pag-unawa sa paggawa higit pa sa noong sila'y unang dumating, at ang pagtanto na may kaalamang nakukuha sa pamamagitan ng pagkalikot.
Nothing ever turns out as planned ... ever. (Laughter) And the kids soon learn that all projects go awry -- (Laughter) and become at ease with the idea that every step in a project is a step closer to sweet success, or gleeful calamity. We start from doodles and sketches. And sometimes we make real plans. And sometimes we just start building. Building is at the heart of the experience: hands on, deeply immersed and fully committed to the problem at hand. Robin and I, acting as collaborators, keep the landscape of the projects tilted towards completion. Success is in the doing, and failures are celebrated and analyzed. Problems become puzzles and obstacles disappear.
Gayunman ... walang bagay na natutupad ayon sa napagplanuhan. (Tawanan) At maaga nilang natututunan na lahat ng proyekto ay nabubulilyaso -- (Tawanan) at madaling nilang natatanggap na bawat hakbang sa isang proyekto ay hakbang tungo sa matamis na tagumpay, o sa nakakatuwang kasawiangpalad. Nagsisimula kami mula sa mga doodles at pagguhit. At minsan gumagawa kami ng totoong disenyo. At minsan agad kaming nagbubuo. Ang paggawa ay nasa puso ng karanasang ito: gawa ng sariling kamay, at ganap na nakatutok sa napiling suliranin. Kami ni Robin, bilang katuwang at katulong, sinisiguro namin na ang direksyon ng mga proyekto ay upang matapos ito. Ang tagumpay ay nasa paggawa, at ang pagkabigo ay pinagdiriwang at sinisiyasat. Ang mga suliranin ay nagiging palaisipan at nawawala ang mga balakid.
When faced with particularly difficult setbacks or complexities, a really interesting behavior emerges: decoration. (Laughter) Decoration of the unfinished project is a kind of conceptual incubation. From these interludes come deep insights and amazing new approaches to solving the problems that had them frustrated just moments before.
Kapag nahaharap sa matinding dagok o sa masalimuot na balakid, isang nakakatuwang ugali ang kusang lumalabas: paglalagay ng dekorasyon. (Tawanan) Ang pagpapalamuti sa proyektong hindi natapos ay gaya ng isang limliman ng mga konsepto. Sa paghinto nagmumula ang mga bagong pananaw at kahanga-hangang pamamaraan sa paglutas ng mga suliranin na dati'y humahadlang sa kanila.
All materials are available for use. Even those mundane, hateful, plastic grocery bags can become a bridge stronger than anyone imagined. And the things that they build amaze even themselves.
Lahat ng materyales ay maaring gamitin. Kahit pa ang mga nakamumuhing plastik pang-grocery ay maaaring maging isang tulay na mas malakas pa kaysa sa inakala. At kahit sila mismo ay napapahanga sa mga bagay na binuo nila.
Video: Three, two, one, go!
Bidyo: Tatlo, dalawa, isa, go!
Gever Tulley: A rollercoaster built by seven-year-olds.
Gever Tulley: Isang rollercoaster na binuo ng mga batang pitong-taon gulang.
Video: Yay! (Applause)
Bidyo: Yay! (Palakpakan)
GT: Thank you. It's been a great pleasure. (Applause)
GT: Salamat. Ako'y tunay na nagagalak. (Palakpakan)