Two years ago, I was invited as an artist to participate in an exhibition commemorating 100 years of Islamic art in Europe. The curator had only one condition: I had to use the Arabic script for my artwork. Now, as an artist, a woman, an Arab, or a human being living in the world in 2010, I only had one thing to say: I wanted to say no. And in Arabic, to say "no," we say "no, and a thousand times no."
May dalawang taon na ang nakaraan, inimbita ako bilang isang alagad ng sining upang sumali sa isang pagtatampok na nagbibigay alaala sa ika-100 taon ng Islamikong Sining sa Europa. Ang tagapamahala ay nagbigay ng kondisyon na Arabeng pamaraan ng pagsulat ang aking gagamitin sa aking obra. Ngayon, bilang isang alagad ng sining, bilang isang babae, bilang Arabe o taong nabubuhay sa mundo sa taong 2010 may isang bagay lamang akong sinabi: Gusto ko sanang tanggihan. at sa Arabe , ang pagsabi ng "hindi,"ay nagpapahiwatig na "hindi at makailang libong hindi."
So I decided to look for a thousand different noes. on everything ever produced under Islamic or Arab patronage in the past 1,400 years, from Spain to the borders of China. I collected my findings in a book, placed them chronologically, stating the name, the patron, the medium and the date. Now, the book sat on a small shelf next to the installation, which stood three by seven meters, in Munich, Germany, in September of 2010.
Kaya nagpasya akong humanap ng isang libong mga kadahilanan sa lahat ng mga obrang nagawa sa ilalim ng Islamiko o Arabeng pagtangkilik sa nakaraang 1,400 na taon, mula Espanya hanggang sa mga hangganan ng Tsina. Isinulat ko ang aking mga natuklasan sa isang aklat pinagkasunod-sunod ko sila, binanggit ang pangalan, ang tagagawa, ang gamit na medyum at ang petsa. Ngayon, ang aklat ay nakalagay sa estante katabi ang mga debuho na may taas na tatlo at haba na pitong metro, sa Munich , Germany, noong Setyembre ng 2010.
Now, in January, 2011, the revolution started, and life stopped for 18 days, and on the 12th of February, we naively celebrated on the streets of Cairo, believing that the revolution had succeeded.
Ngayon, ng Enero, 2011, ang rebolusyun ay nagsimula at ang buhay ay tumigil ng 18 na araw, at nang ika-12 araw ng Pebrero tahimik naming ipinagdiwang sa lansangan ng Cairo, sa paniniwalang ang rebolusyun ay nagtagumpay.
Nine months later I found myself spraying messages in Tahrir Square. The reason for this act was this image that I saw in my newsfeed. I did not feel that I could live in a city where people were being killed and thrown like garbage on the street. So I took one "no" off a tombstone from the Islamic Museum in Cairo, and I added a message to it: "no to military rule." And I started spraying that on the streets in Cairo. But that led to a series of no, coming out of the book like ammunition, and adding messages to them, and I started spraying them on the walls. So I'll be sharing some of these noes with you.
Siyam na buwan ang lumipas nahanap ko ang aking sariling nagkakalat ng mensahe sa Tahrir Square. Ang kadahilan ng gawaing ito ay ang imahe na nakita ko sa aking babasahin. Hindi ko masikmura na tumira sa isang siyudad na may mga taong pinapatay at tinatapon sa kalsada na parang basura. Kaya kinuha ko ang isang "hindi" mula sa isang lapida mula sa Islamikong Museyo sa Cairo, at idinagdag ko ang isang mensahe dito: "itigil na ang paghahari ng mga sundalo" at ikinalat ko ito sa mga lansangan ng Cairo. Ngunit ito'y humantong sa mga karagadagang "hindi", lumabas ito sa aklat tulad ng isang pasabog, at nagbigay kaalaman sa kanila, at ipininta ko it sa mga dingding. Kaya ibabahagi ko ang ilan sa mga "hindi" sa inyo.
No to a new Pharaoh, because whoever comes next should understand that we will never be ruled by another dictator.
Hindi na sa isang bagong Paraon, dahil kahit sino pang sumunod ay kailanangang maintindihan na kami ay hindi pamumunuan ng isa pang diktador.
No to violence: Ramy Essam came to Tahrir on the second day of the revolution, and he sat there with this guitar, singing. One month after Mubarak stepped down, this was his reward.
Hindi na sa karahasan: Si Ramy Essam ay dumating sa Tahrir noong ikalawang araw ng rebolusyon, at naupo dala ang kanyang gitara at umawit. Isang buwan ang nakalipas pagkatapos bumaba sa pwesto si Mubarak, iyon ang kanyang gantimpala.
No to blinding heroes. Ahmed Harara lost his right eye on the 28th of January, and he lost his left eye on the 19th of November, by two different snipers.
Hindi na sa pagbulag ng mga bayani. Si Ahmed Harara ay nawalan ng kanang mata noong ika-28 ng Enero, at ang kanyang kaliwang mata noong ika-19 nobyembre ng dahil sa dalawang magkaibang sniper.
No to killing, in this case no to killing men of religion, because Sheikh Ahmed Adina Refaat was shot on December 16th, during a demonstration, leaving behind three orphans and a widow.
Hindi na sa pagpatay, sa bahaging ito hindi sa pagpatay ng mga taong simbahan dahil si Sheikh Ahmed Adina Refaat ay binaril noong ika-16 ng Disyembre, sa isang kilos protesta na may iniwang tatlong anak at isang balo.
No to burning books. The Institute of Egypt was burned on December 17th, a huge cultural loss.
Hindi na sa pagsusunog ng aklat. Ang Institute of Egypt ay sinunog noong Disyembre 17, isang malaking kawalang pangkultura.
No to stripping the people, and the blue bra is to remind us of our shame as a nation when we allow a veiled woman to be stripped and beaten on the street, and the footprint reads, "Long live a peaceful revolution," because we will never retaliate with violence.
Hindi na sa pagpapahubad ng mga tao, at ang asul na bra ay nagpapaalala sa amin ng aming kahihiyan bilang isang bansa na nagpapahintulot na hubaran ang isang nakabandanang babae at bugbugin sa kalsada, at ang mga yapak ng ay mababasang "Mabuhay ang Mapayapang Rebolusyon," dahil hindi kami lalaban gamit ang karahasan.
No to barrier walls. On February 5th, concrete roadblocks were set up in Cairo to protect the Ministry of Defense from protesters.
Hindi na sa mga pumipigil na mga dingding. Noong ika-5 ng Pebrero, mga sementong harang ay inilagay sa Cairo upang maprotektahan ang Ministry of Defence sa mga nagkikilos protesta.
Now, speaking of walls, I want to share with you the story of one wall in Cairo. A group of artists decided to paint a life-size tank on a wall. It's one to one. In front of this tank there's a man on a bicycle with a breadbasket on his head. To any passerby, there's no problem with this visual. After acts of violence, another artist came, painted blood, protesters being run over by the tank, demonstrators, and a message that read, "Starting tomorrow, I wear the new face, the face of every martyr. I exist." Authority comes, paints the wall white, leaves the tank and adds a message: "Army and people, one hand. Egypt for Egyptians." Another artist comes, paints the head of the military as a monster eating a maiden in a river of blood in front of the tank. Authority comes, paints the wall white, leaves the tank, leaves the suit, and throws a bucket of black paint just to hide the face of the monster. So I come with my stencils, and I spray them on the suit, on the tank, and on the whole wall, and this is how it stands today until further notice. (Laughter)
Nabanggit din lang ang mga harang,gusto kong ibahagi sa inyo isang kwento sa isang harang sa Cairo. Isang grupo ng mga alagad ng sining ang nagpasyang ipinta ang isang tangke na sinlaki sa totoong buhay sa isang harang. Isa sa bawat isang harang. sa harap ng isang tangkeng ito ay isang mama na nakabisekleta na may buslo sa kanyang ulo. Sa sino mang mapadaan, walang problema sa tanawing ito. Pagkatapos ng mga karahasan, isa pang alagad ng sining ang dumating, ipininta ang dugo, mga nagkikilos protesta na nasagasaan ng tangke demostrador, at isang mensaheng nagsasabing "Simula bukas may bago na akong mukha, ang mukha ng bawat martir. Naririto ako." Ang mga awtoridad ay dumating at pinintahan ng puti ang harang, iniwan ang tangke at naglagay ng mensahe: "Sundalo at bayan, kapit bisig. Egypt para sa mga taga-Egypt." Isa na namang alagad ng sining and dumating at ipininta ang ulo ng sundalo bilang isang halimaw na kinakain ang dalaga sa ilog ng dugo sa harap ng tangke. Bumalik ang mga awtoridad at pininturahan ng puti ang harang, iniwan parin ang tangke, iniwan ang uniporme, at sinabuyan ng pinturang itim upang maitago ang ulo ng halimaw. Dumating ako dala ang aking mga stencil, at ipininta ko sa mga suot na uniporme, sa tangke, at sa buong harang, at ito ang itsura ngayon at abangan ang susunod na kabanata. (Tawanan)
Now, I want to leave you with a final no. I found Neruda scribbled on a piece of paper in a field hospital in Tahrir, and I decided to take a no of Mamluk Mausoleum in Cairo. The message reads, [Arabic] "You can crush the flowers, but you can't delay spring."
Ngayon, nais ko kayong iwan tangan ang huling hindi. Nakita ko si Neruda nagsusulat sa isang papel sa isang ospital sa Tahrir, at nagpasya akong hindi na sa Musoleyong Mamluk sa Cairo. Ang Mensaheng ito nagsasabing: [Arabe] "Maari ninyong puksain ang mga bulaklak, ngunit hindi ninyo mapipigilan ang tagsibol."
Thank you. (Applause) (Applause) Thank you. Shukran. (Applause)
Salamat. (Palakpakan) (Palakpakan) Salamat. Shukran. (Palakpakan)