My big idea is a very, very small idea that can unlock billions of big ideas that are at the moment dormant inside us. And my little idea that will do that is sleep.
Ang aking malaking ideya ay isang napakaliit na ideya na maaaring buksan ang bilyun-bilyong malalaking ideya na hanggang ngayo'y nakatago sa ating kamalayan. At ang maliit na ideyang iyon ay ang pagtulog.
(Laughter)
(Tawanan)
(Applause)
(Palakpakan)
This is a room of type A women. This is a room of sleep-deprived women. And I learned the hard way the value of sleep. Two-and-a-half years ago, I fainted from exhaustion. I hit my head on my desk. I broke my cheekbone, I got five stitches on my right eye. And I began the journey of rediscovering the value of sleep. And in the course of that, I studied, I met with medical doctors, scientists, and I'm here to tell you that the way to a more productive, more inspired, more joyful life is getting enough sleep.
Ang kwartong ito ay puno ng mga kababaihang type-A. Ito ay kwarto ng mga babaeng kulang sa tulog. Pahirapan ko itong natutunan, ang kahalagahan ng pagtulog. Dalawa-at-kalahating taon na ang nakakaraan, nahimatay ako sa sobrang pagod. Nauntog ang ulo ko sa mesa. Nadurog ang aking cheekbone, at may limang tahi malapit sa kanang mata. At sinimulan ko ang paglalakbay sa pagtuklas ng kahalagahan ng pagtulog. At sa lahat ng aking pinagdaanan, nag-aral ako, kinausap ang mga doktor, mga siyentipiko, at andito ako ngayon upang sabihin na ang paraan sa mas produktibo, mas masigla, at mas masayang buhay ay ang magkaroon ng sapat na tulog.
(Applause)
(Palakpakan)
And we women are going to lead the way in this new revolution, this new feminist issue. We are literally going to sleep our way to the top -- literally --
At tayong mga kababaihan ang mangunguna sa bagong pakikibaka, itong bagong isyung peminista. Literal tayong matutulog papuntang tagumpay, literal.
(Laughter)
(Tawanan)
(Applause)
(Palakpakan)
because unfortunately, for men, sleep deprivation has become a virility symbol. I was recently having dinner with a guy who bragged that he had only gotten four hours sleep the night before. And I felt like saying to him -- but I didn't say -- I felt like saying, "You know what? if you had gotten five, this dinner would have been a lot more interesting."
Dahil sa kasamaang-palad para sa mga kalalakihan, ang kakulangan sa tulog ay naging sukatan ng pagiging lalaki. Kamakailan, nakasama ko sa hapunan ang isang lalaki na ipinagmayabang na apat na oras lang ang tulog niya nung isang gabi. At gusto ko sanang sabihin na -- pero hindi ko ginawa -- sasabihin ko na sana, "Alam mo? Kung limang oras sana 'yun,
(Laughter)
mas interesante sana ang hapunang ito."
(Tawanan)
There is now a kind of sleep deprivation one-upmanship. Especially here in Washington, if you try to make a breakfast date, and you say, "How about eight o'clock?" they're likely to tell you, "Eight o'clock is too late for me, but that's OK, I can get a game of tennis in and do a few conference calls and meet you at eight." And they think that means they are so incredibly busy and productive, but the truth is, they're not, because we, at the moment, have had brilliant leaders in business, in finance, in politics, making terrible decisions. So a high IQ does not mean that you're a good leader, because the essence of leadership is being able to see the iceberg before it hits the Titanic.
Sa kasalukuyan, ang kakulangan sa pagtulog ay nagiging isang kompetisyon. Tulad dito sa Washington, na kung makikipag-breakfast date ka, at tatanungin mo, "Pwede ba ang 8:00?" sasabihin nila sa'yo, "Late na 'yang alas-otso, pero okay lang, makakapag-tennis pa ako at aasikasuhin ang ilang conference calls, bago tayo magkita ng 8." At paniwala nila ay napakaproduktibo nito at ang dami ng natatapos, ngunit sa totoo lang ay hindi talaga, dahil sa ngayon, marami tayong matatalinong lider sa negosyo, sa pananalapi, sa pulitika, na gumagawa ng mga maling pagpapasiya. Kaya ang mataas na I.Q. ay hindi sukatan ng pagiging magaling na lider, dahil ang tunay na kahulugan ng pamumuno ay ang kakayahang makita ang tipak ng yelo bago pa nito banggain ang Titanic.
(Laughter)
Napakarami na ng mga yelong
And we've had far too many icebergs hitting our Titanics. In fact, I have a feeling that if Lehman Brothers was Lehman Brothers and Sisters, they might still be around.
tumama sa ating mga Titanic. Katunayan, tingin ko na kung ang Lehman Brothers ay naging Lehman Brothers at Sisters, baka andito pa sila ngayon.
(Laughter)
(Palakpakan)
(Applause)
Habang ang lahat ng lalaki ay abala
While all the brothers were busy just being hyper-connected 24/7, maybe a sister would have noticed the iceberg, because she would have woken up from a seven-and-a-half- or eight-hour sleep, and have been able to see the big picture.
sa pagiging hyper-connected 24/7, baka naman mapapansin ng babae ang tipak ng yelo, dahil nanggaling siya sa pito-at-kalahati o walong oras na tulog at makikita niya ang buong larawan.
So as we are facing all the multiple crises in our world at the moment, what is good for us on a personal level, what's going to bring more joy, gratitude, effectiveness in our lives and be the best for our own careers, is also what is best for the world. So I urge you to shut your eyes, and discover the great ideas that lie inside us; to shut your engines and discover the power of sleep.
Kaya habang tayo'y nahaharap sa napakaraming krisis sa ating mundo sa kasalukuyan, ang bagay na makakabuti sa'tin sa personal na aspeto, ang bagay na magdudulot ng galak, pasasalamat, kahusayan sa ating buhay upang maging pinakamagaling sa kanya-kanyang karera ay siya ring makakabuti para sa mundo. Kaya hinihikayat ko kayo na ipikit ang inyong mga mata at tuklasin ang mahuhusay na mga ideya na nakatago sa kaloob-looban natin, ihinto ang mga makina at tuklasin ang bisa ng pagtulog.
Thank you.
Salamat.
(Applause)
(Palakpakan)