Everyone, please think of your biggest personal goal. For real -- you can take a second. You've got to feel this to learn it. Take a few seconds and think of your personal biggest goal, okay? Imagine deciding right now that you're going to do it. Imagine telling someone that you meet today what you're going to do. Imagine their congratulations, and their high image of you. Doesn't it feel good to say it out loud? Don't you feel one step closer already, like it's already becoming part of your identity?
Inaanyayahan ko kayong lumahok at mag-isip ng pinakaninanais mo sa buhay. Kahit saglit lang. 'Yong totoo at tunay mong nais, para mas lalo mong maintindihan ito. Isipin natin ng mabuti ang bagay na 'yon, okey? Isiping nagdesisyon ka ngayon mismo na gagawin mo ito. Isiping sinasabi mo ito sa taong nakilala mo lang ngayon. Ngayon, isipin mo na binabati ka niya at ang magandang pagtingin niya dahil dito. Hindi nga ba't masarap sa pakiramdam? Malapit mo nang matupad ang mga layunin mo, tama?, na para bang inaangkin mo na iyon?
Well, bad news: you should have kept your mouth shut, because that good feeling now will make you less likely to do it. The repeated psychology tests have proven that telling someone your goal makes it less likely to happen. Any time you have a goal, there are some steps that need to be done, some work that needs to be done in order to achieve it. Ideally you would not be satisfied until you'd actually done the work. But when you tell someone your goal and they acknowledge it, psychologists have found that it's called a "social reality." The mind is kind of tricked into feeling that it's already done. And then because you've felt that satisfaction, you're less motivated to do the actual hard work necessary.
Masamang balita: hindi mo na dapat binukas ang bibig mo, at dahil sa magandang pakiramdam mo, mas malamang na hindi mo na magagawa ang bagay na iyon. Ayon sa mga pananaliksik sa sikolohiya, mas malabong mangyari ang mga bagay na nais mo kapag ikinuwento mo sa ibang tao. Sa bawat layunin mo, may ilang mga hakbang na kailangang gawin, ilang bagay na kailangang gawin upang makamit ito. Hindi ka dapat nasisiyahan hangga't hindi mo pa ito natatapos. Ngunit kapag sinabi mo sa ibang tao ang mga nais mo, at sumang-ayon sila sa 'yo, ito ang tinatawag ng mga sikologo na "social reality". Nalilinlang ang utak natin na waring nakamit na natin ang bagay na 'yon. Dahil d'yan, gumaganda ang pakiramdam natin, nababawasan ang pagkagusto natin
(Laughter)
na pagtrabahuan ito lalo na kung mahirap ang trabaho. (Tawanan)
So this goes against conventional wisdom that we should tell our friends our goals, right? So they hold us to it.
Taliwas ito sa nakaugalian natin na dapat kinukwento natin sa ating mga kaibigan, tama? -- na para bang nakatali tayo doon.
So, let's look at the proof. 1926: Kurt Lewin, founder of social psychology, called this "substitution." 1933: Wera Mahler found when it was acknowledged by others, it felt real in the mind. 1982, Peter Gollwitzer wrote a whole book about this, and in 2009, he did some new tests that were published.
Tingnan natin ang ilang patunay. 1926, Kurt Lewin, ang nagtatag ng panlipunang sikolohiya, tinawag niya itong "substitution." 1933, sabi ni Vera Mahler, aakalain ng utak natin na tunay ang isang bagay kung sumasang-ayon ang ibang tao. 1982, nakapagsulat ng libro si Peter Gollwitzer tungkol dito, at noong 2009, nailathala ang mga bagong pananaliksik niya.
It goes like this: 163 people across four separate tests. Everyone wrote down their personal goal. Then half of them announced their commitment to this goal to the room, and half didn't. Then everyone was given 45 minutes of work that would directly lead them towards their goal, but they were told that they could stop at any time. Now, those who kept their mouths shut worked the entire 45 minutes on average, and when asked afterward, said that they felt that they had a long way to go still to achieve their goal. But those who had announced it quit after only 33 minutes, on average, and when asked afterward, said that they felt much closer to achieving their goal.
Ganito 'yon: may 163 katao sa apat na magkahiwalay na pangkat -- lahat ay nagsulat ng kanilang personal na layunin. Ang kalahati sa kanila, ibinalita sa lahat ang kanilang sinulat, samantalang tahimik lang ang natitirang kalahati. Binigyan silang lahat ng 45 minuto upang trabahuin at matupad ang sinulat nila sa papel, at malaya silang tumigil sa trabaho ng anumang oras. 'Yong mga taong hindi inanunsyo ang kanilang sinulat nagtrabaho sila ng humigit-kumulang 45 minuto, at nang tinanong sila, pakiramdam nila, malayo pa raw bago nila makamit ang kanilang layunin. 'Yung mga nagsalita naman tumigil sila matapos lang ang 33 minuto, at nang tinanong, pakiramdam nila, malapit na nilang matupad ang layunin.
So if this is true, what can we do? Well, you could resist the temptation to announce your goal. You can delay the gratification that the social acknowledgment brings, and you can understand that your mind mistakes the talking for the doing. But if you do need to talk about something, you can state it in a way that gives you no satisfaction, such as, "I really want to run this marathon, so I need to train five times a week and kick my ass if I don't, okay?"
Kaya, kung totoo nga ito, ano ang pwede nating gawin? Maaari nating labanan ang tukso na ikuwento ang mga nais natin. Maaari nating ipagpaliban muna ang kasiyahang dulot ng pagsang-ayon ng iba. Unawain nating nagkakamali din ang utak sa pag-aakalang tapos na ang trabaho. Kung gusto talaga natin ikuwento ang isang bagay, maaring nating gawin ito na walang halong yabang, gaya ng, "gusto ko talagang sumali sa marathon, kaya kailangan kong mag-ensayo ng limang beses sa isang linggo, at kung hindi ko gagawin 'yon, sipain mo ako, okay?"
So audience, next time you're tempted to tell someone your goal, what will you say?
Kaya sa susunod na naisip mong ikuwento ang iyong mga nais sa buhay, ano ang sasabihin mo? (Katahimikan)
(Silence)
Mismo. Mahusay.
Exactly! Well done.
(Laughter)
(Applause)
(Palakpakan)