Now, I want to start with a question: When was the last time you were called "childish"? For kids like me, being called childish can be a frequent occurrence. Every time we make irrational demands, exhibit irresponsible behavior, or display any other signs of being normal American citizens, we are called childish. Which really bothers me. After all, take a look at these events: Imperialism and colonization, world wars, George W. Bush. Ask yourself, who's responsible? Adults.
Ngayon, nais kong magsimula sa isang tanong: Kailan kayo huling tinawag na "isip bata"? Sa mga batang tulad ko ang matawag na "isip-bata" ay madalas mangyari. Tuwing may hihingin kaming mala-imposible, magpakita ng iresponsableng pagkilos, o magpakita ng ano pa mang taliwas sa pagiging normal na mamamayang Amerikano, kami ay binabansagang "isip bata", na talagang nakakabahala. Kung titignan nating ang mga kaganapang ito: imperyalismo at kolonyalismo, mga digmaang pandaigdig, si George W. Bush. Tanungin nyo nga: Sino ang may kagagawaan? Mga matatanda.
Now, what have kids done? Well, Anne Frank touched millions with her powerful account of the Holocaust. Ruby Bridges helped to end segregation in the United States. And, most recently, Charlie Simpson helped to raise 120,000 pounds for Haiti, on his little bike. So as you can see evidenced by such examples, age has absolutely nothing to do with it. The traits the word "childish" addresses are seen so often in adults, that we should abolish this age-discriminatory word, when it comes to criticizing behavior associated with irresponsibility and irrational thinking.
Ngayon, ano naman ang nagawa ng mga bata? Hinimok ni Anne Frank ang milyung-milyon sa pagsasalaysay tungkol sa Holocaust, si Ruby Bridges, na winakasan ang segregation (pagbubukod-bukod) sa Estados Unidos, at kamakailan lang, si Charlie Simpson na nakatulong makaipon ng 120,000 pounds para sa Haiti gamit ang kanyang mumunting bisikleta. Sa mga halimbawang ito, makikita nating walang kinalaman ang edad. Ang pinahihiwatig ng salitang "isip bata" ay napakadalas ring makita sa mga matatanda kung kaya't dapat itigil na ang paggamit ng salitang ito kung ito'y patungkol sa pag-aasal na iresponsable at pag-iisip na walang katuturan.
(Applause)
(Palakpakan)
Thank you.
Salamat.
Then again, who's to say that certain types of irrational thinking aren't exactly what the world needs? Maybe you've had grand plans before, but stopped yourself, thinking, "That's impossible," or "That costs too much," or "That won't benefit me." For better or worse, we kids aren't hampered as much when it comes to thinking about reasons why not to do things. Kids can be full of inspiring aspirations and hopeful thinking, like my wish that no one went hungry, or that everything were free, a kind of utopia. How many of you still dream like that, and believe in the possibilities? Sometimes a knowledge of history and the past failures of Utopian ideals can be a burden, because you know that if everything were free, then the food stocks would become depleted and scarce and lead to chaos. On the other hand, we kids still dream about perfection. And that's a good thing, because in order to make anything a reality, you have to dream about it first.
Sino nga ba ang magsasabi na hindi natin kailangan ng ganitong uri ng pag-iisip? Dati ba'y nagkaroon kayo ng dakilang plano, ngunit napatigil at napaisip: ito'y imposible o hindi kaya'y sobrang gastos o hindi ito kapakipakinabang sa akin. Kaming mga bata ay hindi kasing dali sumuko sa mga imposibleng bagay. Punung-puno ang mga bata ng masisiglang hangad at pag-asa, gaya ng nais ko na walang magugutom o lahat ng bagay ay libre na parang utopia. Ilan sa inyo ang nananaginip ng ganun at naniniwala na posible iyon? Minsan ang ating natutunan sa kasaysaysan at mga kabiguan sa mga ideolohiyang utopian ay nagiging pabigat dahil kung gagawing libre ang lahat ng bagay, mauubos ang lahat ng pagkain, maghihikahos at magkakagulo. Sa kabilang banda, kami'y nangangarap pa rin ng mundong perpekto. At iyon ay mabuti dahil upang makamit natin ang isang bagay, pinapangarap muna natin ito.
In many ways, our audacity to imagine helps push the boundaries of possibility. For instance, the Museum of Glass in Tacoma, Washington, my home state -- yoohoo, Washington!
Ang mapangahas na kaisipan ang nagpapalawak ng mga posibilidad. Halimbawa, sa Museum of Glass sa Tacoma, Washington, ang aking home state -- yoohoo Washington --
(Applause)
(Palakpakan)
has a program called Kids Design Glass, and kids draw their own ideas for glass art. The resident artist said they got some of their best ideas from the program, because kids don't think about the limitations of how hard it can be to blow glass into certain shapes, they just think of good ideas. Now, when you think of glass, you might think of colorful Chihuly designs, or maybe Italian vases, but kids challenge glass artists to go beyond that, into the realm of brokenhearted snakes and bacon boys, who you can see has meat vision.
may proyektong Kids Design Glass, kung saan iginuguhit ng mga bata sa salamin ang mga ideya. Nabanggit ng resident artist ng museo na ang ilan sa pinakamahusay na ideya ay mula sa proyekto dahil walang limitasyon ang imahenasyon ng mga bata kahit gaano kahirap man i-blow glass ang mga hugis na ito. Pawang magagandang ideya lamang. Kapag nag-isip ka ng babasaging kristal, maaaring makukulay na disenyong Chihuly ang maisip mo o di kaya'y mga plorerang Italyano, ngunit hinahamon ng mga bata ang mga glass artists na bumuo ng mga disenyong ahas na nabigo sa pag-ibig at bacon boys, na may kapangyarihang meat vision.
(Laughter)
(Halakhakan)
Now, our inherent wisdom doesn't have to be insider's knowledge. Kids already do a lot of learning from adults, and we have a lot to share. I think that adults should start learning from kids. Now, I do most of my speaking in front of an education crowd -- teachers and students, and I like this analogy: It shouldn't be a teacher at the head of the class, telling students, "Do this, do that." The students should teach their teachers. Learning between grown-ups and kids should be reciprocal. The reality, unfortunately, is a little different, and it has a lot to do with trust, or a lack of it.
Ang angking talino namin ay hindi naman monopolyo ng kabataan. Natututo ang mga bata mula sa mga matatanda, at marami din kaming maibabahagi. Palagay ko marapat simulan ng mga matatanda na makinig sa mga bata. Madalas akong naiimbitahang magsalita sa harap ng mga guro at mag-aaral, at lagi kong ginagamit ang ganitong paghahambing: Hindi lamang guro sa harap ng silid-aralan ang may karapatang magsabi na gawin ito o gawin yan. Marapat na turuan din ng mga estudyante ang mga guro. Ang kaalaman ng mga matatanda at bata ay dapat gawing palitan. Sa kasamaang-palad, hindi ganito ang nangyayari, at ito'y dahil sa pagtitiwala, o sa kakulangan nito.
Now, if you don't trust someone, you place restrictions on them, right? If I doubt my older sister's ability to pay back the 10 percent interest I established on her last loan, I'm going to withhold her ability to get more money from me, until she pays it back.
Kung wala kang tiwala sa isang tao, may mga limitasyon kang nilalagay. Kung pinagdududahan ko ang ate ko na mababayaran niya ang 10 porsiyentong interes na patong ko sa kanyang huling utang, hindi ko na siya pauutangin muli hangga't mabayaran niya ako. (Halakhakan)
(Laughter)
Totoo yun.
True story, by the way. Now, adults seem to have a prevalently restrictive attitude towards kids, from every "Don't do that, don't do this" in the school handbook, to restrictions on school Internet use. As history points out, regimes become oppressive when they're fearful about keeping control. And although adults may not be quite at the level of totalitarian regimes, kids have no or very little say in making the rules, when really, the attitude should be reciprocal, meaning that the adult population should learn and take into account the wishes of the younger population.
Ngayon, madalas pinaghihigpitan ng mga matatanda ang mga bata mula sa mga "bawal" na mga alituntunin sa student handbook, sa paghihigpit sa paggamit ng internet sa paaralan. Patunay sa kasaysayan na nagiging malupit ang pamahalaan kapag ito'y natatakot na mawalan ng kontrol. At bagamat hindi pa umaabot ang mga matatanda sa pagiging diktadurya, wala o napakaliit ng "say" ng mga bata sa mga alituntunin, na dapat sana ay gawing palitan, at dapat matuto ang mga matatanda na makinig sa mga ninanais
Now, what's even worse than restriction, is that adults often underestimate kids' abilities. We love challenges, but when expectations are low, trust me, we will sink to them. My own parents had anything but low expectations for me and my sister. Okay, so they didn't tell us to become doctors or lawyers or anything like that, but my dad did read to us about Aristotle and pioneer germ-fighters, when lots of other kids were hearing "The Wheels on the Bus Go Round and Round." Well, we heard that one too, but "Pioneer Germ Fighters" totally rules.
ng mga kabataan. Higit na nakakabahala ay ang pagmamaliit ng mga matatanda sa kakayahan ng mga kabataan. Gusto namin ang paghamon, subalit kapag maliit lang ang inaasahan sa amin, hindi rin kami makakaalpas. Hindi naging mababa ang ekspektasyon ng aking magulang sa akin at sa aking ate. Hindi nila kami sinabihan na maging mga doktor o abogado o ano pa man, bagamat laging binabasa ng aking tatay sa amin sila Aristotle at ang mga pioneer germ fighters habang ang ibang mga bata ay nakikinig ng "The Wheels on the Bus Go Round and Round." Alam din namin yun, pero sa "Pioneer Germ Fighters" pa din kami.
(Laughter)
(Halakhakan)
I loved to write from the age of four, and when I was six, my mom bought me my own laptop equipped with Microsoft Word. Thank you, Bill Gates, and thank you, Ma. I wrote over 300 short stories on that little laptop, and I wanted to get published. Instead of just scoffing at this heresy that a kid wanted to get published, or saying wait until you're older, my parents were really supportive. Many publishers were not quite so encouraging. One large children's publisher ironically said that they didn't work with children. Children's publisher not working with children? I don't know, you're kind of alienating a large client there.
Mula nung ako'y apat na taon gusto ko nang magsulat at nung ako'y anim na taon binili ako ng aking nanay ng isang laptop na may Microsoft Word. Maraming salamat Bill Gates at inay. Nakasulat ako ng mahigit sa 300 maiikling kuwento sa maliit kong laptop, at ang hangad ko'y malathala sila. Sa halip na hamakin itong maling paniniwala ng isang bata nagnanais na malathala, o kaya'y sabihin maghintay na tumanda, sinuportahan ako ng aking mga magulang. Maraming mga tagapaglathala ang nakakadismaya. May isang tagapaglathala ng librong pambata ang nagsabi na hindi sila nakikipagugnayan sa mga bata. Isang pambatang tagapaglathala na hindi nakikipaguugnayan sa mga bata? Ewan ko lang, may malaki-laki atang grupo ng kliyente ang pinapabayaan nila.
(Laughter)
(Halakhakan)
One publisher, Action Publishing, was willing to take that leap and trust me, and to listen to what I had to say. They published my first book, "Flying Fingers," you see it here. And from there on, it's gone to speaking at hundreds of schools, keynoting to thousands of educators, and finally, today, speaking to you.
Ngayon, may isang tagapaglathala, ang Action Publishing, na pumayag at nagtiwala sa akin, at nakinig sa aking gustong ipahiwatig. Sila ang naglathala ng una kong libro, "Flying Fingers," -- itong nakikita n'yo -- at mula roon, nakapagsalita na ako sa daan-daang paaralan, sa libu-libong guro, at, ngayon, sa inyo.
I appreciate your attention today, because to show that you truly care, you listen. But there's a problem with this rosy picture of kids being so much better than adults. Kids grow up and become adults just like you.
Ako'y nalulugod sa inyong pakikinig ngayon, dahil ito'y nagpapakita na kayo ay tunay na nagmamalasakit, kayo ay nakikinig. Ngunit may problema sa malarosas ng larawan na ang kabataan ay mas mahusay sa mga matatanda. Ang mga bata ay lumalaki ant nagiging matanda tulad ninyo.
(Laughter)
(Halakhakan)
Or just like you? Really? The goal is not to turn kids into your kind of adult, but rather, better adults than you have been, which may be a little challenging, considering your guys' credentials.
Katulad ninyo, nga ba? Ang layunin ay hindi hubugin ang mga bata na maging tulad ninyo, kundi ang maging mas mahusay kaysa sa inyo, na medyo mahirap gawin
(Laughter)
dahil ang huhusay niyo na,
But the way progress happens, is because new generations and new eras grow and develop and become better than the previous ones. It's the reason we're not in the Dark Ages anymore. No matter your position or place in life, it is imperative to create opportunities for children, so that we can grow up to blow you away.
ngunit ang pag-unlad ay nagaganap dahil sa bagong henerasyon at ang makabagong panahon ay sumisibol, yumayabong at nagiging mas mabuti kaysa sa dati. Ito ang dahilan kung bakit wala na tayo sa Dark Ages. Ano pa man ang estado mo sa buhay, marapat bigyang pagkakataon ang kabataan upang kami'y lumaki na sisindak sa inyo.
(Laughter)
(Halakhakan)
Adults and fellow TEDsters, you need to listen and learn from kids, and trust us and expect more from us. You must lend an ear today, because we are the leaders of tomorrow, which means we're going to take care of you when you're old and senile. No, just kidding.
Mga matatanda at kapwa TEDsters, kailangan niyong makinig at matuto sa mga bata at magtiwala at umasa sa amin. Bigyan ninyo kami ng atensyon ngayon, dahil kami ang magiging pinuno ng kinabukasan, at kami ang mag-aalaga sa inyo kapag kayo'y matanda na at uugod-ugod. Hindi, biro lang.
(Laughter)
Sa totoo lang, kami ang susunod na henerasyon,
No, really, we are going to be the next generation, the ones who will bring this world forward. And in case you don't think that this really has meaning for you, remember that cloning is possible, and that involves going through childhood again, in which case you'll want to be heard, just like my generation. Now, the world needs opportunities for new leaders and new ideas. Kids need opportunities to lead and succeed. Are you ready to make the match? Because the world's problems shouldn't be the human family's heirloom.
ang henerasyon na magpapaunlad sa mundong ito. At kung sa palagay ninyo'y wala itong kahulugan sa inyo, tandaan ninyo na posible na ang "cloning", at ito'y mangangahulugan na dadaan muli kayo sa pagkabata, at nanaisin n'yo ring mapakinggan katulad ng aming henerasyon. Ngayon, kailangan ng mundo ng mga pagkakataon para sa mga bagong lider at bagong ideya. Mga pagkakataong mamuno at magtagumpay ang kabataan. Nakahanda ba kayong tumulong? Dahil ang mga problema ng mundo ngayon ay hindi dapat maging pamana ng sangkatauhan.
Thank you.
Salamat.
(Applause)
(Palakpakan)
Thank you. Thank you.
Salamat. Salamat.