Hello. My name is Birke Baehr, and I'm 11 years old. I came here today to talk about what's wrong with our food system. First of all, I would like to say that I'm really amazed at how easily kids are led to believe all the marketing and advertising on TV, at public schools and pretty much everywhere else you look. It seems to me like corporations are always trying to get kids, like me, to get their parents to buy stuff that really isn't good for us or the planet. Little kids, especially, are attracted by colorful packaging and plastic toys. I must admit, I used to be one of them. I also used to think that all of our food came from these happy, little farms where pigs rolled in mud and cows grazed on grass all day.
Hello. Ako po si Birke Baehr, 11-taong gulang. Andito ako upang talakayin ang mga problema sa sistema ng produksyon ng pagkain. Una sa lahat, nais kong sabihin na ako'y namamangha kung paano tayo napapaniwala ng mga pinapatalastas sa telebisyon at pampublikong paaralan at kahit saan ka man lumingon. Mukha yatang nais ng mga korporasyon na impluwensyahan ang mga batang katulad ko na pilitin ang aming mga magulang na bumili ng mga bagay na hindi nakabubuti para sa amin o sa ating planeta. Lalo na sa mga bata, na naaakit sa makukulay na bagay at mga laruang gawa sa plastik. Dapat kong aminin na ganoon din ako noon. Naisip ko din na ang lahat ng pagkain ay nagmumula sa malulusog at masasayang sakahan kung saan ang mga baboy ay naglalaro sa putik at ang mga baka ay kumakain ng damo buong araw.
What I discovered was this is not true. I began to look into this stuff on the Internet, in books and in documentary films, in my travels with my family. I discovered the dark side of the industrialized food system. First, there's genetically engineered seeds and organisms. That is when a seed is manipulated in a laboratory to do something not intended by nature -- like taking the DNA of a fish and putting it into the DNA of a tomato. Yuck. Don't get me wrong, I like fish and tomatoes, but this is just creepy. (Laughter) The seeds are then planted, then grown. The food they produce have been proven to cause cancer and other problems in lab animals, and people have been eating food produced this way since the 1990s. And most folks don't even know they exist. Did you know rats that ate genetically engineered corn had developed signs of liver and kidney toxicity? These include kidney inflammation and lesions and increased kidney weight. Yet almost all the corn we eat has been altered genetically in some way. And let me tell you, corn is in everything. And don't even get me started on the Confined Animal Feeding Operations called CAFOS.
Natuklasan ko na hindi ito totoo. Nagsimula akong magsiyasat sa internet, mga libro at dokumentaryo, sa aking paglalakbay kasama ang aking pamilya. Natuklasan ko ang madilim na bahagi ng industriya ng produksyon ng pagkain. Una, ang artipisyal na paglikha ng mga buto at organismo. Kung saan ang mga buto ay hindi natural na ginagawa sa mga laboratoryo upang magbunga ng mga bagay na hindi natural -- tulad ng pagkuha ng DNA ng isda at ilagay ito sa DNA ng kamatis. Nakakapangdiri. Hindi naman sa ayaw ko ng isda at kamatis, ngunit ito ay sadyang nakakapangilabot. (Tawanan) Pagkatapos, ang mga buto ay itinatanim at nagkakabunga. Ang mga produkto nito ay napatunayan nang nagdudulot ng sakit na kanser at iba pang karamdaman sa mga hayop sa laboratoryo, at kinakain na ng mga tao ang mga produktong ito mula pa noong 1990s. Karamihan sa atin ay walang malay na may ganitong isyu. Alam niyo ba na may mga dagang kumain ng artipisyal na mais at napatunayang nagkasakit sa atay at bato? Nagkaroon sila ng pamamaga, pagsusugat, at paglaki ng kanilang bato. Subalit halos lahat ng mais na ating kinakain ay dumaan sa artipisyal na proseso. Higit pa doon, ang mais ay sangkap sa maraming bagay. Dapat pa bang banggitin ang mga sakahan na may ka lunos-lunos na kalagayan, ang tinatawag nilang CAFOS (Confined Animal Feeding Operations).
(Laughter)
(Tawanan)
Conventional farmers use chemical fertilizers made from fossil fuels that they mix with the dirt to make plants grow. They do this because they've stripped the soil from all nutrients from growing the same crop over and over again. Next, more harmful chemicals are sprayed on fruits and vegetables, like pesticides and herbicides, to kill weeds and bugs. When it rains, these chemicals seep into the ground, or run off into our waterways, poisoning our water too. Then they irradiate our food, trying to make it last longer, so it can travel thousands of miles from where it's grown to the supermarkets.
Gamit ng mga modernong magsasaka ang mga kemikal mula sa fossil fuels at inihahalo sa lupa upang tumubo ang mga halaman. Ginagawa nila ito dahil naubos na ang sustansya sa lupa dahil sa paulit-ulit na pagtatanim. Sunod ay ginagamitan nila ng kemikal ang mga prutas at gulay, tulad ng pesticides at herbicides, upang tanggalin ang mga masamang dahon at peste. Sa tuwing umuulan, ang mga kemikal na ito ay nanunuot sa lupa, at nahahalo sa mga katubigan, at nilalason ang ating tubig. Sunod ay ginagamitan nila ng radiation ang pagkain para humaba pa ang buhay nito, at nang maibiyahe pa nila ito ng milya-milya at dinadala sa mga pamilihan.
So I ask myself, how can I change? How can I change these things? This is what I found out. I discovered that there's a movement for a better way. Now a while back, I wanted to be an NFL football player. I decided that I'd rather be an organic farmer instead. (Applause) Thank you. And that way I can have a greater impact on the world. This man, Joel Salatin, they call him a lunatic farmer because he grows against the system. Since I'm home-schooled, I went to go hear him speak one day. This man, this "lunatic farmer," doesn't use any pesticides, herbicides, or genetically modified seeds. And so for that, he's called crazy by the system.
Natanong ko rin ang aking sarili, paano ako magbabago? Paano ko mababago ang mga ganitong bagay? Ito ang aking natuklasan. Nadiskubre ko na may kilusan tungo sa mas maayos na pamamaraan. Parang kailan lang ay ninais kong maglaro sa NFL. Sa halip, nagpasya akong maging magsasaka sa natural na pamamaraan. (Palakpakan) Salamat. Sa gayong paraan, mas magiging kapaki-pakinabang ako. Si Joel Salatin, kinukutya siyang isang baliw na magsasaka, dahil hindi siya nagpapadala sa sistema. Dahil ako ay home-schooled, nais ko siyang marinig balang araw. Ang lalaking ito, "ang baliw na magsasaka," na hindi gumagamit ng mga kemikal na pesticides, herbicides, o mga artipisyal na buto. At dahil doon, siya ay nabansagang "baliw".
I want you to know that we can all make a difference by making different choices, by buying our food directly from local farmers, or our neighbors who we know in real life. Some people say organic or local food is more expensive, but is it really? With all these things I've been learning about the food system, it seems to me that we can either pay the farmer, or we can pay the hospital. (Applause) Now I know definitely which one I would choose. I want you to know that there are farms out there -- like Bill Keener in Sequatchie Cove Farm in Tennessee -- whose cows do eat grass and whose pigs do roll in the mud, just like I thought. Sometimes I go to Bill's farm and volunteer, so I can see up close and personal where the meat I eat comes from. I want you to know that I believe kids will eat fresh vegetables and good food if they know more about it and where it really comes from. I want you to know that there are farmers' markets in every community popping up. I want you to know that me, my brother and sister actually like eating baked kale chips. I try to share this everywhere I go.
Nais kong sabihin na kaya nating lahat na gumawa ng pagbabago sa pamamagitan ng mahusay na pagpili, gaya ng pagbili ng ating pagkain diretso sa mga nakalalapit na magsasaka o sa ating mga kapitbahay. May mga taong nagsasabi na ang natural at lokal na mga produkto ay mas mahal, pero totoo nga ba? Sa lahat ng mga bagay na aking natutunan tungkol sa sistema ng produksyon ng pagkain, 2 bagay lang ang ating pinagpipilian: ang bayaran ang magsasaka, o bayaran ang ospital. (Palakpakan) Ngayon alam ko na ang aking pipiliin. Nais kong malaman ninyo na mayroong mga sakahan -- tulad ng kay Bill Keener sa Sequatchie Cove Farm sa Tennessee -- kung saan ang kanyang mga baka ay kumakain ng damo at ang kanyang mga baboy na naglalaro sa putik, gaya ng inisip ko dati. Minsan, ay nagpupunta ako sa sakahan ni Bill upang tumulong, at makita ko sa personal at malapitan kung saan galing ang kinakain kong karne. Naniniwala ako na kakain ang mga bata ng mas sariwang gulay at mas masustansiyang pagkain kung alam nila kung saan ito nagmumula. Marami ng mga palengke ang nagsusulputan sa bawat komunidad. Nais kong malaman ninyo na mahilig ako at ang aking mga kapatid ng masustansyang baked kale chips. Ibinabahagi ko ito saan man ako magpunta.
Not too long ago, my uncle said that he offered my six-year-old cousin cereal. He asked him if he wanted organic Toasted O's or the sugarcoated flakes -- you know, the one with the big striped cartoon character on the front. My little cousin told his dad that he would rather have the organic Toasted O's cereal because Birke said he shouldn't eat sparkly cereal. And that, my friends, is how we can make a difference one kid at a time.
Kamakailan lang, ikinuwento ng tiyuhin ko na binigyan niya ng cereal ang 6 na taong gulang kong pinsan. Tinanong niya kung gusto nito ng natural at organic na Toasted O's o ang sugarcoated na flakes -- yung mga nakakahon na may cartoon character sa harap. Sabi ng aking pinsan sa tatay niya na mas pipiliin nito ang organic Toasted O's cereal kasi daw sabi ni Birke na hindi siya dapat kumain ng makikintab na cereal. At ganoon nga, mga kaibigan ang paraan upang tayo ay maglikha ng pagbabago isang bata bawat pagkakataon.
So next time you're at the grocery store, think local, choose organic, know your farmer and know your food. Thank you.
Sa susunod na ikaw ay patungo sa pamilihan, isipin ang produktong lokal, piliin ang natural, magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa iyong magsasaka at sa produksyon ng pagkain. Salamat.
(Applause)
(Palakpakan)